Chapter 1

8 0 0
                                    

Chapter 1

Salamat na lang dahil alam ko pa kung alin at ano ang dapat na unahin. Matutulala ka na lang talaga sa college bilang freshman na niyayakap ng tambak na gawain, eh! Sino bang nagsabi na easy lang sa college at puro vacant!? Okay lang naman talaga. Kasama sa proseso 'to, eh. As long as masaya ako at gusto ko ang ginagawa ko—balewala ang hirap at pagod. Ganito dapat ang motivation ko, eh. Hindi 'yung iiyak na lang sa tuwing hindi na kaya. Enjoy sa phases in life, 'no? Worthy to have. #nmw

Okay.

And it's two weeks ago now since that scene with Era happened. Day one of intramurals today. Pagod na akong maglakad. Pagod na akong magcheer. Pagod na akong mapadpad sa kung saan-saan para lang manood! Pero enjoy naman, eh. Kaya sige. For the go para sa attendance.

"Tara, bili muna." Kasama ko si Jade at Chanelle. Bukod sa sila ang kaklase at closed ko ay wala namang bago sa hindi kami mapaghiwalay tatlo. May dalawa pa na busy sa council. Buti na lang hindi ako officer.

"30 minutes pa naman bago ang laro nila," ani Jade na kanina pa gustong pumunta ng canteen kahit may mga booth naman na pwedeng pagbilhan. May gusto rin 'tong makita, eh.

"Sus! Tara na, nakakagutom na!" Chanelle.

"Ano pala 'yung chika noong nakaraang week? Please lang, hindi ko kasi gets!" Reklamo ni Jade habang kinakain ang all time favourite niyang carbonara.

"Ang slow mo talaga. Hayaan mo na 'yon, expired na 'yon."

"Talaga lang, ha?"

"Kanina pala, nakita ko si Era, may kasabay na girl. What if tagapunas niya 'yon ng pawis para mamaya? Taga-abot ng gatorade tapos taga-cheer. Paano ka na, Raven?" Kapag talaga may kaibigan kang masarap tupiin na lang minsan, eh.

"Kalaban ka talaga namin, Phoenix Jade." Tumawa na lang ako dahil sa sinabi ni Chanelle na busy ngayon sa paglalaro ng 8 ball pool. Sinasabayan sa laro ang boyfriend niya.

"Okay, Syca Chanelle at Micah Ravenna," Inubos ko na lang ang french fries at burger na binili ko. Tamang nakikinig lang sa dalawang maingay na katapat ko. May dala naman akong tumbler kaya nagrefill na lang ako.

"Akala ko, ginawan mo ng banner si Isaiah? Hindi mo ba dinala?" Takang tanong ni Chanelle habang naglalakad kami pabalik sa field.

"Iniwan ko na lang sa bahay. Nakakahiyang dalhin, eh." Ini-display lang sa kwarto. Post ko na lang siguro sa dump ko.

"Sana ako rin, nahihiya." Sabat ni Jade sa usapan sabay tawa.

Nanahimik na lang ako ng makarating kami sa field. Pinanood ko pa si Jade na walang hiyang tinanggal ang suson niyang damit dahil naka-sports wear naman talaga siya. Maglalaro ng badminton. Marami na rin ang studyante na nanonood. Tahimik lang naman ako manood pero dahil may dalawa akong kasama na maingay...

"Go for the win, Era!! Sabi ni Raven!!" Ilang mura na yata ang nasabi ko sa isip ko. Nakita ko pa ang ginawa niyang paglingon. Narinig yata ang sigaw ni Chanelle. Si Jade naman ay tumatawa lang, naka-upo malapit sa pwesto ng crush ko. Wow, crush. Hay, ang gwapo palagi.

Katulad ng dati, tuwing pinapanood ko siya... Wala namang nagbago sa kilos niya. Mas magaling pa nga siya ngayon. Ang tanging magagawa ko lang ay ang humanga at matulala.

"Shit, ang galing talaga." Mahina kong sabi. Nahihiya ako sa ingay ng mga nanonood. Akala mo may pa-concert lang dahil sa sigawan nilang non-stop. Sakit sa ears, dude.

Napunta saglit ang atensyon ko sa isang grupo ng mga babae. May fans club na ba siya ngayon? Mukhang mas dumami pa ang sumusuporta sa kaniya. Dang, girl. Ang supportive naman nila. Pinapansin kaya sila ng isang Isaiah Françis Era?

This TownWhere stories live. Discover now