Chapter 7

1.6K 55 2
                                    

CHAPTER 7:

Halos hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa nangyari kahapon. Lintik talaga! Hindi ko makalimutan 'yong ginawa ni Alex. Hindi ko alam pero kahit ako mismo, naguguluhan. Tinatanong ko na rin sarili ko kung ano nga ba meron sa pagitan namin ni Alex.Ilang araw na akong tulala dahil sa ginagawa namin ni Alex na ganito. Hindi ko alam pero habang tumatagal, nahihirapan ako sa ginagawa namin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit naguguluhan ako na kahit hindi dapat.

Nagulat ako bigla nang marinig kong may kunakatok sa pinto.

"Pasok." Halos lumuwa ang mata ko nang iniluwa si Alex ng pinto.

Mabilis ko siyang kinotongan nang makita kong pumasok dire-diretso sa kwarto ko.

"UMALIS KA NGA! BAKA KUNG ANO ISIPIN NILA MAMA!" Tumawa siya at umiling.

"Wala naman tayong gagawin." Kumibit balikat siya.

"Unless, kung gusto mo." Halos masuka ako nang kindatan niya ako."Kadiri ka!"

Natahimik ako ulit nang maalala ko ang nangyari kahapon.

"Alex, umamin ka nga. Ano bang meron sa atin? I mean 'di ba nagpapanggap lang tayo?" Tumango siya at tinitigan ako.

"Bakit? May gusto ka na ba sa akin?" Ngising tanong niya at irap lang ang sagot ko. Hindi niya pinansin ang tanong ko. Lahat na lang talaga ginagawang biro!

Hindi ko alam kung bakit nakukulungan ako sa sagot niya. Seryoso ba? Sa ginagawa niya parang may kami talaga. Halos lumilipad ang utak ko at hindi ko napansin na tumutugtog pala siya gamit piano ko.

"HOY! UMALIS KA DIYAN! BAKA MAMAYA MASIRA MO 'YAN!" sigaw ko at hindi niya ako pinansin.

No'ng una mga simpleng tugtog lang ang naririnig ko mula sa piano. Pero maya-maya nagulat ako, nagulat ako sa ginawa niya.

Natigilan ako nang marinig ko kung ano ang tinutugtog niya. Kasabay nang pagtipa ng mga daliri niya ay sinabayan niya ito ng boses niya.

Sa gano'n paraan, hindi ako nakagalaw lalo na nang lumingon siya sa gawi ko habang kumakanta at gumagalaw ang mga daliri niya sa piano.

"Do you remember when I said I'd always be there.Ever since we were ten, baby.When we were out on the playground playing pretend.Didn't know it back then."Halos bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makatingin sa kaniya."Now I realize you were the only oneIt's never too late to show it.Grow old together,Have feelings we had beforeBack when we were so innocent"Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang tumingin siya sa akin, diretso sa mata ko. Hindi ko alam pero sa bawat bigkas niya, parang totoo. Parang totoo ang mga iniisip ko simula no'ng nakaraan. May gusto ba siya sa akin? "I pray for all your loveGirl our love is so unrealI just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch meThis is something like a movieAnd I don't know how it ends girlBut I fell in love with my BEST FRIEND." Diniinan niya ang salitang best friend dahilan para mas lalo akong maguluhan sa mga kinikilos niya. Kasabay nang paghinto niyang kumanta ay ang paghinto rin ng mga daliri niya sa pagtipa.

"Huwag mong isipin 'yon, mahal ka no'n." He chuckled na parang walang nangyari. Natigilan ako sa sinabi niya.

Mas lalo akong naguluhan, mas lalo akong nawalan ng kibo. Umupo siya sa tabi ko at pumantay sa akin.

"Sabihin mong nagpapanggap lang tayo, Alex. Joke lang lahat ng mga 'to hindi ba?" tanong ko. Matagal niya akong tinitigan pero hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Kath, may mga event sa University. Alam mo ba? Ayaw na akong pasalihin sa band ko, pero hindi ako pumayag. Student council na raw kasi ako tapos parang sinasabi nila na pagbigyan ko naman daw 'yong iba." Kwento niya, tinignan niya ako at matamis na ngumiti.

Napansin niya na ang tahimik ko.

"Punta ka ah, banda ko kasi ilalaban sa department namin." Nabigla ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Forgive me for doing this sht." He kissed my cheeks.

Niyakap niya ako nang matagal.

"Gusto mo bang lumabas tayo? Hinihintay ka nila mama." Tumayo siya at ginulo ang buhok ko.

"Mauna ka na, susunod ako." Hinalikan niya ako sa noo at diretsong lumabas ng kwarto ko.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Ano ba talaga ang totoo, Alex? Pinaglalaruan mo ba ang feelings ko? Nagpapanggap pa rin ba tayo? Kasi ako? Naguguluhan na.

Sobrang naguguluhan ako, Alex. Ayokong matalo sa gan'to, natatakot ako.

Naguguluhan, Kathrayne. 


Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now