Chapter 4

134 48 16
                                    

Nakauwi na kami after ng kain namin sa labas si Jv nga ang nagbayad ng mga kinain namin at hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung nangyari kanina lalo na nung ipagsigawan nya sa maraming tao na ako yung Girlfriend nya kahit hindi naman.

Aaminin ko crush ko noon si Jv pero bago pa kami maging magkaibigan unang kita ko pa lang sa kanya noon alam ko na hindi lang sya basta lalaki nakita ko rin kung pano nya mahalin at alagaan ang pamilya nya lalo na si Gaile.

Nakapag ayos na ako ng sarili ko at humiga na ako sa kama ko hindi ako makatulog hindi ko makapa ang antok sa sistema ko naglalaro pa rin sa isip ko si Jv inlove na ba ako sa Bestfriend ko na tinuturing ng lahat na Mr. Lover?



~KINABUKASAN
Maaga ako nagising hindi rin naman lumalim ang tulog ko feeling ko nakapikit lang ako pero yung diwa ko gising na gising pa rin.

Wala akong kasabay ngayon kasi walang pasok si Gaile kaya ako lang mag isa pilit kong inaalis sa isip ko yung sinabi ni Jv kahapon pero hindi iyon magawang makalimutan ng utak ko.

Sobrang laki ng epekto sakin ng sabihin nyang Girlfriend nya ako at pilit kong ibinabalik sa normal ang isip ko. Ilang minuto lang ay nakarating rin ako dito sa school wala naman gaanong traffic kaya hindi ako naipit sa traffic.

Habang palakad ako sa building namin hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa sinasabi ng mga babaeng nakatambay dito sa hallway
Kahit bulungan lang iyon dinig na dinig ako ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"Yan ba yung nag trending na pinakilalang Girlfriend ni Jv?"

"Oo sya nga yon! Mygash! Hindi naman kagandahan! Ginayuma nya ata si Jv"

"She's so simple and Plain! Anong nagustuhan sa kanya ni Jv? Mukha syang chimay ni Jv"

"Sana matauhan si Jv at hiwalayan sya she don't deserves Jv"

Hindi ko mapigilan hindi maapektuhan sa mga sinasabi nila oo simple lang ako at walang kaayos-ayos pero wala sila karapatan na pag sabihan ako ng ganon!

Hindi ko mapigilan ang mga luha sa pag patak mula sa mga mata ko hindi ko kayang umattend ng klase na ganito ang itsura ko wala sa konsentrasyon ang utak ko inayos ko ang sarili ko at saka nag tungo sa rooftop.

"Ivy!" kilala ko ang boses na yon "I'm sorry nang dahil sa ginawa ko kahapon hinuhusgahan ka ng lahat" saka nya ako niyakap ng mahigpit hindi ko naramdaman na andito rin pala sya sa rooftop.

"Ok lang yon Jv! Tama naman sila eh hindi ko deserve ang tulad mo mga katulad nila ang deserve mo Jv"

"No Ivy. Everyone deserves you ok wag mong iisipin na hindi kita deserve"

Sa mga salitang iyon hindi ko inaasahan sa kanya hanggang ngayon nakayakap pa rin sya sa akin wala na akong ibang hahangarin pa sa isang kaibigan.

Hindi ko alam ano ba ang nagawa ko sa mundong ito to have a friends like them specially si Jv na laging nandyan sa tabi ko.

"Jv much better kung kla-klaruhin mo ang lahat sa kanila"

"Wala akong dapat klaruhin sa kanila I don't care sa mga iisipin nila. I care for you"

"I care for you" mga katagang iyon na syang nagpatibok ng mabilis sa puso ko bakit ganito ang nararamdaman ko ang laking epekto ng mga sinasabi nya sa akin.

"Ivy I know we're bestfriends, I know you're always there for me, I know how you appreciate my presence everytime I want to protect you" bumitaw na sya sa pagkakayakap nya sakin at tinitigan ako sa mga mata ko.

"Special ka sa akin Ivy hindi ko hahayaan na saktan ka nila dahil lang sakin sa dami natin pinagdadaanan na magkasama ayokong magkulang sayo"

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag iintay sa sasabihin nya.

"Hindi ka lang basta bestfriend sa akin. ivy... You are my everything"

Nanlaki ang mga mata ko sa huli nyang sinabi sa akin hindi ko mabasa ang nasa utak nya pero kitang kita ko sa mga mata nya ang pagka seryoso nya.

"Ivy let me protect you hanggat nasa tabi mo ako hindi ka mag iisa"

Hindi ako makakapa ng salitang gusto kong sabihin sa kanya pakiramdam ko naubusan ako ng sasabihin yung mga titig nya sa akin, yung mga salitang binibitawan nya ngayon sa harap ko unexpected.

Simple lang naman akong tao alam ng lahat yon oo hindi ako pala-ayos na tao pero alam ko sarili ko na nagpapaka natural lang ako at mas higit akong nakaka kilala sa sarili ko.

"Jv..... Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga sinasabi mo pero gusto ko lang magpasalamat kasi... Andyan ka lagi para sa akin" sa wakas naka hugot rin ako ng lakas ng loob para sagutin sya.

Hindi ko alam ang trip ni Jv ngayon pero may parte sa akin na gusto syang hayaan sa mga gusto nyang gawin para sa akin.

Magkasama kami lumaki ni Jv mula Highschool hanggang ngayon magkasama pa rin kami walang nag bago sa samahan namin bukod sa tinuruan ko ang sarili kong wag mahulog sa kanya ng todo.

"Ang dami mo nang nagawa para sa akin sapat na iyon Jv"

Nakatingin pa rin ako sa mga mata nya at kitang kita ko ang emosyon sa mga mata nya.

"Magbestfriend tayo at sabay tayo lumaki Jv yung pagiging protector mo sapat na iyon hindi mo na kailangan mag effort pa para sa akin"

Hindi ko alam kung san papatungo ang pag uusap na ito pero thankful talaga ako na may Jv ako sa buhay ko.

"Ivy! Gusto ko lang sabihin sayo na ginagawa ko ito hindi dahil bestfriend kita..... I'm doing this because I like you"

Anong sabi nya?! Gusto nya ako?! Hindi kaya naguguluhan lang sya? Sa sobrang simple ko at plain walang magtakang magkagusto sa akin pero sya?! Gusto nya ako?

"A-anong sabi mo?! Gusto mo ako?! Baka nagkakamali ka lang Jv hindi ako ang tipong gusto mo"

"Akala ko rin eh! Pero everything changed yung tulad mo pala ang gusto ko simple, walang arte sa katawan, matalino."

"Aanhin ko ang maganda at pala ayos na babae kung wala sa kanila yung nagustuhan kong ugali sayo.. Yes I have a lot of girlfriend saksi ka don pero sa tuwing to the rescue ka sa akin dun ko nare-realize na gusto na pala kita"

Hindi ako makagalaw sa mga sinasabi ni Jv hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko gusto ko rin si Jv bumalik lahat ng alaala namin noong panahon na gusto ko sya.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdam ko ang labi nya sa labi ko gusto ko syang pigilan pero bakit ganito tumugon ako? Hindi ko sya magawang itulak palayo.

Mr. Lover Meet Ms. Simple (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon