Athena's Ignoranteng POV
Bumili ako ng alarm clock na tandang. Namimiss ko din kasi ang buhay probinsiya lalo na kapag gumigising ako.
Nag alarm ako ng 5:00am pero hindi siya tumunog. 6:00am na tuloy ako nsgising.
Napagalaman kong wala pa pala itong baterya. Dinuga ako sa mall. Sabi may baterya na to e! Kainis naman!
Hindi ko naman kasi alam!
Sorry,Ignorante lang.
Makapagligo na nga lang tutal kapag umaga malakas ang tubig dito saamin.
Pumasok ako sa CR kaso nanlumo ako agad. Watdapak?! Walang tubig!
Try ko nga sa baba kung meron.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Maaga pa kasi baka may mabulabog pa ako
Bukas ang ilaw sa baba. Kainis naman oh! Wrong timing!
"Athena!"
"Ay tubig!"
Putcha naman oh! Nagpalinga linga ako at boom! Nandun si Harry nerdy naka dikwatro at nagkakape habang nagbabasa ng sobrang kapal na libro.
Iba na yung cover ng libro. Hindi yun yung binabasa niya nung nagkita kami at prinangka ako
"Hi nerdy Harry" Pa FC. Ay teka? Ano bang meaning ng FC? Nakita ko lang kasi yun sa Facebook.
Kung ano-anong pinagsasabi ko! Hindi ko naman alam ang ibig sabihin.
"Maka nerdy to! Baduy ka naman e"
Sarap bigwasan ng lalaking toh.
Biglang nag flash sa isip kong hindi siya naka briefs. Oh god! Ano bang iniisip mo ha?! Athena Marie?!
"Ano? Nahanap mo na?" Ang alin?
"Ha?" Takang tanong ko
"Mga bra at panties mo"
Bakit ba siya ganun ka-prangka? Hindi man lang ba siya natatakot mainis ang tao sa paligid niya?
Kung ano-anong tinatanong niya. Naalala ko din yung pagtanong niya saakin kung tuma3 ba ako. Ngayon pati ba naman brassiere at underwears ko?
"Hindi ko pa nahahanap eh! Teka may gumagamit ba ng banyo? Walang tubig sa taas eh kahit patak"
"Tinatanong ko ba?" Bibigwasan ko sana siya kaso "Joke!"
"Patawa" Sabay irap ko sakanya
"Maliligo ka pero wala ka ngang bra at panty diba? Ano? Uulitin mo yung suot mo ngayon? Yuck! Kadiri! Gayahin mo na lang ako Airy"
"Tong nerdy na toh! Manahimik ka jan pwede?! Wala ka nang pakialam sa underwears ko! So? Ano pwede ba akong gumamit ng banyo?"
Bwisit na nerdy na to. Akala mo mung sinong matalino.
"Pwede pero hindi ko mapatay yung gripo gusto mo ikaw na lang ang patayin ko?" Pinagsasabi nitong lalaking toh?
"Ikaw muna ang papatayin ko. Sige lalayas na ako at baka mapatay pa kita" Nakakainis naman tong lalaking to. Imbyerna.
Pumasok ako ng banyo at kainis naman! Anong ka-imbyernahan to?
"Bakit sobrang tulo ng gripo?!" Katangahan nitong ni nerdy
"Aba malay ko hindi ako marunong magtali niyan. Loose thread na yan"
"Bobo pwede ang goma ng tsinelas"
BINABASA MO ANG
The Promdi Girl
RomanceNainlove ako sa isang ignoranteng probinsiyana. Hindi ako marunong manligaw,pero ang tadhana oo marunong na marunong. Nagkaron siya ng amnesia dahil saakin. Dahil sa sama ng loob. "If talagang we had a relationship. Why not join me in bed? and you d...