Chapter 3

177 48 14
                                    

Katatapos lang ng klase namin at ang iba kong kaklase umalis na nagpuntahan na ata sila sa Gym kasi anytime mag sisimula na ang laro nila Jv at hanggang ngayon andito pa rin ako sa room nag aayos ng gamit ko.

Hindi ko nasabihan si Gaile na wag na ako intayin kasi expected ko na matatagalan talaga ako sa pag aayos ng gamit ko yung iba iiwan ko na lang sa locker ko para wala na ako masyadong dadalhin papuntang Gym nangako rin kasi ako kila Jv na manunuod ako sa laro nila parang everytime na may laro sila lagi kaming present ni Gaile todo support sa laro nila at nakakaproud rin pag nanalo sila.

"Ate Ivy!!!!" biglang sulpot ni Gaile dito sa room buti patapos na ako sa pag aayos ng gamit ko "Ang tagal mo ate kanina pa kita iniintay bilisan mo na d'yan baka magsimula na yung laro nila kuya ang dami na rin mga studyante sa gym pero don't worry naka VIP tayo ate pinag save tayo ng upuan nila kuya" 

"Oo sige Gaile sandali lang ito na patapos na ako sa ginagawa ko" saka nya ako hinila palabas ng room mamaya ko na lang iiwan sa locker itong mga gamit ko.

Tumakbo na kami ni Gaile papunta sa Gym kasi rinig na rinig na namin ang sigawan ng mga studyante mula sa Gym siguro nag sisimula na ang laro kaya mas nagmadali na kami ni Gaile nakipag siksikan na rin kami sa mga nagkukumpulang studyante sa may entrance ng Gym hanggang sa nakaabot kami sa pinaka unahan ng Bench kung san kami uupo ni Gaile sobrang lapit namin kila Jv.

" Waaaah!! Sis ang gwapo nung taga dito sa Wilson's University na player oh! Number 23 yung jersey nya"

"Oo nga bakit ganon ang po-pogi ng mga players nila samantalang satin may itsura naman sila kaso di sila kapogian tapos ang pogi pa nung naka Number 8 na jersey"

"Pogi rin yung dalawa na magkamukha kambal ata sila yung Number 12 at Number 41 na naka jersey"

Rinig ko na pinag uusapan ng tatlong studyante na nasa likod namin kalaban nila Jv ang mga players ng school na pinanggagalingan nung tatlong babae kahit ako naman hahanga rin ako kila Jv kasi nasa kanila na ang lahat mukha lang silang maloko at di kayang mag seryoso sa buhay pero when it comes sa passion nila napaka seryoso nila.

"Ate Ivy" pabulong na tawag sakin ni Gaile "Hot topic na naman sila kuya panigurado mamaya after the game may mag aabang sa labas ng Gym para magpapansin sa Apat na kutong lupa na yon"  

"Hindi na bago yan Gaile lagi naman ganun diba? Kaya nga kulang na lang mag hire na tayo ng bodyguars at bouncer para satin"

"Tama ka ate kanina narinig ko pinagnanasahan nung tatlong babae sa likod natin sila kuya nakaka gross"

Hindi ko na sya sinagot bagkus nag focus na lang kami sa laro napaka init ng laban sobrang lapit lang ng score nila Jv sa kalaban nila kahit ilang beses na ako nakapanuod ng laro nila hindi ko maiwasan kahaban at matense sa napapanuod ko.

Napupuno ng hiyawan ang Gym sa tuwing makakapuntos sila Jv hindi ko rin mapigilan ang sarili ko mapatalon at mapatayo sa tuwa kasi hindi nawawala sa kanila ang teamwork kahit sobrang init ng laban sa pagitan ng kabilang school walang inisa sa kanila ang walang score.

"3 Points para kay Montenegro" annunsyo ng Commentor at saktong nag announce ng time out ang referree.

Sobrang laki ng lamang nila Jv sa kalaban nila at huling set na ito para sa laro ngayon paniguradong panalo na naman ang Wilson's University againts sa Montesori School hanggang ngayon kinakahaban pa rin ako at ramdam na ramdam ko ang tense sa katawan ko si Gaile hindi na rin magkaintindihan pano iche-cheer sila Jv pakiramdam ko nga wala na akong boses sa kakasigaw.

At inannounce na nga na panalo sila Jv back to back champion na sila at for sure sa darating na intrams ng school hindi na sila kasali kasi magiging busy sila sa paglaban sa iba't ibang lugar dito sa pilipinas.

Mr. Lover Meet Ms. Simple (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon