Chapter 6

107 42 4
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw dahil sa pag bukas ng mga kurtina dito sa kwarto ko hindi ko napansin si Nanay Rosie na andito na pala.

"Gising ka na pala Iha. Nagising ba kita? Magandang Umaga" bati sa akin ni Nanay Rosie

"Hindi po nay. Good Morning rin po" bati ko

"Bumangon ka na apo nag luto na ako ng maa-almusal mo umuna na kami mag almusal ng tatay sol mo dahil marami pa kami gagawin pero kung gusto mo saluhan kita ulit"

"Nako wag na po nay ok lang po ang importante po nakakain na kayo ni Tatay"

"Nga pala apo" saka sya umupo sa kama ko at hinarap ako "may tuwag dito kagabi si Gaile hinahanap ka nya"

Umayos naman ako ng pagkaka upo bakit kaya tumawag si Gaile? Alam nila na may rest house kami dito sa batangas pero hindi ko alam saan nya nakuha ang landline dito.

"A-ano po sabi nya?"

"Hinahanap ka nya pero sabi ko wala ka dito"

"Nay bakit po kayo nag sinungaling?"

Hindi ugali ni Nanay Rosie na mag sinungaling pero nagawa nya.

"Apo kahit hindi mo sabihin alam ko may bumabagabag sa iyo. Ibinilin ka sa akin ng Mommy mo kagabi at ganun rin ang pakiramdam nya sayo kaya ka nagpunta dito" kitang kita ko sa mga mata ni Nanay na nag aalala sya sa akin.

"Sinabi ko kay Gaile na hindi ka umuwi rito at nakuha raw nya ang number ng landline natin sa kasambahay nyo"

Nakikinig lang ako sa kanya. May nangyari kaya kay Jv? Hindi ko mapigilan hindi mag alala.

"Sabi ni Gaile hindi ka raw nya matawagan nakapatay daw ang cellphone mo kaya hiningi nya sa kasambahay nyo ang number dito. Nasa bar daw sila kagabi at nag lalasing daw si Jv dahil hindi ka daw matawagan at bigla ka na lang daw umalis kahapon"

Si Jv nag lalasing dahil hindi nya ako matawagan at umalis ako bigla? Bakit nya gagawin yon? Hindi naman sya ganoon dati.

"Sinabihan ko si Gaile na tatawagan ko na lamang sya kapag napunta ka dito. Nasa directory ang number nila apo kung gusto mo sya tawagan"

"Opo nay salamat po"

Umalis na si Nanay sa kwarto napahiga na lamang ako ulit sa kama ko nang maisip ko si Jv. Hindi ko pa rin china-charge ang phone ko dahil ayoko muna ng may nakakausap pero dahil sa ginawa ni Jv lalo nya lang ako ginulo.

Bumaba na ako para kumain at para sabihin kila Nanay Rosie na uuwi ma ako mamaya kahit ayaw ko pa umuwi kailangan ko rin dahil sa mga namiss kong requirements sa pag absent ko ng dalawang araw.

Inayos ko na ang mga gamit na dala ko kahapon para siguraduhin na wala akong nalimutan para hindi na ako bumalik pa rito para sa nakalimutan ko.

Tinulungan lang ako ni Nanay Rosie na ayusin ang mga gamit ko dahil kumuha na rin ako rito ng ilang mga damit na pwede ko iuwi sa manila. Parehas lang kami tahimik hanggang sa naayos na namin ang mga gamit ko.




~Hapon na kaya naisipan ko na gumayak para magpaalam kila Nanay Rosie at Tatay Sol babalik na ako sa Manila gusto ko rin habulin yung mga kulang ko pang requirements dahil sa pag liban ko ng dalawang araw.

Nagpaalam na ako kila tatay Sol at saka umalis sa batangas 5:00pm na at sakto ito dahil walang gaanong traffic sa may Alabang hanggang ngayon hindi ko pa rin binubuhay ang phone ko siguro bukas na lang bago ako pumasok.

Tinawagan ko rin sila Mommy para sabihin na pauwi na ako baka mag alala pa sila dahil hindi ko sila tinawagan maganda na rin yung sigurado.

Hindi ko rin tinawagan si Gaile kanina wala akong lakas ng loob na tawagan sya gusto ko man alamin kung anong nangyari kay Jv kahapon.

Tanungin ko na lang siguro si Gaile kapag nagkita kami sa school para malaman ko ang totoong nangyari gusto ko rin makasigurado kung ako ba talaga ang dahilan baka mamaya hindi pala ako ang dahilan pero kaya ako hinahanap para mag rescue sa kanya.

Buong byahe nakatuon lang ang atensyon ko sa pagmamaneho at tama nga ako walang gaanong traffic kaya mabilis ako nakauwi sa bahay namin.

Hindi rin muna ako nag bubukas ng mga social media accounts ko kasi panigurado puro mga message nila Gaile ang bubungad sa akin wala naman akong balak iwasan si Jv.

It's just that may part sa akin na mali yung nararamdaman ko ayokong dumating sa araw na magkalamat ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko rin na wala kaming pag asa na magkatuluyan.

Pero yung nangyari kahapon na hinalikan nya ako ramdam ko na may something sa kanya sa pag tugon ko sa mga halik nya alam kong nararamdaman nya rin iyon na may nararamdaman ako para sa kanya.

Humiga na ako sa kama ko pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko napahinga ako ng malalim nang maalala ko na naman si Jv simula kahapon hindi na sya nawala sa isip ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko masyado na ako gulong gulo at nahihirapan na ako sa nararamdaman ko kailangan ko na ito pigilan bago pa mas lumalim ang nararamdaman ko para kay Jv.

Natatakot ako sa maaring mangyari kapag hindi ko napigilan ang sarili ko mahulog kay Jv. Maaring maraming masira higit na dun ang pagkakaibigan namin.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyayari hindi ko dapat hinayaan na mangyari yon kung totoo ngang naglasing si Jv dahil sa akin ako na mismo ang hihingi ng tawad sa kanya.
Hindi ko intensyon gawing miserable ang buhay nya dahil lang sa pag alis ko ng 1 araw. Hindi ko ginusto na magpakalasing sya at sana nga walang nangyari sa kanya desidido na ako na kakausapin ko si Gaile bukas.

Ipapaliwanag ko ang nangyari sa kanya kung bakit ako umalis nang bigla at bakit inalis ko ang communication ko muna sa kanila.

Humiga na ako sa kama ko at saka huminga ako ulit ng malalim at tumingin sa kisame ng kwarto ko bahala na bukas.

"Jv!!! Nakakainis ka ginulo mo ako!!" sabi ko sa kawalan saka ipinikit ang mga mata ko.

Mr. Lover Meet Ms. Simple (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon