#5 Second encounter

70 2 5
                                    

Venus's POV

Oh ayan, alam niyo na pangalan ko. Oh diba, name palang mala-dyosa na! Bongga! Hart hart! <3 <3 <3

First day namin ngayon bilang isang 4th year. Graduating na mehhh! Syempre kailangan bongga din ang entrance ko sa bago kong school. Oo, lumipat na ako ng school. Ewan ko ba. Kung kailan pa-graduate na ako, doon pa naisipan ng mga magulang ko na ilipat ako. Kaloka.

New school. New things. New classmates. New friends. New surroundings. New teachers. New seatmates. New lovelife (dejk hahaha landehhh)

New me? Ay charot. Hahaha. Bakit ko pa babaguhin sarili ko? Sa sobrang ganda kong to, di pa ako makukuntento? Haaay.

So eto na nga, naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa kung saan ang classroom namin. Feel na feel kong irampa ang kagandahan ko at mukhang epektib naman dahil sa akin lang nakatingin amg mga estudyante. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng mala-dyosang nagngangalang Venus? Kaloka. Nga-nga pa more!

Enjoy na enjoy ako sa pagrarampa ng biglang may bumunggo sa akin mula sa likod dahilan upang mapasubsob ako. The fvck lang! Panira ng momentum! Nawala ang poise ko dun! So G-R-R. Grrr talaga! Pinagtawanan tuloy ako nung mga nakita. Kasalanan to ng bumunggo sakin eh! >.<

"That's what I call HEADSHOT! Hooraaay!" :DDD

Binato ko yung lalakeng bumunggo sa akin ng hawak kong mogu-mogu. Dahilan para mapatigil siya sa pagtatakbo. Pero nanatiling nakatalikod siya sakin.

"HOY HAYOP KANG LALAKE KA! WALA KA BANG MGA MATA HA?! KITA MONG MAY NAGLALAKAD NA ISANG DYOSA SA HALLWAY EH! TANGA KA BA O TANGA KA? MAMILI KA DUN! LECHE!"

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mg tao. Kiber ko sa kanila? Maganda ba sila tulad ko ha? Naku. Wag na wag nila akong gagalitin! Jusme.

Bigla siyang humarap sa akin. At magkasalubong na ang mga kilay niya sa galit. Teka? Pamilyar to ah? Siya yung--

"IKAW YUNG GWAPONG BAKLA SA MALL!"
"IKAW YUNG DESPERADANG BABAE SA MALL!"

Teng ene. Nagkasabay pa talaga kami. At teka--- anong sabi niya?! Ako desperada? No way highway!

"MONEY FOR ME!" nagkasabay ulit. Ako ba'y pinagloloko nitong ungas na to? Putspa!

"HOY GAGO KA! NAKIKI-GAYA KA PA! SINONG DESPERADA HA? AKO? ULOL MO! BAKLA!" wala na. Nawala na talaga ang poise ko. Sirang-sira na image ko. Nang dahil sa lalakeng to! Aish!

"HOY GAGO KA DIN! HINDI AKO BAKLA! SA GWAPO KONG TO?! BAKLA? KING INA MO!

"PAKYU KA!"

"PAKYU KA DIN SAGAD!"

Nagsukatan kami ng tingin. Para bang may kuryenteng namumuo sa pagitan ng mga mata namin. Punong-puno na ng bulungan sa hallway. Pinagchi-chismisan na kami ng mga estudyante dito. Wala eh. Libreng eksena ang napapanood nila. Kulang nalang kumain sila ng popcorn sa harap namin.

"Sino ba yang babaeng yan? Transferee ba siya? Bakit niya inaaway si papa Zach natin? Bruha siya!"
"Oo nga. Feeling niya naman sobrang ganda niya! Anong karapatan niya para murahin ang papa Zach natin? Di ba niya kilala si papa Zach natin?Malandi!"
"Pre! Ang tapang ng chic na yan ha! Isipin mo, tino-talkshit niya lang si Zach. Hahaha. Ganyan ang mga type kong babae. Palaban!"
"Oo nga pre! Lakas ng loob!"

Ohhh. So sikat pala tong lalakeng to sa school na to. Atsaka tinatawag siyang papa ng mga girls dito? So ewwwwww. -.- he's not even so gwapooo. Okay fine. Gwapo nga siya. Pero average lang yung kagwapuhan niya ano. Walang-wala siya sa kalingkingan ng kapogihan ni Channing Tatum at ni Jamie Dornan (pipti sheydes op griii omg ang hawttt niyaaa *0*)

Diary ng isang GGSS (gandang-ganda sa sarili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon