CHAPTER TWENTY EIGHT: DREAM.

355 8 1
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT: DREAM.

STACEY

Dream. Arghh! Ang sakit ng katawan ko. Uhaw na uhaw din ako pero hindi ako makadilat. Ano bang nangyari?

"Angelo. Argh sira ulo ka! Paano mo nagawang barilin ang sarili mong kapatid!"

"Stacey mahal kita. Stay still okay? I'm sure padating na siya."

"Angelo huwag kang bibitiw okay? Mamahalin pa kita please."

"Silly. I know you love me. Sabi ko naman sayo hindi ba? Hindi kita hahayaang mapahamak."

"Angelo!"

"Ano kayang mararamdaman ni Hell kung nakikita niya kayong ganyan ngayon? Tss. You fall already on my handsome brother huh? What a scene. Hernan get that bitch. Torture her."

"Angel please."

"Please what?"

"Hell..."

"Fuck Hernan! Get that bitch!"

Everything gets blurry.

Nahihilo na ako.

Nakarinig ako ng putok ng baril.

Hindi na ako makadilat.

Wala na akong lakas.

"Waaaah! Stacey si Mama to! Ligtas ka na! Tangina niyo putulan niyo ng mga bayag yang mga yan!"

"Kapunin niyo yang mga impaktong yan!"

"Sexy. Do you hear me? Andito na ako." He hugged me. I feel so secured. Ligtas na ba ako? "Huwag kang bibitaw. I love you. I'm sorry for all the pain I caused you. Damn! Naririnig mo ba ako? Mahal kita. Tangina mahal na mahal kita!"

"Save Angelo."

Si Angelo!

"N-Nasaan si Ang---elo?" Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko.

"Anak! Waaah! Anak gising ka na!"

"Ma tubig."

"Teka tatawag ako ng Doctor." Pumikit ulit ako. Shit feeling ko pagod na pagod ako.

"Stacey omegheerd! Bwisit ka! Bakit bigla-bigla nakidnap ka!" ayst sakit sa tenga ng boses ni Vennice!

"Nasaan si Angelo!?" Dumilat ako at bigla siyang parang hindi mapakali shit kinakabahan ako. Pinilit akong bumangon kahit nanghihina ako.

"Vennice...."

"Ah ee tatawagin ko si Tita." Shit! Ano bang nangyari?

"Ms. Manuel mabuti at gising ka na." Kamusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba?

"No. I'm okay doc. Nauuhaw lang ako."  Nasaan ba sila Mama? Gusto kong malaman kung anong nangyari kay Angelo pati kay Hell. Anong nangyari? Nailigtas ako. Nailigtas din si Angelo 'di ba?

"That's because three days ka ng natutulog." Three days? Ganun katagal? I mean. Three days na! Shit so nasaan sila Angelo? Si Angel yung bruhang baliw na yun? Anong nangyari??! Iniwan ako ng doctor at pumasok sila Mama at Papa. Kasama sila Tita Winter, Tita Kaye at Tita Mara. Si Vennice nasa likod lang nila.
Ano bang nangyayari? What's with their faces?

"Ma sabi nung doktor three days na akong natutulog, tatlong araw na pala ang nakakaraan. Si Angelo? Nasaan si Angelo?"

"Anak..."

"Ma! Ano ba? Anong nangyari? Si Hell siya ang nagligtas sakin 'di ba? Nasaan siya? Nasaan sila!" Niyakap ako ni Mama. Shit! I want fucking answers! Bakit hindi nila masagot!! "Ma nakaligtas din sila hindi ba? Please tell me what happen. Fuck just tell me what happened! Mababaliw ako!"

"Stacey calm down. Makakasama sayo yan." si Tita Mara. Calm down? Calm down? Bakit kasi ayaw nilang magsalita!

"Calm down? Bakit hindi ninyo masagot yung tanong ko? Si Angelo? Si Hell nasaan sila? Gusto ko silang makita!! Si Angel anong nangyari sa baliw na yun?"

"Patay na si Angel." Patay? Patay na siya? "Nakipagpalitan siya ng putok sa mga NBI." si Tita Winter. I feel sorry for her pero kasalanan niya yun. I sighed. Bakit ba kasi gumulo ng ganito ang buhay ko?

"Si Angelo? Where is he? I want to see him." Kinabahan ako nung nagpalitan sila ng tingin. Si Vennice umiiyak na. Shit what the fuckedd is going on?

"Ma ano ba? Kanina pa ako nagtatanong! Nasaan ang boyfriend ko? Si Hell? Nasaan sila!"

"Anak si Angelo kasi waaaah sorry anak. Kasi na-comatose siya for two days at hindi na niya kinaya. He's gone. Kahapon lang."

My heart skip a beat. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko. Tumulo yung mga luha ko, nakatulala lang ako. He's gone. What? No! Hindi totoo lahat ng ito.

"Ma. Nagbibiro ka lang hindi ba? Ma! Nananaginip lang ako haha." I know para na akong baliw pero hindi ko kayang paniwalaan lahat ng ito! "Nananaginip lang ako di ba? He's not gone. Hindi niya ako iiwan. Ma!! Hindi pa siya patay! Mahal niya ako. Mahal namin ang isa't-isa! Kakasagot ko ang sa kanya ee!"

"Anak please makakasama sayo yan." Mama hugged me pero parang hindi nabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

"Nasaan siya? Nasaan si Angelo?"

"Nakaburol na yung labi nila ni Angel sa bahay ni Angelo. Nakauwi na din yung magulang nila at humingi na din sila ng paumanhin."

"No! This is not true. Buhay pa siya. Buhay pa si Angelo mahal na mahal ko siya Mama!" Bumitaw si Mama sakin at tiningnan ako sa mga mata. Tahimik lang sila Tita Winter at nakatingin sa akin.

"Si Hell? Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari sa kanya?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. No, if something happens to him. Baka mabaliw na ako. Iniligtas niya ako tapos siya? No. Hindi.

To be continued....

The Sexy Nerd's Hunk Gangster ✔️ (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon