6

1 0 0
                                    

Minerva's POV

*ding dong* * ding dong *

Ano ba naman yan! Umagang umaga inaantok pa ko eh.
Naglakad na ko papuntang pintuan. Antok na antok pa talaga ako pano 2am na ko nakatulog.
Hindi na ako nagayos ng sarili ko. Nakashorts lang ako tsaka oversize shirt. Yung palagi ko lang sinusuot. Ang aga naman manigil ni Aling Tasing eh.

"Bakit ho?! Aling Tasing wala pa ho kaming pambayad ng upa!"

Pagbukas ko ng pinto gulat na gulat yung taong nasa harap ko.

"Ah eh ma-- ma'am Maddison. Pinapasundo ho kayo ni Sir."

Ay tinamaan ng lintik! Ako nga pala si Maddison ngayon!

"Ay saglit lang po manong! Magaayos lang po ako. Wait lang po!"

Natataranta naman akong nagayos ng sarili. Ano ba yan itsura ko nakita ako ng ganon ni Manong. Sino ba ulit yon? Ahhh Manong Pedro!

Nakita ko naman yung damit na inilagay ni Maddison sa cabinet ko. Sinuot ko naman to. Napakaikli!

"Tara na manong pedro!"

Mukha namang gulat na gulat si manong? Bakit nagandahan sakin? Hahahaha sabi sa inyo Reyne Elena ako samin eh.

"Ahh sige po."

Huminto kami sa isang malaking gate. Yung parang sa mga movies na nabukas pag may kotse ganon hahaha

Ang laki ng bahay! Mukhang mall na to sa laki eh.

"Maddison!"

Sinalubong naman ako ng isang babae. Hindi naman siya mukhang matanda maganda parin. Siya yung mama ni maddison.

"Hello Mom! Pasensya na po kayo ngayon lang ako nakauwi."

Nagmano ako sa mama ni maddison. Syempre with matching ngiti aba masabihan akong walang pinagaralan. Tinuruan ako ng magandang asal ng nanay ko noh!

"Mano po Dad."

Nagmano din ako sa tatay ni Maddison.

Anong problema? Bakit parang gulat na gulat sila?

"Ah eh. Pasok na po tayo?"
Nagkamot nalang ako ng batok. Anong problema nila?

"Hi Manang Telma! Goodmorning po!"
Bati ko sa kasambahay nila. Aba matalino yata to. Nasa ulo ko yung mga pangalan nila hahahaha

"Hello Ate Beng!"

Lahat ng madaanan ko kinakawayan ko.

Dinala ni Manong Pedro yung bag ko sa tapat ng isang pinto. Yun na siguro magiging kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto. Wow! Ang ganda! Ang laki laki! Hahahaha Nagtatalon ako sa kama ang lambot!

Natigil lang ako sa pagtalon ng may kumatok sa kwarto.

"Ahh Maam Maddison kakain na raw ho sabi nila Maam. Allison"

"Ganon po ba? Sige po susunod na po ako."

Habang pababa ako ng hagdan nakarinig ako ng iyak galing sa dining room

"Matt! What's happening! May sakit ang anak natin! Tumawag ka ng doctor! Yung pinakamagaling! Malala ang sakit ng anak mo!"

Ha? Ano daw? Si Maddison may sakit? Kaya naman pala! Mukha ngang may sayad sa utak yung babaeng yon.

"Goodmorning po! :) "

"MATTEO! DALIAN MO!"
Si maam naghihysterical naman. Anong meron.

"ETO NA NGA ALLISON! KINOCONTACT KO NA YUNG FAMILY DOCTOR NATIN!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitchesa turns Prinsesa Vise VersaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon