Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

Lutang ako na pumasok para sa afternoon class namin ngayon. Himala nga at may pa-half day matapos kaming tambakan ng gawain nito lang week. Salamat naman at sabado na bukas. Stress pati MacBook ko.

"Rave, baby!" Kumunot ang noo ko dahil bungad sa labas ng classroom namin si West na all out ang ngiti. Kaya pala ang ingay sa loob. Nahiya pang lumabas ang mga fan girl niya. Bago na pala ang Engineering Department ngayon? Tsk. Baka may sadya 'to.

"Tanghaling tapat, West Lincoln." Napairap ako sa lalaki.

"Congrats. Big deal 'yon, ah." Dalawang araw lang naman kaming hindi nagkatagpo ng landas ay kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. Teluk

"Huh? Alin?" Anong big deal? May chismis bang hindi ko alam?

"Kayo?" Patanong pa talaga.

"Sinong kayo, West?" Tumaas ang kilay ko habang nakikipaglaban ng tingin sa kaniya. Biglang seryoso.

"Kayo ng crush mo, babe." Matapos noon ay tumawa pa siya. Gumilid pa siya sa akin at may ibinulong.

"Good luck, Micah Ravenna. Know that I'm always here." I don't get it. "Okay, West." Tulala tuloy akong pumasok sa room. Siguro ay kakausapin ko na lang siya kapag sumabay siya kay Leaxen pagtapos ng klase. As if.

"Wala na, sikat na ang bff natin," Ani Jade sa tabi ko. Tamad kong tinapos ang activity na ipapasa ko dahil wala ang Prof namin sa pangalawang subject. Hindi ko na lang muna pinansin ang pang-a-asar nila.

"Tigilan n'yo nga 'yan. Para namang hindi kayo sanay sa lalaki na katulad ng watermelon ni Raven," Sabat ni Queen sa usapan. Buti pa 'to, quota na sa lalaki. Ako, malapit-lapit na.

"Tama. Lason lang." Gatong pa ni Leaxen dahilan para manahimik ang dalawa.

Ravenna S. 🔒 @achoseacep · 1m
#dnd #wmp #mismo #asa

Ravenna S. 🔒 @achoseacep · 3m
you can never really assume unless... #lol

Ravenna S. 🔒 @achoseacep · 5m
colorblind, 🐮

Bored akong lumabas ng classroom dahil nag-announce na sa gc na walang klase hanggang last period. May meeting raw ang faculty. Edi ayos, makakauwi ng maaga. Akala mo naman talaga. Sablay naman kung uuwi kaagad.

Dumiretso kami sa coffee shop na tambayan namin kapag wala na kaming klase. Kasama ko sila Leaxen, Chanelle, at Queen. May practice si Jade. Walang bago sa maingay na coffee shop pero dahil afford namin ang sariling mundo ay deadma na lang sa lahat. Ang mahalaga ay mayroong order at free wifi. Pass muna sa activities. 'Yan siya, eh.

"May new parinig si France, ah. Este new tweet," parinig ni Chanelle na halos isigaw na sa may tainga ko. Katotohanan reveal, naunahan ko siyang makita ang new tweet ni Isaiah. Ang dami talagang sangkot sa buhay ng isa na 'to. Kahit walang sense ang comment ng iba ay sige lang.

Isaiah Françis Era @izeroeight · 19m
See you when I see you.

Bastos, hindi manlang ako i-tag. Eme. Tinutok ko na lang ang atensyon sa MacBook na kaharap ko ngayon. Deadma sa maiingay. Hindi naman kailangan sabihin lahat lalo na kung ayaw mo lang o hindi mo gusto. Gulo, 'di ba?

Prenteng nakatutok ang paningin ko sa laptop pero hindi nakalagpas ang presensya ng isang Isaiah Françis na pumasok ng coffee shop. Kasama ang circle niya. May new face pero familiar na sa akin. Bakit kasama nila si West? Nakakainis, ha. May kampihan na ba 'to? Ano naman.

"Medisina by Zild ay now playing, guys." Clueless akong tumingin kay Leaxen. Iba naman ang now playing nitong coffee shop, ah?

"Ay, ayan siya, si lutang." Umismid na lang ako at hindi na ulit pinansin pa ang nasa paligid ko. Naglabas pa ako ng snickers na baon ko dahil trip kong magdala ngayon. Pagkain lang ang katapat ko para manahimik. Nag-aabang kung may bago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This TownWhere stories live. Discover now