#sbswp
< 05 >
< EXT. MARS STREET, Roadside - May 2009, 15:21 >
EKONG
Tuli na si Kuya Adong.YSMAEL
Talaga? Ilang taon na ba si Kuya Adong?EKONG
10 ata. Kayo? Kelan kayo magpapatuli?TONTON
Ayaw ko pa... masakit daw, e. Si Kuya Tonio nga iyak nang iyak nung tinuli.TONTON
Takot pa naman ako sa dugo...YSMAEL
Masakit ba talaga 'yon?EKONG
Oo. Sobra raw!TONTON
Sabi ni Kuya Tonio nakakamamatay daw.YSMAEL
Grabe naman...< INT. SANDOVAL RESIDENCE, Dining Area - Same day, 20:24 >
YSMAEL
Ma... Pa... magpapatuli ba ako?LITO
Malamang, 'nak. 'Di pwedeng hindi.YSMAEL [ slightly pouting ]
Diba po... diba masakit?SALLY
Oo. Syempre. Pero mawawala rin.SALLY
Bakit, 'nak? Ayaw mo ba? Natatakot ka sa sakit? [ laughs ]LITO [ laughs ]
Nako, 'nak, aasarin kang supot niyan. Haha.YSMAEL
H-Hindi naman po ako takot...SALLY
Sus! Namumula ka na nga, o! Haha. Don't worry, 'di ka pa naman ngayon tutuliin. Baka next year pa.YSMAEL
Next year na po agad?!LITO
O? Akala ko ba 'di ka takot? Ba't parang ayaw mo?YSMAEL
H-Hindi, a!< EXT. MARS STREET - Next Day, May 2009, 15:29 >
CALLISTA
Pst! Mga supot! Haha. Supot!TONTON
Hoy, Lili! Sinong sinasabihan mong supot, ha?!CALLISTA [ crossing her arms ]
Kayong tatlo.CALLISTA
Lalo ka na, Mael!YSMAEL
Ano? Ba't ako? Inaano ka diyan?CALLISTA
Ikaw. Supot. Haha! Mga supot!EKONG
Ano naman ngayon kung supot? Ha?!CALLISTA [ pouting ]
I don't know rin. Pero I heard kela Kuya Adong na nakakahiya raw sa boys 'pag supot! So... nakakahiya kayo! Haha! Mga supot!
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Sandali
RomanceSa bawat sandali ng buhay ni Ysmael at Callista. A dialogue novelette. 03.16.2023 - 03.22.2023 © paerydae, 2023