Minerva's POV
"Anak bakit ka ba nagresign dun sa trabaho mo?"
Sabi sakin ni Nanay.
"Nay hindi ko na po kasi kaya. Napakasama ng ugali ng amo ko don. Kulang nalang ipahimod samin yung sahig para malinis."
Sarkastiko kong pagkakasabi kay Nanay. Demonyo kasi yung amo ko don. Akala mo naman ay pinaglihi ng nanay niya sa sama ng loob napakasungit!
Sinigawan niya ko nung isang araw kaya napuno na ko nagresign ako.Ngayon namomroblema ako kung saan ako kukuha ng pera para sa pambili ng gamot ni Nanay.
"Hayaan mo nay maghahanap po ako kaagad ng trabaho. Kailangan din po natin dahil pambili din ng gamot ninyo."
Ngumiti lang ako kay Nanay. Kailangan kong maging matatag para sa kanya.Siya nalang kasi ang natitira kong kamaganak. Kamamatay lang ni tatay nung isang taon dahil sa sakit sa puso kaya eto ako ngayon. Ako na ang kumakayod.
Pinabaunan naman ako ni Nanay ng pangmeryenda.
Nakakita ako ng dyaryo at binili ito. Maglalakad nalang siguro ako 20 din kasi tong dyaryo at pamasahe ko din kasi yon.
Maid
Housekeeper
Cook
GRONapanganga ako nung nakita ko yung huli grabe naman pati ba naman yon inilalagay ngayon dito? Iba na talaga ngayon sa Pilipinas.
Habang binabasa ko yung mga trabaho biglang may humablot ng hawak kong dyaryo.
"Ibalik mo sakin yan!"
Sinabi ko don sa magarang babae na nasa harap ko. Halatang mayaman maganda manamit eh. Pero parang hindi niya ko narinig
"Huy sabi ng akin na yan eh!"
Bingi ba to? Nakakainis naman oh. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho!
"Take off your eyeglasses."
Sabi ni ate"Ha?"
Ano daw? Take off your glasses? Anong meron sa salamin ko? type niya ba to?
"Bingi ka ba o hindi ka lang talaga makaintindi ng ingles? Sabi ko tanggalin mo yang salamin mo."
Sino ba to? Grabe kaugali niya yung amo ko dati. Nakakainis naalala ko na naman yung bwisit na yon
"Sino ka ba?"
takang tanong ko. Mukha siyang artista kahit nakasunglasses siya halata namang maganda siya."You don't have any rights to ask questions to me. When I say something do it. I hate waiting."
Ano siya presidente? taas niya ha? di ko mareach! Bigla nalang niyang kinuha yung salamin ko at tinapon sa basurahan.
Grabe! Mahal yon! 300 din ang pagawa nila nanay non tas tinapon niya lang!
Bago pa ko makalapit sa basurahan. Bigla nalang niya kong hinila.
"Come with me"
Habang papalapit kami sa isang napakagandang kotse! Grabe! parang kotse na to ng gobernador namin eh!
"Hey Lionelle resched my photoshoot I have an urgent thing to do lovelots :* "
Bigla niyang sinabi kaya napatingin nalang ako sa kanya takang taka na ko.
"Sino ka ba?!"
Kanina pa ko tanong ng tanong pero hindi niya ko sinasagot kaya napalakas ang boses ko."Don't shout dear, Just be thankful that someone like me touch you. Now be a good dog and be quiet."
A..Ano daw?? Dog? Aso? Ano ba tong babaeng to? takas sa mental? mukha namang hindi kasi napakaganda niya! Pero malay mo looks can be decieving nga naman
*ring ring ring* *ring ring ring*
Narinig ko namang may kausap siya. Pinili ko namang manahimik nalang. Mamaya serial killer lala to tas patayin ako tas ipatapon niya ko sa ilog pasig.
"You don't need to say it I'm on my way. Just call the others. You'll be shock when you see my surpise."
napatingin ako sa kanya mayaman nga to magaling mag english eh
Kung nakapagaral lang sana ako kaso hindi eh high school lang ang natapos eh. Maaga na kong nakapagtrabaho kasi kailangang kailangan na talaga
Naramdaman ko nalang na tumigil ang sasakyan
"Get down."
Bakit ba siya utos ng utos? Nakakainis na ah? ako naman uto-uto sunod ng sunod. Sinundan ko nalang siya.Sumakay kami sa elevator. Ang gara may aircon yung lugar.
*ting*
Palinga linga ako nung biglang tumigil yung elevator
Bigla nalang may sumigaw na babae
"Bestie!"
Maganda din siya pero mas maganda tong nangkidnap sakin.
"Oh shut up Ciara! Let's go inside."
Habang naglalakad sila biglang napatingin sakin yung Ciara.
"Sino to?" Nakangusong tanong niya kay Kidnapper
"Don't know her name."
Ang ganda talaga dito. Tiningnan ko yung paligid.
"Hey you! Get inside no one's going to rape you there even if you wait."
Ano? Baka akala niya! nung high school ako reyna elena kaya ako sa baryo namin! sa ganda kong to!
"Girls! Meet her my oh so great solution to my problem!"
Pinakilala niya ko na parang pinepresenta ako sa isang contest yung dalawang kamay nagalaw pa.
"Ohhhh what are you going to do to her? Hire her to shoot your soon to be husband?"
Sabi ng babaeng kulot ang buhok"No Britt. Look at her! Can't you see?"
Sumingkit naman yung mata nung tatlong babae na parang kinikilatis ako.
"Oh! now I know!" Sabi nung babaeng maiksi ang buhok.
"Finally! Someone guessed what I am thinking!"
Pumalakpak pa siya talaga ha?"Ididisplay mo siya sa bahay niyo ng matakot yung soon to be husband mong pumasok sa inyo!"
Sabi parin nung maiksi ang buhok. Nakipag apir pa siya doon sa dalawa niyang kasama.
"Mga engot! Can't you see? Kamukha ko siya! Like DUH??? Use your head girls!"
Pumipilantik pa yung kamay niya habang sinasabi niya yon. Maarte!
"Oo nga! Kamukha mo nga! Parehas kayong panget!" Sabi nung Ciara
"HAHAHAHA Oh my gosh! So true!"
sabi nung dalawa"If you won't stop! I'll burn this place in 10 seconds!"
Ma otaridad niyang sabi. Nakakatakot. Kala ko nakakatakot na si Alexander yun pala mas nakakatakot tong babaeng to parang may sira na siya sa ulo."Chill Chill! Look I get it kamukha mo nga siya. jino joke ka lang namin. Hahaha." Sabi ni Ciara
"Tss."
"Now help me on how this ugly creature be like a goddess like me."
BINABASA MO ANG
Bitchesa turns Prinsesa Vise Versa
RomanceTwo different personality Two different person One is a Bitch and one is a Princess. What will happen when one day the Bitch turns to a Princess and the Princess turns to a Bitch Kasi nga Bitchesa turns Prinsesa Vise Versa <3