TPG : 4

1K 10 1
                                    

Athena's POV

Potackerls! Kahit anong naiimagine ko or iniimagine hindi parin maburo sa isipan kong makikita na ni Harry yung ano ko!

Natarayan ko pa siya! Ano na bang gagawin ko? Pagkatapos akong tulungan tatarayan ko lang? Ganun pa ang promdi?

Mag sorry kaya ako? Ah yun! Yun yung tama!

Boba ka kasi Athena! You should say sorry and thank you okay? Wag kang ignorante Athena!

Pagkatapos ng lesson sa pagkuha ko ng board exam pumunta akong red ribbon at bumili ng cake yung bilog. Pinalagyan ko yun ng Sorry and Thank You Harry! May happy face pa nga akong ipinadagdag.

"Kanino yan?" Tanong nang ka-boarder kong babae.

"Wala lang to!" Pagtanggi ko. Ayokong isipin niya o nila na nililigawan ko si Harry. Yun kasi yung mga nababasa ko sa Wattpad e.. Yung uso dito sa manila.

"Wala naman pala! Kainin na natin! Kakagising ko lang at nagugutom na ako!"

"Hindi pwede! Mag noodles ka na lang sa baba. Bawal kumain ng sweets kapag wala pang laman na iba ang tiyan"

"Ah sige. Nga pala yan ba yung ginamot ni Harry?" Tinuro niya yung malapit sa kilay ko.

"Oo pano mo nalaman?"

"Sabi nang kaboarder niya sakin e. Sabi ko nga ba sayo type ka nun. Nililigawan ka?"

"Huh?!"

"Wag kang pa huh-huh jan boarder. Alam mo bang pwedeng pwede sayo si Ponce. Aalagaan ka nun pramis! Cross my heart! Magkaron man ng forever!"

Napasinghap ako ng marinig ko ang salitang 'forever' Psh. Pati si forever dinamay pa nitong ka-boarder ko.

"Anong kurso kinukuha ni Harry?" Pagiiba ko ng topic.

"Ngayon mass com. Pero dati paiba iba siya. Mukha ngang tanga eh" Napakamot pa siya sa ulo niya. Hindi siguro siya nag shashampoo "Basta pwede na kayo. Ikaw nga lang ang bukod tanging pinagtuonan niya ng pansin e. I mean pinansin dahil suplado yun"

"Dami mong alam. Patayin kita? Joke. Paggamit nga ng blender di ako marunong e"

"Nako! Lagot ka kay Mrs.Agila! Sumabog yung blender. Tsk. Mamatay ka sa bunganga nun"

Napaatras na lang ako sa sinabi niya. Nakakatakot naman pala si Mrs.Agila.

Putragis! Sabi ng nagrekomenda sakin dito mas mabait pa daw si Mrs.Agila sa tupa. Tapos mababalitaan kong armalight ang bunganga?

"Para makabawi ka ng bonggang bongga kay Harry yayain mo na lang silang gumimik sama ako at sabihin mong isama yung ka boarder niyang maskulado."

Nandiri ang mukha ko sa loob-loob. Malandi itong ka boarder ko. Hindi na nga masipag malandi pa. Pakarat siguro nanay niya nung 90's?

"I'll try. You know that Harry and I are not that close right?"

"Maliligo ako"

"Hephephep! Noodles ko?" Taray ng malanding to ah.

"Mukha ba akong kabinet? Malamang nasa baba" Ginaya ko pa yung accent ng mga filipino pag nambabara.

Fililino naman ako kaso hindi pure. Fil-Am ako.

Feelingerang Ambisyosa. Ang bongga nuh?

Pagbaba ko dahil walang tubig saamin. May lalaking nandun. Kaboarder ni Harry.

"Hi athena!"

Hindi ako sumagot. Dahil naalala ko yung sinabi saakin ni Harry. Na nababaduyan sila saakin. Napaisip tuloy ako na habang binabanggit nila ang salitang 'Hi Athena' eh napapahagikgik na sila sa loob-loob.

Pero bago pa ako makaalis ng tuluyan may narinig akong baboy na salita na halos ikapunit ng tenga ko. O.A ba? Ah k bye. Back to the topic.

"Pare! Balita ko di na daw virgin yang si Athena. May nangyari daw sakanila ni Harry eh"

Bigla akong napatingin sakanilang dalawa.

"Anong sinasabi mo? Mr.Kaboarder ni Harry"

"Diba kayo na?! Yun kasi ang sabi niya saamin eh"

"S-inabi niy-a y-on?!" Napataas ang boses ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa puntong iyon.

"Oo ang yummy mo daw. Try din kami?"

Awtomatikong nabato ko sakanila yung planggana at tabong hawak ko. Tumakbo ako sa taas. Rinig ko pa ang pag 'aray' nila sa ginawa ko.

Kahit promdi ako may feelings parin.

Feelings na nasasaktan.

Feelings na inaapi.

.
.
.
.
.
.
.
.

Teka? Feelings ba yun?

Ako?! Yummy?! Ni wala pa nga akong nahahalikang lalaki eh! Wala rin nanghihipo sakin.

Tapos mababalitaan ko na lang na di ako virgin?! Aba! Ano ako?! Pakarat?

Kinuha ko yung red ribbon cake. Pinaghalo ko ang icing na nakasulat ang sorry at thank you para kay harry. Hinalo ko sa chocolate yun para di makita ng kaboarder ko

"Sayo na yan!" Sabay salaksak ko sakanya nung karton.

"Leche! Bibigay mo din pala pi akain mo pa sakin yung noodles" Nilanatakan agad ng kaboarder ko yung cake. Pakarat ng nga Patay gutom na. Edi ikaw na!

Bumaba na ako dahil narinig kong bumukas ang gate.

Nakita ko si Mrs.Agila na may hawak na dalawang box at may gift wrapper pa na hello kitty.

"Oh bakit Mrs.Agila?" Takang tanong ko.

Tatanungin ko sana yung tungkol sa tubero pero nakita kong umakyat na ang tubero kaya napaikli ang napamaganda kong tanong sakanya.

"Ipinabibigay ni Harry. Sorry daw tungkol sa nakita niya"

Ano?! Naginit agad ang bunbunan ko ng maalala an mga pinagsasabi ng mga kaboarder niya.

Hinablot ko kay Mrs.Agila yung box at umakyat.

Paminsan minsan payagan niyo nama akong mawalan ng GMRC. Good manners and Right Conduct

Pinunit ko yung box at tumambad sakin ang Panty at Bra.

Iniangat ko ang Panty, dose yung Panty. Namula ako ng makita ko ang nakasulat dun.

January February March April May June July August September October November December.

Ginagago ba ako ni Harry?!

Itinaas ko ang mga Bra at sa tungin ko lalo pa akong namula.

Sa tapat ng foam nakasulat ang

J F M A M J J A S O N D

Napamura na lamang ako.

Humanda ka sakin Harry. Potackerls ka! Pagkatapos ng mga ipinagkalat mo. May reregalo ka pa saking ganito?!

Akala ko matalino ka. Lechugas pala yang ugali mo. May tinatagong kalandian din

Humanda ka.

--------------

A/N : Haha! Ano naman kaya ang gagawin ni Athena? Next update? Sorry i don't know. I just want to say na sana keep supporting and reading my stories. Lablats!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon