Chapter 12:
Halos hindi na ako lumabas sa backstage dahil sa kalokohan ni Alex.
"Nakakahiya!" Nilamutak ko ang mukha ko na pulang pula dahil sa kahihiyan.
Hindi ko tuloy alam kung paano ako lalabas dito na hindi man lang nilalait ng fangirls ni Alex. Sht, isa pa 'yong ni Alex na baliw na baliw sa kaniya. Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa inis o tatawa na kikiligin.
"Are you okay?" Umangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses na iyon.
Halos mabuhusan ako ng malamig na tubig. ELIJAH JIRO L. CHEN???
Tanging tango lang ang sinagot ko sa kaniya.
"I think you're not." Umupo siya sa tabi ko.
Alam naman palang hindi, magtatanong pa.
"My name is Elijah Jiro L. Chen, your schoolmate before." Inangat niya ang kamay niya, senyales na gusto niyang makipagshakehands sa akin.
"Kathrayne Rose C. Vergara." Nakipag-kamay ako sa kaniya.He chuckled.
"Ano?" Tinignan niya ako sa mata.
"Ikaw 'yong babae na humampas sa akin ng libro sa mukha." Halos manigas ako sa narinig ko.Sht! Nakakahiya! Naalala niya pa rin ako tangna!
"Yes, hindi kita nakakalimutan." Tumawa siya nang mahina.
Nakakahiya talaga! Leche! Tinignan ko ang uniform niya at napansin ko na nakawhite uniform din siya.
"Nursing?" Umiling siya.
"Psychogy student." Ngumiwi ako.
Psychology? Hindi ba ayon 'yong mga mind reader? Emz, joke time.Kumibit balikat ako at tinignan siya.
"Bakit ka nandito?" Tinignan niya ako ng diretso sa mata, dahilan para mailang ako.
"Kasi nandito ka." Napaatras ako sa sagot niya.
Tumingin ako sa ibang direksyon, sa labas ng backstage.
"Alexandro Keth P. Salazar, nursing student. President ng council at president ng nursing department. Is he your boyfriend?" Matagal akong nakasagot sa tanong niya.
"Kilala mo siya?" Tumango siya.
"Of course, gusto siya ng nililigawan ko dati. Sadly, naging sila." Nanlaki ang mata ko.Omg? Si Monica?
"Yes, si Monica." Iniripan ko siya.
Manghuhula ba 'to? Nakakairita ampuchx.
"I'm asking you again, is he your boyfriend?" tanong niya, hindi ko alam isasagot ko.
"Silence means no."
Kumunot ang noo ko.
"Hindi ba silence means yes iyon?" Tumawa siya na parang ang tangx ng sagot ko.
"Hindi mo naman inamin, so pa'no magiging yes 'yon?" Tumayo ako at naglakad na papunta sa pinto ng backstage.
"Stop acting like you two are in a relationship." Halos hindi ako makagalaw sa narinig ko.
"Masasaktan ka lang, hindi mo kilala si Alex." Nanatili pa rin siyang malapit sa pinto. Naguluhan ako sa sinabi ni Jiro.
Anong ibig niyang sabihin?
Nagulat ako nang bumukas ang pinto sa backstage. Ngumiti ako nang makita ko si Alex, gano'n din siya.
Mabilis na nawala ang ngiti ni Alex nang makita niya si Jiro. Tuluyan nang nawala ang ekspresyon ni Alex at lumabas sa backstage. Hindi ako nagdalawang isip na lumabas ng backstage at habulin si Alex. Hindi ako mapakali dahil hindi ko siya makita sa loob ng University. Napilitan akong lumabas ng University at sinubukan siyang hanapin sa labas.Nang hindi ko siya makita ay napasandal ako sa malaking puno.
"Bwisit! Saan naman pumunta 'yon?" Napaupo ako sa malaking puno at halos matigilan ako sa nakita ko.
Alex?
"Alex? Bakit bigla kang umalis?" Umangat siya ng tingin. Umupo ako sa tabi niya.
"Hindi mo ako maiintindihan." Kumunot ang noo ko.
"Malamang hindi mo pa naman sinasabi." Tinignan niya ako ng diretso sa mata.
"Crush mo dati 'yon hindi ba?" Nagdalawang isip ako na sagutin ang tanong niya pero tumango ako.
Umiwas siya ng tingin.
"Anong meron?" He sighed heavily.
Tinapik ko ang pisngi niya."Hoy? Ano nga?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay matagal siyang natahimik.
"Galit ka ba Alex? May problema ba? May nagawa ba akong mali?"
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
He hugged me tightly. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya.
"Babe, I'm jealous of him."
Itutuloy.....
YOU ARE READING
OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)
RomanceKath has a best friend named Alex. Knowing that Alex has been through a lot with his ex-girlfriend, he wants her to pretend to be his girlfriend. But what if everything changed for a reason? What if they both fall in love with each other?