Chapter 10:
Masama ang loob ko na bumangon sa kama ko at humarap sa salamin. Bwisit na buhay 'to, may demo pa pala kami. Lagot na naman ako kay Ms. Sanchez kapag late na naman ako. "Kath, bilisan mo. May meeting pa kami," mahinahon na sabi ni Alex sa labas ng pintuan ko."Andito ka na naman?! Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" asar na tanong ko.
"Ako magsasawa? Iyang mukha na rin naman na 'yan ang makikita ko araw-araw kapag naging asawa na kita."
Ngumiwi ako, ang corny talaga nito ampuchx. Yuck, ano ba nakita ko sa kaniya?
"Sa wakas naman tapos ka na." Kinuha niya ang bag ko at siya nagbitbit.
Bumaba na kami at nakita kong sumulyap sa amin sila mama. Katulad nang ginagawa ni Alex, hinalikan niya si mama sa noo. Hagikhik ang nakuhang tugon ni Alex kay ate. Samantalang tango naman ang binigay ni papa.
"Pupunta ka ba bukas babe?" Inirapan ko siya.
"Wala pang tayo." Tumawa siya.
"Nakalimutan mo na ba ang usapan natin?" mayabang na tanong niya. Iniripan ko siya at ngumiwi.
Bwisit, akala ko tapos na 'yon. Nagpapanggap pa rin ampuchx.
"Oo, pupunta ako." Pumalakpak pa siya sa tuwa at hinalikan ako sa noo.
"Yes!"
Tinignan ko ang kabuoan niya at ngayon ko lang napansin na suot niya white uniform niya. Wala rin siyang dalang ibang gamit bukod sa med. bag niya.
"Nasaan ang coat mo?" Nanlaki ang mata niya.
"Holy sht, naiwan ko." Tumingin siya sa suot niyang relo at ngumiwi.
"Lagot ako kay Mr. Lee." Tumawa ako.
"Deserve." Umakbay siya sa akin.
"Bukas ang laban namin, makikita mo kung gaano ako kagwapo at kagaling kumanta bukas." Hinampas ko siya sa braso.
"Ang yabang mo talagang kup4l ka!"
Tatawid na sana kami nang humarang ang ex niya sa harap namin.
"So totoo nga ang chismis?" Ngumisi si Monica at tinignan ako simula hanggang paa.
Ngayon ko lang napansin na pareho pala silang nursing student. Taray, ginanon lang ako.
"So pinagpalit mo talaga ako sa pangit na babaeng 'to? Pinagpalit mo ako sa isang future teacher? Mygod!"
Sa hindi malaman dahilan, nanliit ako bigla sa sarili ko. Imagine, nursing student pala ex ni mokong? Ano laban ko roon?
Kalmadong sumulyap sa akin si Alex. Bumuntong hininga si Alex.
"Ano Alex? Sabihin mo sa babae na iyan na ako pa rin ang mahal mo!" Ginulo ni Alex ang buhok niya at masamang tumitig kay Monica.
"Get out! Pwede ba? Huwag kang gumawa ng scandal dito. Alalahanin mo na officer ka at nursing student ka." Nabigla ako nang hawakan ni Monica ang braso ko at marahas akong hinila papunta sa kaniya.
"AKIN LANG SI ALEX! HINDI AKO PAPAYAG NA MAPUNTA SIYA SA 'YO!" sigaw sa akin ni Monica habang nanlilisik ang mga mata niya. Wala akong reaksyon, taray talaga nitong ni Alex. Isipin niyo baliw na baliw sa kaniya si Monica.
Mabilis na hinapit ni Alex ang bewang ko at marahas na tinulak si Monica.
"Respect my GIRLFRIEND. Mahal ko siya at tigilan mo kami." Masamang titig ang binigay ni Alex kay Monica.
"Isang hawak mo pa kay Kath, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kahit babae ka." Iniwan namin si Monica nakatulala.
Naglakad na kami papalayo sa pwesto ni Monica. Nakakaloka ang mag ex na 'to.
"Alex, gagx. Pinatulan mo pa talaga! Magagalit sa atin 'yon!" Ngumisi siya at hindi tumugon sa sinabi ko
Nang malapit na kami sa University, palihim niya akong hinalikan sa noo.
"Hihintayin kita rito mamaya."
Umiling ako.
"Hindi na! Kayo ko naman umuwi mag-isa!" Marahan niyang pinisil ang ilong ko.
"Hindi pwede, anong silbi na niligawan kita kung hahayaan kita?"
Wala na akong nagawa, edi k.
Tinalikuran ko na siya pero bago ako makapasok sa gate ay halos magulat ako sa sunod na ginawa niya. Sa harap ng maraming tao, hindi siya nagdalawang isip na halikan ako sa tuktok ng ulo ko at niyakap ako.
"Good luck babe, demo mo pala. I love you, kayang kaya mo 'yan. Hihintayin kita rito mamaya."
Nasisiraan na ako ng ulo. Pls, kunin niyo na si Alex!
Itutuloy...
YOU ARE READING
OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)
Storie d'amoreKath has a best friend named Alex. Knowing that Alex has been through a lot with his ex-girlfriend, he wants her to pretend to be his girlfriend. But what if everything changed for a reason? What if they both fall in love with each other?