Athena's Nagmamagandang POV
Leshe. Ano ba namang klaseng boarding house to?
Hindi nakukuha sa isang buhos ang ta3 dito. Nadaig pa ang probinsiya namin.
Nadaig din ng gripo ang poso namin sa probinsiya. Sumobra pa ang tulo ng tubig sa gripo sa taong dehydrated.
May nakita akong balde sa tabi ng inidoro malamang ginamit yun nang nauna saakin magbanyo.
Ang tamad talaga ng mga ka boarder ko.
Dalawang linggo pa lamang akong nakatira dito. Bagong dating lang ako dito sa Maynila kaya ignorante ako sa lahat ng nakikita at ginagawa ko.
Isang kamag-anak ko ang nag rekomenda dito sa boarding house na bulok na toh. Boardinghouse to ni Mrs.Agila.
Second floor ito,May kalumaan na rin pero hindi naman delikado.
Sa first floor andun ang kwarto ng mga lalaki mas malakas din dun ang tubig. Sa second floor andun ang kwarto naming mga babae at ang tubig na nadaig pa ang dehydrated na tao.
Kung tutuusin maayos naman itong boardinghouse na tinutuluyan ko panira nga lang ng image yung tubig.
Dalawang boarders lang kada isang silid ang pwede. Pwede 'ding gamitin yung dining at kusina sa baba.
Hindi nga lang nabanggit ni Mrs.Agila na mahina ang tubig dito. Kung nabanggit niya sana yun hindi ko to kukunin. Nalaman ko na lang rin nung nakatira na ako dito.
Kaysa magpakapagod pa ako sa paghahanap ng boardinghouse pagtitiisan ko na lang tong boardinghouse ni Mrs.Agila tutal isang taon lang naman ako dito.
Pagkatapos na pagkatapos ng board exam ko uuwi na din ako sa probinsiya namin.
Sobrang saya ko nung nalaman ko yun. Bukod sa mararating ko na ang pangarap ko,Kikita na din ako ng malaki.
Education ang kinuha ko yun lang naman kasi ang available sa probinsiya namin. Public lang ako nag-aral ng college at dahil dun Education lang ang nakuha ko.
Pero,pangarap ko 'din namang maging guro. Guro ang mga angkan namin. Si mama si tita at ang iba ko 'pang kamag-anak.
Sa angkan namin ang pagiging guro ay mataas na propesyon at rerespetuhin ka 'din.
Gustong tulungan ang mga batang hindi nakakapag aral.
Walang magiging abugado,pulis,doktor , nurse at iba pa kung hindi sila nag-aral.
Yes! buti naman at napuno na tong balde. Binuhat ko na ito at 'saka binuhos sa balde. May nakita akong maliit na sachet ng toothpaste kaya tinuluan ko yung bowl at saka binuhusan ulit. Maiba tayo,para mabango.
Sorry,ignorante lang.
Sigurong matutuwa ang susunod na gagamit dito. Bukod sa amoy toothpaste may tubig na rin dahil hindi ko na papatayin yung tubig nilagay ko na lang sa tapat yung balde sa tapat ng gripo para may maiwang tubig.
Nagulat naman ako ng paglabas ko ng banyo may lalaking nakatayo. Binobosohan siguro ako nito? Tanga naman ni kuya bukod sa naka jeans ako naka t-shirt din ako. Paano niya ako mabobosohan?
Ang nerdy nerdy ni Kuya bukod sa ang payat niya matangkad naman siya at nakasalamin at nagbabasa din siya ng libro na sobrang kapal.
Ang talented naman ni Kuya habang binobosohan ako nagbabasa pa siya ng libro. Duling siguro toh.
Makaalis na nga. Aalis na sana ako ng nagsalita siya
"Tuma3 ka?" Watdafaq! Ang prangka ni Kuya.
Sasagutin ko ba toh o hindi? Nakakahiya naman kasi yung tinatanong niya.
Bigla siyang humarap saakin. Sinarado niya yung librong binabasa niya at may nilabas na posporo.
"Here,Magsindi ka sa loob. Ma-aabsorb ng phosporus ang bad smell galing sa ta3"
Kalito naman ang sinasabi nito. Kinuha ko na lang yung posporo.
Dapat ba akong ma-offend sa kaprangkahan ni Kuya?
"Kuya'ng maprangka 'nu name mo?" Tama ba yung sinabi ko?
"My name is Bogs Mapagmahal--Joke! I'm Harry Mendoza 20 years old. Ikaw?"
"Ah-- I'm Athena Marie De Guzman 20 years old rin"
"I'm just asking your name" Ang sungit naman nito punitin ko libro niya e!
"Bakit tinanong ko lang din naman yang pangalan mo ah?" Sungitan niya ako sungitan ko din siya. Diba ganun ugali dito sa Maynila?
Sorry,igno lang.
"Joke lang naman" Nag jojoke pala ang nerd dito sa Maynila?
"Boarder ka dito? Diba may banyo naman sa baba"
"Malamang boarder ako dito. Oo may banyo dun sa baba kaso naginuman ng pang-mahirap yung mga kaboarder ko dun kaya kahit siguro ipa-ambush ko pa yung banyo e mabaho parin" Bakit? Mayaman ba itong si kuya?
"Ah K"
Binalik ko na sakanya yung posporo "Ikaw yung bago?" Tanong niya saakin
"Two-weeks na ako dito"
"Ikaw nga yung pinag-uusapan ng mga kaboarder ko kagabi. Maganda ka daw pero baduy manamit dahil promdi"
Leshe! Kaya pala pag baba na ako sa hagdan at nandun sila bigla silang titingin saakin yun pala nababaduyan sila.
"K" Naiinis ako sa mga pinagsasabi niya
"Wag ka na lang kasing magpalda" Haluh? bakit naman?
"Anong gusto mo isuot ko? Panty?"
Tumawa siya "I mean,Wear something else yung naayon sa fashion. Magsasandal ka na nga lang may stockings pang luma,Nagmumukha kang madre"
Edi ibig-sabihin nakita na niya ako dati? Eh bakit tinatanong pa niya kung ako yung bagong boarder?
Maasar nga "Girl ka no? Sex change?"
"Oy! hindi ah! Just do it para hindi ka nila kutyain"
So? Nilalait nila ako?
Pumasok na siya sa banyo bago pa ulit ako makapagsalita.
Bahala sila jan. Lait all you can sila.
BINABASA MO ANG
The Promdi Girl
RomanceNainlove ako sa isang ignoranteng probinsiyana. Hindi ako marunong manligaw,pero ang tadhana oo marunong na marunong. Nagkaron siya ng amnesia dahil saakin. Dahil sa sama ng loob. "If talagang we had a relationship. Why not join me in bed? and you d...