Nakatayo ako sa veranda ng bahay namin habang yakap ang paborito kong stuff toy na dinosaur. I'm still 6 years old, at nasa stage ako na halos lahat curious ako.
"Mama, bakit po madaming tao doon sa bahay ni Tita Zierah?" Curious kong tanong kay Mama.
Ibinaba ni Mama ang librong binabasa niya at tumingin sa direksyon kung saan din ako nakatingin.
"Uh, nasabi sa akin ni tita Zierah na lilipat na sila ng bahay. Sila siguro yung magdadala ng mga gamit niya."
"Saan sila lilipat?"
"Sa malayong lugar, anak." Nakangiting sagot ni Mama sa tanong ko.
Hindi ko na nagawang magtanong pa ulit kay Mama, kaya bumalik nalang siya sa pagbabasa.
Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa puso ko ng malaman kong pupunta na siya sa malayong lugar. Napayakap ako ng mahigpit sa stuff dinosaur ko dahil doon. Iniisip ko palang na aalis na si Tita Zierah, sobrang nalulungkot na ako. Hindi siya kapatid ni Mama o di kaya ni papa, hindi din namin siya kamag-anak but she's been so nice to me, lagi niya akong nilulutuan ng masasarap na pagkain tuwing bibisita ako sa bahay niya, inaayos niya din ang buhok ko at siya din ang nagturo sa aking magbike. Naging malapit sa amin si Tita Zierah, lalo na kay Mama. Pero, isang araw napansin kong paminsan minsan nalang namin siyang nakikita. Kinulit ko si Mama na puntahan siya pero wala talagang tao.
Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko si tita Zierah na lumabas ng bahay, pero napalitan din agad 'yon ng pagtataka dahil sa batang lalake na nasa likuran niya, mukhang kaedad ko lang siya. Sumunod siya kay tita Zierah palabas at dahan dahang hinawakan nito ang kamay niya. Papunta na sila sa sasakyang nakapark malapit sa gate at napaawang ang bibig ko nang mapunta sa akin ang atensyon ng batang lalake habang nakahawak sa kamay ni tita Zierah.
Nabitawan ko yung dinosaur stuff toy na yakap ko at bigla nalang tumulo ang mga luha sa pisngi ko, hindi ko alam pero bigla nalang akong umiyak na parang inagawan ng candy.
Agad namang lumapit sa akin si Mama at pinatahan ako.
"Sshhh, tahan na anak, papaliguan nalang ulit natin yang si Mr.dino mo." bulong niya habang tinatanggal ang mga luha sa pisngi ko.
Hindi naman talaga 'yon ang dahilan kaya ako umiiyak. Nalulungkot lang ako at hindi ko din magpaliwanag kung bakit.
Habang pinapakalma ako ni Mama, nakita kong paalis na ang sasakyan nila tita Zierah at yung batang lalakeng kanina nakatanaw sa bintana ng kotse, nakatingin lang ito sa akin, hanggang sa mawala ang kanilang sasakyan sa paningin ko.
Kinagabihan, kumakain kami ng dinner, hindi ko maiwasang magtanong kay Mama. "Kailan babalik si tita Zierah, Mama?" tanong ko.
"Hindi ko alam, anak," sagot ni Mama nang malumanay.
"Mama, sino po yung batang lalake na kasama ni Tita Zierah kanina?" tanong ko, hindi mapakali sa aking kuryusidad.
"Ah, siya nga pala," sagot ni Mama habang inilalapag ang isang plato na may lamang kanin at ulam sa harap ko. "pamangkin siya ni Tita Zierah mo, anak. Kailangan daw niya itong alagaan pansamantala dahil may emergency sa pamilya ng bata."
"Bakit hindi ko siya nakita dati?" tanong ko ulit.
"Bagong dating lang sila, anak. Nag-stay lang siya doon sa bahay ni tita Zierah ng dalawang araw bago sila lumipat." Napabuntong hininga nalang si Mama. "Kaya rin hindi natin siya laging nakikita noon dahil naging abala siya sa pag-aalaga sa kanya."
Hindi ko alam kung bakit, "naramdaman ko kanina na sobrang lungkot niya," kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot.
"Mmm, baka dahil mailalayo siya sa mga magulang niya. Sa Japan muna kasi sila titira ni Tita Zierah mo eh."
"Japan?! Mama naman! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin!" Nakanguso kong sabi. Akala ko yung malayong lugar na tinutukoy ni Mama kaninang umaga sa probinsya lang.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
"Nakalimutan ko anak, sorry." Napabuntong hininga nalang ako.
"Ang bad mo, Mama, hindi tuloy ako nakapagpaalam sa kanya."
Pagkatapos kong kumain dumiretso ako sa kwarto ko at tumingin sa bintana, tanaw ko mula dito ang maliwanag na buwan. "Nakikita din kaya ni Tita Zierah 'tong buwan ngayon?" Tanong ko sa sarili ko.
Naalala ko bigla yung batang kasama ni Tita Zierah at napatanong nalang ako sa isip ko,
Sino kaya siya?
Magkikita pa kaya ulit kami?
11 years later...
Nakatayo lang ako sa tapat ng gate ng bahay ni Tita Zierah. Inaantay ko na baka biglang magbukas ang pinto ng bahay niya, makita ko siyang lalabas at babatiin ako. Lagi ko 'yon ginagawa simula nung umalis siya, pero kahit kailan hindi nangyari yung inaasahan kong mangyari.
"Hoy! Rin! Halika na, malelate na tayo," Halos pasigaw na sabi ni Tobi.
Napabuntong hininga ako at inis akong napatingin kay Tobi. "Nandiyan na, haist! Ang ingay mo naman!" Lumapit ako sa pwesto niya at sabay kaming tumakbo papuntang sakayan.
-end of prologue-
BINABASA MO ANG
Spring Under the Rain [SOON]
Teen Fiction"Spring's gentle embrace, Raindrops kiss petals with love, Nature's dance unfolds." Get ready to be swept away by the magic of Spring Under the Rain!