Prologue

9 0 0
                                    

To have someone... that's the best part.

Uh-huh. It's always about having someone. Ang kaso nga lang ay balak yata ako gawing single na lang ng tadhana kahit ilang taon na lang naman ay magtatapos na rin ako sa kolehiyo. Three years pa pero bakit hindi, 'di ba? HUH. Hindi naman sa nagmamadali. Okay, walang rush 'to.

By just staring at him from afar ay literal na kuntento na lang. Sorry ka, Micah Ravenna. Palagi kang panalo sa lahat, pero sa love life ay wala kang panlaban. Sa madaling sabi ay talo.

"And if, by next time, I see you again... Please, just let yourself disappear, Miss."  Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig. Dumaan ba siya? At mismong sa gilid ko pa?! Malamang, nasa may exit ako ng court. Oh, gosh! Am I dreaming!? Hell, no! Panindigan mo 'to, Era!

Mahina kong kinurot ang sarili. Hindi ako makagalaw at hindi makapaniwala sa katotohanan na napansin niya na 'ko. First time 'yon... like shit!! Finally! But of course, hindi maganda ang sinabi niya. Pwede bang paki-ulit? Kahit na ang seryoso ng boses ay ang sarap pakinggan. Baliw ka na, Raven.

Idinaan ko na lang sa isang malalim na paghinga ang lahat. Sabay punta sa school canteen dahil may WiFi roon. Parang walang nangyari. Gusto ko lang mag-rant sa twitter on time! Nagutom ako bigla!

"Hoy, Miss Santiago! Kanina pa kita hinahanap, ah. Saan ka ba pumunta? Uwian na, 'di ba? Hintay ka ni Leaxen, hindi ka pa sasabay?"  Hindi na ako nagulat kay Jade na sumusulpot na lang. Mukhang uwing-uwi na pero dahil hinanap niya ako...

"Wait lang, twitter lang saglit."  habang nagt-type ako sa cellphone ko ay nanginginig pa!

"20 minutes later..."

"Sira ka na naman," Tanging nasabi ko na lang at tumayo na. Bakit ba kasi dumiretso pa ako sa court, eh. Hindi ko tuloy alam kung magsisisi ako o ano.

"May nangyari ba?" Habang nasa byahe pauwi ay hindi na napigilan pang magtanong ng best friend ko. Chismosa. Tumulala na lang ako sa labas ng bintana. Kahit isa't kalahating oras pa ang byahe ay gusto ko na lang manahimik.

"Meron," sagot ko dito.

"Spill the hot tea, Raven."  Napa-irap na lang ako at sumandal sa balikat niya. Hindi alam kung sasabihin ko ba ang nangyari o ano! Pero ending ay sinabi ko, kasama na rin ang feeling!

"Baka napapansin ka talaga. Ngayon nga lang lumapit kasi hindi na matiis,"  Walang what if na sinabi pero alam ko na.

"Girl! Sa bilis ng ganap ay hindi ko manlang napansin ang ekspresiyon ng mukha niya!" Totoo. At sayang 'yon. Bakit kasi hanggang balikat niya lang ako? Hindi manlang umabot kahit hanggang kaibigan. Gosh, ang corny.

"Take note. Next time ay hindi ka na dapat matulala, okay?"

"Okay. I'm done! Nakakahiya. Never again,"  Maniwala, tanga.

Para akong lantang gulay pagdating sa bahay hanggang sa makahiga na sa kama ko. Iniisip na hindi lang naman 'yon ang una! Pero ang lapit niya kanina. May meaning ba 'yon? It's been two years! But it's still him. Clown of the year na ako nito at two years ko na pala. Sabi ko ay crush lang pero bakit ang hirap? Sana ay siya na lang ang mag-adjust. Lumipat siya ng school, ganoon! Wow, crush. Parang big word.

Hindi tuloy ako makaramdam ng antok! Inaakit ako ng mga mata ko na pumunta sa Twitter app at bisitahin ang account niyang naka-public. Sikat, eh. Relevant sa school plus walking green flag raw. Ayos, 'di ba?

Isaiah Françis Era  @izeroeight  · 4h ago
Well, damn. Worst and best day so far.

Grabe, sino kaya 'to? Hindi niya ba alam na ako 'yon? Nahiya pa, hindi pa ako i-mention! Magiging detective na naman ako dahil sa pagganito niya, eh. Kailan ba ako titigil? Parang tanga.
Sana may mapala ako. I'm always ready for the worst and best! Sign na ba ang ganito niya? (para sa colorblind sign)

I'm gonna make you mine, Era. Just watch.

Kidding aside. Tulog lang katapat nito.

This TownWhere stories live. Discover now