CHAPTER 7

4.1K 81 2
                                    

KINAPA ni Angeli ang switch ng ilaw sa kusina
She then turned it on. Alas-onse y medya na ng gabi. Hindi siya makatulog kaya naisipan niyang bumaba sa kusina to get herself a glass of milk.

Mula sa refrigerator ay kinuha niya ang carton
ng gatas. And then poured herself a glass. She bentbto put the carton back on the shelf.

"Gising ka pa?"

Angeli nearly jumped out of her skin at the
sound of Charles' voice at her back.

Dumulas mula sa kamay niya ang hawak na baso. It crashed to the floor. She whirled around. Nagkapira-piraso ang baso at kumalat ang gatas sa marmol na sahig. But Angeli barely even registered the crash.

Nasa likuran niya si Charles. He was wearing
nothing but a pair of gray boxer shorts.
Sandali siyang natilihan. And for a long moment she couldn't move. Bahagya na niyang maisip na kailangan niyang damputin at linisin ang basong nabasag. It seemed that her pounding heart was the only capable of movement.

She could see his eyes wandered down her body. Huminto ang tingin nito sa dibdib niya. Then his eyes moved down lazily to the length of her long legs. Suddenly, Angeli was acutely aware of the pink over-sized T-shirt she was wearing. Bahagya lang itong lumampas sa panties niya.

And she had this strange sensation that she was totally exposed. Hindi dahil sa maiksing T-shirt na suot niya kundi may pakiramdam siyang may higit pang nakikita si Charles kaysa sa nakikita mismo ng mga mata nito.

"Ginulat mo ako!" she finally managed. Bigla
ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya.

Umangat pabalik sa mukha niya ang mga mata
nito. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka."

Nalilito pa rin sa nararamdaman, wala-sa-loob
na napaluhod si Angeli, sinisikap takpan ng laylayan ng T-shirts ang length ng mga tuhod. Pagkatapos ay sinumulan niyang pulutin ang basag na mga piraso ng baso.

Agad na lumapit sa kinalalagyan niya si Charles. He squatted beside her and did the same. His head was bent close to hers.

"Ako na lang rito, baka masugatan ka pa," he
said without looking at her, he was speaking so softly it was almost a whisper. It sent chills down Angeli's back.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya ay bigla siyang gininaw. Nararamdaman niya ang pagtatayuan ng lahat ng mga balahibo niya sa kanyang braso.

He was so near, she could feel the warmth of his body. Tila kinukumutan nito ang ginaw na kanyang nararamdaman. She fought to keep from staring at his mascular arms- the bare, tanned expanse of his back. Alam niyang kada umaga ay nag-e-exercise si Charles. Nasisilip niya ito sa silid kung minsan. At kung minsan naman ay naririnig niya ito sa banyo habang nagbe-bending.

Ni hindi niya makuhang lingonin ito, dahil
kapag ginawa niya iyon ay tiyak na sasagi ang mga labi niya sa anumang parte ng mukha nito. Ang isipin pa lang na gayon ay tila pinanlalambutan na siya ng mga tuhod.

Napatingin siya sa hawak na piraso ng mga
bubog, then realized her hands were trembling.

I can't believe you don't think him cute, Angel...
He is like a breathtaking specimen, tila naririnig niyang ibinubulong sa kanya ni Anne nang mga sandaling iyon.

Then Charles' hand brushed hers at muntik na
niyang maibagsak na muli ang mga bubog na nasa kamay. "Kukuha lang ako ng mop."
Slowly, shakily, she got up to her feet.

Ano ba ang nangyayari sa iyo, ha, Angeli? kastigo niya sa sarili.

"Ouch!" napahiyaw siya. Sa pagkakataong iyon
ay naibagsak niya ang hawak-hawak. The tip of her middle finger was bleeding. Nahiwa siya ng bubog.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now