꣑𓍢
giselle's pov
Habang nagmamaneho siya, hindi ko mapigilang tignan at tumitig sa kaniya. Sobrang gwapo niya kasi. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan ako nito eh.
Humahanga lang ako dati. Namomroblema kung paano siya kakausapin. Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng galit niya sa ballet, pinili niya pa rin ako. He put aside his hatred of ballet just for me. Ganun niya ba ako kamahal?
Naramdaman niya ang pagtitig ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at kinindatan ako.
I rolled my eyes at him para itago ang kilig ko.
"Stop staring. Nadi-distract ako."
"Hirap nun. Ang gwapo mo kasi eh. Papangit ka muna." Umubo ubo siya. Lol. Kita ko pa rin naman ang pagsilay ng ngiti niya. Hindi na lang kasi sabihing kinikilig siya. May patago tago pang nalalaman. Nako naman.
Hindi siya umimik, instead kinuha niya ang aking palad na nakapatong sa aking hita at pinagsiklop niya ang mga kamay namin. I can't help but to blush. I feel the butterflies in my stomach because of what he did.
So this is how it feels when you fall in love. Even if it's just a small thing, as long as the person who did it is the person you love, hindi mo pa rin talaga maiiwasang kiligin at humanga ng paulit ulit sa taong 'yun.
We arrived at our destination. Alesso quickly got out of his car just to open the door for me. Kainis. Kaya ko namang gawin 'yun, pero sino bang niloko ko, kinikilig lang talaga ako.
Bago ako bumaba, ini-abot niya muna sa akin ang kaniyang kamay. Hinawakan ko yun at bumaba na. I appreciate him even more.
Nung nakababa na ako, hindi ko na binitawan ang kaniyang kamay. Hindi niya rin naman inaalis kaya't hinayaan ko na.
May mga taong lumapit sa amin. Tinanong kung may reservation ba. Alesso nodded. The manager led us to our table. Nagpasalamat kaming dalawa.
Uupo na sana ako. Sinabihan ako ni Alesso na huwag muna at ipikit ko ang mata ko, kaya pinikit ko 'yun. Ano kayang pakulo nito ngayon. Iminulat ko ang mga mata ko at ang bumungad sa akin ang isang bouquet. OMG. It's Tulips. Full of tulips. Halo halo ang kulay nito. May puti, may pink, may yellow at ang pinakamarami ay pula.
I looked at him teary eyed. "Thank you so much for this, Alesso." Mabilis siyang lumapit at pinatakan ng halik ang aking noo. "You're welcome baby." He said, at ipinaghila niya ako ng upuan para makaupo na.
Habang busy kong pinagmamasdan ang mga tulips, may lumapit na waiter para tanungin kung anong order namin. Hinayaan ko na si alesso dahil alam ko naman na alam niya kung anong gusto ko. And after niyang sabihin kung anong order namin, the waiter left.
He looked at me. "What?" Sabi ko.
"Ganda mo." I rolled my eyes at him.
"Alam ko. Matagal na." Tinakpan niya ang kaniyang bibig habang tumatawa. Sinipa ko ang paa niyang nasa ilalim ng lamesa. "Okay. Okay. I'll stop na."
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Gusto ko yung ganito. Kahit tahimik, walang awkwardness. Ang payapa. Basta talaga siya ang kasama ko, ang payapa.
"Giselle." Tawag niya sa akin. Ang seryoso naman. So scary. Charot. "Bakit?"
"Let's go to the garden first. I heard it's beautiful there." Sabi niya.
"Okay." Tumayo na ako. Inilahad niya ang kaniyang braso sa akin kaya't humawak ako doon. I giggled.
Tama siya. Maganda nga. Sa gitna ng garden ay may fountain.