Entry #4

51 1 1
                                    

Dear diary...

Laughtrip ang king ina pre! HAHAHAHA! Paniwalang-paniwala sa akin kanina yung babae sa mall na bakla ako. Lakas din naman kasi ng loob na lapitan ako eh. Sus. Alam ko na yang mga galawang yan! HASHTAG GALAWANG HIGAD 101! :P well, di ko naman masisisi yung babae na maging desperada para malapitan ako. Sa gwapo kong to? Sinong hindi mahuhumaling sakin? Okay. It's not a pun okay? It's a fact. A big FACT. Pasalamat nalang ako sa dalawang kapatid kong babae. Nang dahil sa kanila, marami akong alam na gay linggo. At nagamit ko yun sa pagpapanggap kong bakla kanina. Madami kasi silang kaibigang bakla. At minsan nga kapag bumibisita sila sa bahay, dali-dali na akong nagkukulong sa kwarto ko dahil baka gahasahin nila ako. May pagnanasa kasi sila sa akin. Alam na pre. HASHTAG POGI PROBLEMS! Pati bakla patay na patay na sakin. Jusko.

Na-trauma na ata ako sa nangyari kanina sa mall. Sa susunod di na ako magpapanggap na bakla. Pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao kanina. Nasasayangan daw sila sa kapogihan ko. Puro "sayang si koya, ang pogi pa naman nya kaso bakla", "ang hot nya sayaaang :(". Kung alam lang nila. Ano ako tanga? Di ako tanga para sayangin ang ganitong mukha pre! Konting-konti nalang ang mga natitirang gwapong lalake ano at isa na ako dun! Lalake ako. Di ako bakla. At hindi magiging bakla. Peksman! Mamatay man yung babaeng higad na lumapit sa akin kanina. Itaga mo yan sa bato.

Ps. Pero pre, aminado ako. Oo na! Aish! Maganda siya. Sayang nga lang. Di nya alam ilugar yung kagandahan nya. Siya pa talaga ang unang lumapit sa akin. Tch.

-amagwapooo

Diary ng isang GGSS (gandang-ganda sa sarili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon