5

8 0 0
                                    

"Great! Simulan na natin ang pagaayos sayo masyado kang panget para maging ako." Pinataas baba ko pa yung kilay ko para maasar siya

"Hindi pa ba ayos tong suot ko?"
She looks? What do you call that. Ah! A piece of trash.

"No. No. No. Mukha kang pulubi noh! We will do a full body makeover!"

Ciara said with pumipilantik pang fingers! Hahahaha

Dinala namin siya sa salon nila Ciara

"Hey beks! Pakiayusan naman tong babaeng to. Gawin mo siyang tao ha! Make her a biatch like us? Kay? We'll be back later! Ciao!"

Ciara instructed dun sa mga bakla niyang trabahador. Mamimili pa kami ng damit sa boutique nila Angie.

After oh so many hours. Natapos din pagaayos kay freak

Naibigay na pala namin kanina yung mga damit and accessories kay beks.

"Ma'am may I present to you. My creation!"

The curtains slowly moved amd we are all shocked at what we saw. Kamukha ko siya! Kamukha ko talaga siya!

"Ahmm. Maddy can you please slap me? I think i'm hallucinating dalawa kayong nakikita ko."
Ciara said.

I slap her real hard

"Why did you do that!"

Magsasabi siya tapos pag ginawa magagalit. Anong problema niya. Nagkibit balikat nalang ako hindi ko na siya pinansin.

Nagulat talaga ako. Para akong nakatingin sa salamin. Pero syempre mas maganda parin nga lang ako hahaha

"Good! You did a great job beks. Here keep the change."
I gave the bakla 10k mukha namang nagulat siya and said thank you

Uso ba talaga sa story nato ang magulat?

"Tumigil na kayo sa pag nga nga niyo halika na at madami pa tayong gagawin."

Hinila ko naman si freak at pinasakay sa kotse.

Ayoko ng magkwento fast forward na tayo sa condo ko nakakasawa na.

*sa condo ni maddison*

"Andian lahat ng dapat mong pagaralan. My family backgrounds. My friends. My career. Yung mga dating naging jowa ko. My flings. My ex tsaka yung mga manliligaw ko nandian. I want you to memorize those things at bukas na bukas uumpisahan na natin ang pagpapanggap."

Ibinagsak ko sa table yung mga papers na sasauluhin niya. Kung itatanong niyo kung nasan na yung tatlong bitchesa? Pinaalis ko na mga manggugulo lang yon dito.

"Ibig sabihin hindi ko makikita si nanay mamaya? Magaalala yon hindi pa ko nauwi."

Hindi ba niya ko maintindihan? Sabing bukas na bukas uumpisahan na tapos uuwi pa siya? Boba ba to?

"All my orders are absolute." Diin ko sa kanya "No more buts umpisahan mo ng sauluhin yan."

"Someone will be fetching you tomorrow morning. So I expect you to be ready by 6am. Maglalabas ako ng damit sa kwarto and that will be the one you will br wearing. Do I make myslef clear?"

"Oo."

Nakatungo niyang sabi. Halata namang naiiyak na siya. Fine! Mabilis akong maawa. That's my weakest part. Na gustong gusto ko alisin.

"Nagpadala ako ng damit aalis din ako. Pupunta na ko sa nanay mo. I gather all your personal info's. Kaya wag ka ng magalala. I'll start pretending."

I started to get changed to this basahan clothes. Why do I have to do this?
Mukha akong basurera sa suot ko.

"Pakitrato naman si nanay ng ayos. May sakit siya kaya please lang kahit ano gagawin ko wag mo lang siya sasaktan."

"Oo na you don't have to order me. Pinadala ko na siya sa ospital. May gumagamot na sa kanya. So it means ako lang ako tao sa bahay niyo ok? Wag kang maghysterical dian. Kung gusto mo dalawin nanay mo. Feel free to do so. Basta ipapaalam mo sakin. May cellphone dian na kagaya ng akin. Know how to operate it. Itext mo ko kung may tanong ka or emergency. Sige na aalis na ko. Andian na sila Ciara sa baba. And please. Galingan mo ang pagarte mo. Don't ruin this for me."

Hindi ko na siya pinagsalita hahaba lang ang usapan cause I know na super slow niya baka uminit lang din ang ulo ko.

Bumaba na ko and saw Ciara's car. Sumakay ako don. At nagpahatid sa bahay ni Minerva.

"Bestie. You'll gonna text ha? If someone will harass you there just call me and magpapadala ako ng army dian ha?. "

"Wag kang OA Ciara. Kaya ko sarili ko ano ka ba." I hugged her. Aww mamimiss ko tong bitchesa na to.

"Pag nakahanap ka ng jowa pakilala mo sakin ha? Pag nagpakasal kayo under the tulay text me ipapasanitize ko yung lugar." She winked at me. Nangaasar pa to.

"Mataas standards ko no. Wag mo ko lokohin ipaparape kita sa mga nagiinum dian. Sige na umalis ka na."

I shut the car's door at tiningnan yung pagalis niya.

Tiningnan ko yung paligid. Ewwww kadiri. Parang squater area naman to. Ang baho pa amoy imburnal. Ang liliit pa ng daan at bahay.
Pano siya nabuhay dito ikamamatay ko yata pagtira dito kahit 5 mins eh.

Nakadating na ko sa bahay nila. Ang liit parang CR ko lang yata to sa laki eh. Ni wala silang ref. Ano ba yan. Pero buti nalang malinis kasi hindi ko kakayanin kung madumi to.

Nagaayos pa lang ako ng gamit when I heard someone knocked at the door.

Nakakarindi!

"WHAT! STOP THAT! MASAKIT SA TENGA!"

I ran towards the door and opened it. Nakakainis! Katok ng katok parang masisira yung pinto.

"Wala kang karapatang magresign sa trabaho mo! Hindi ko tinatanggap yang resignation letter mo. Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo! Oras na ng trabaho hindi ko tinotolerate ang mga tamad! Bilisan mo at aalis na tayo!"

I saw a man. Taller than me. Maganda ang pangagatawan. Ang sarap pa pakinggan ng boses. Gwap-- no! Scratch that! Sinigawan niya ko! Sasagot ako!
No one dares to shout at me!

"What are you sayi----"

"Kung hindi ka magbibihis ako ang magbibihis sayo!"

Hinila niya ko papasok ng bahay. What the hell is he doing?!

"DON'T TOUCH ME."
Hindi niya ko pinakinggan at hinawakan ang balikat ko at pilit na inaalis ang damit ko.

"WHAT ARE YOU DOING! GET YOUR FILTHY HANDS OFF ME!"

He's strong! Nakakainis is he gonna rape me? It's fine though.

Ano? Hindi hindi! Ano ba tong naiisip ko!

"Magbihis ka kung hindi ako magbibihis sayo." Full authority na sinabi niya. Wala akong magawa mas malakas siya sakin

"Fine get out of my room magpapalit ako!"

I saw him smirked! How dare he! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina! Hindi siya gwapo! Isa siyang demonyo! Nakakainis! I feel so violated! Sa pagkakatanda ko siya yung amo ni Minerva. She didn't tell me na masahol pa sa aso ang ugali non! Nakakainis! Remind me to kill Minerva later! Bastos siya! Walang modo!

"Ano matagal ka pa ba? Papasukin kita dian!"

Bwisit! Ipapablacklist kita makikita mo!

"Eto na eto na!" Sarcastic na pagkakasabi ko habang lumabas ako ng kwarto

"Happy?!" I sarcastically smiled. Patience Maddison Patience!

"Susunod din naman pala. Nagiinarte pa."

I heard him said something.

"Anong sabi mo?" Hindi ko narinig eh! May lahi bang isda to at napakahina magsalita.

"Sabi ko malalate ka na po sa trabaho niyo. Nakakahiya naman sayo. Sarili mo pang boss ang sumundo sayo."

He smirked again! Nangaasar talaga to! Bwisit! Demonyong Alexander!

Bitchesa turns Prinsesa Vise VersaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon