Kabanata 13

406 6 0
                                    

Kabanata 13

TULALA lang si Sabrina habang pilit na iniintindi ang mga sinabi ni Tyler. Magmula ng mawala ang anak nilang dalawa ay muli itong bumalik sa malamig na pakikitungo sa kanya.

Pero naiintindihan naman niya ito. Ang hindi niya matanggap ay ang naging akusasyon nito sa kanya noong nakauwi na sila sa mansyon pagkalabas niya sa hospital. Na sinadya at ginusto niya raw ang nangyari dahil hindi pa talaga siya handa na magkaroon sila ng anak.

Pakiramdam niya ay tinapakan at pinira-piraso ng asawa ang kanyang puso nang dahil sa talim ng mga salita na binitiwan nito. He didn't even think that it's also her child. Siya ang nagdala rito kahit sa loob lamang ng maikling panahon. Higit sa lahat ay nawalan din siya. Pero pakiramdam niya ay hindi siya nakapagluksa ng maayos nang dahil sa naging pakikitungo ni Tyler sa kanya.

Dumaan pa ang ilang minuto bago siya tuluyang nakahuma mula sa pagkakabigla. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na hahantong sa ganoong klase ng desisyon ang asawa.

Kaya naman ay isang plano ang biglang nabuo sa kanyang isipan. Marahan niyang pinisil ang kamay ni Tyler bago siya sunod-sunod na napailing.

"No. There's no way that I'll sign these papers." Pinakatitigan niya ito. "Not until you give me one last chance," dagdag pa niya.

Nagsalubong ang kilay nito. "What do you mean?"

Napalunok siya bago marahas na napabuga ng hangin. "I can prove to you that I will be able to give you the complete family that you ever wanted."

Binitiwan naman ni Tyler ang kanyang kamay bago ito napahawak sa batok. "Sab, you don't need to do this anymore. Please don't make it hard for me."

"No! I'm not!" she shouted in frustration. "Just please..." pagsusumamo pa niya.

Naninimbang ang paninitig nito sa kanya. "Alright. How?"

"Made love to me," seryoso niyang sagot.

Napamulagat naman ito. "What?"

"Made love to me," ulit pa niya. "Kapag hindi tayo nakabuo sa loob ng isang buwan ay papayag ako na makipag-divorce na sa 'yo." Kinagat niya ang ibabang labi. "Pero kapag nabuntis ulit ako ay muli tayong magsisimula."

Dumaan ang ilang minuto ng nakakailang na katahimikan. Walang may gusto magpatalo sa pagkakahinang ng kanilang mga mata.

Hanggang sa mariing napapikit si Tyler bago muling dumilat at walang emosyon ang mga mata na tumuon sa kanya. "Fine," pagsuko nito.

Sa pagkakataong 'yon ay nakahinga siya nang maluwag at walang pagdadalawang isip na pinunit ang divorced papers sa harap ni Tyler. Bago pa man ito makapagsalita ay agad na hinawakan niya ang dulo ng neck tie nito para hilahin ito palapit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Tyler nang dahil sa ginawa niya. Ngunit inignora niya lamang 'yon at hindi na ito binigyan pa ng pagkakataon para umalma.

Magulo ang takbo ng isip niya ngayon. Sabayan pa ng samot saring emosyon na nararamdaman niya.

But one thing's for sure. She won't let their marriage life to break apart just like that.

Mabilis niyang sinalakay ang nakaawang nitong bibig. Hanggang sa hindi nagtagal ay pareho na silang walang saplot sa katawan at napuno na ng ungol ang bawat sulok ng hardin.

ABALA si Sabrina sa pag-aasikaso ng damit na susuotin ng asawa nang mapansin niya ang isang puting envelope na bahagyang nakalabas at nakaipit sa attache case nito dahil hindi maayos ang naging pagkakapasok nito roon.

Out of curiosity, she took the attache case and open it. Agad na kinuha niya ang envelope at binasa ang nilalaman nito.

Ngunit napamaang siya nang mapagtanto na invitation letter ito para sa gaganapin na annual party ng kumpanya na pinamamahalaan ni Tyler. Biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib nang mapansin kung kanino nakapangalan ang imbitasyon.

Against All Odds ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon