Kinabukasan ay maaga akong nagising at naglakad-lakad muna sa mga lugar na madalas kong puntahan nung bata pa ako. Tinuntun ko ang daan papuntang kakahuyan. Nadaanan ko pa ang napakalawak na bukid na natatamnan ngayon ng mga palay.
Kulay luntian silang lahat kaya ang sarap nilang pagmasdan kahit pa sa malayo. Habang binubusog ko ang aking mga mata sa tanawin ay bigla na naman sumingit 'yung pakiramdam na may sumusunod at nagmamasid sa'kin.
Inilibot ko ang aking paningin kung mayroong kahina-hinala sa paligid pero mga magsasaka lang ang nakikita ko na gumagawa ngayon sa bukid. May naramdaman din akong kumalabit sa'kin mula sa aking likod.
Kinabahan ako kaya dahan-dahan akong humarap dito. Ngunit pagharap ko ay mga bulaklak ang unang tumambad sa paningin ko.
Ini-aabot ito ng isang batang lalaking nasa walong taong gulang siguro habang ito'y nakangiti. Kulang man ang kaniyang mga ngipin pero napaka-gwapong bata nito.
"Para sa'yo." Nahihiya pa niyang sabi sa'kin habang inaabot ang mga bulaklak.
Ewan ko pero parang iba't-ibang klase ito ng mga bulaklak. May mga gumamela, sun flowers at 'di ko na mapangalanan 'yung iba. Napangiti naman ako dahil dun.
"Salamat, pogi," wika ko sa kaniya sabay tanggap nung bulaklak at tapik ng kaniyang ulo.
Agad naman itong pinamulahan pagkatapos ko itong ginawa na lalong nagpalaki ng ngiti sa aking labi.
"Aba! Tignan mo itong anak mo Kanor, marunong ng manligaw." Natatawang wika nung isang babaeng nasa humigit-kumulang kwarenta siguro ang edad.
Agad namang lumapit iyong lalaking tinawag niyang Kanor.
"Very good yan anak, puro magaganda talaga ang natitipuhan mo, 'no?" Nakangising sabi nung nung Kanor na siyang tatay nung bata.
"Ang ganda noya kasi, Itay." Nakayuko niyang sabi sa ama nito.
Nagtawanan naman 'yung dalawa na sa tingin ko ay mag-asawa dahil pansin kong masuyo ang tinginan nila sa isa't-isa.
"Pasensya ka na miss, ganito talaga 'tong anak ko 'pag nakakakita ng magaganda." Natatawa pang sabi nung babae.
"Ako nga pala si Elise. Ito naman si Kanor, asawa ko." Pagpapakilala niya sa kanilang mag-asawa.
"At ito namang makulit na batang 'to ay si Peter, anak naming mag-asawa." Tukoy nito sa batang nagbigay sa'kin ng bulaklak.
"Ang pangalan ko naman ay Sensen. Nice to meet you." Pakilala ko sa sarili ko sa kanila.
Huli sa mga balak ko ang makipagusap muna sa mga tao habang nandito ako pero sadyang natuwa ako sa mag-anak na 'to kaya kahit pangalan ko ay naibigay ko.
Matapos ang tagpong iyon ay nagtuloy-tuloy na ako sa lugar na gusto kong puntahan. Ito ay iyong kwebang madalas kong puntahan at pagtaguan noon mula kila Mama.
Pagdating ko doon ay pansin kong ang daming mga nakasabit at nakaharang na baging. Kahit hirap ako ay tinanggal ko ang mga ito. Nasugatan nga lang ang mga palad ko dahil dito.
Nanlaki ang mata ko nung nakita ko pa ang mga gamit ko dito sa loob ng kweba. Nandoon pa din 'yung isang karton na puno ng laruan. Binuksan ko ito at inilabas lahat ng mga bagay sa loob nito.
Nakakatuwa na nandito pa ang mga 'to kahit ilang taon na ang lumipas. Naagaw ng pansin ko ang isang maliit na box. Agad ko itong binuksan at tumambad sa'kin dun ang isang simpleng bracelet.
Natatandaan kong naiwan yata ito noon ni kuya pogi. 'Yung batang tinulungan ko at pinagtago dito sa loob ng kweba mula sa mga humahabol sa kaniya noon.
Matagal ko na itong hinahanap simula nung umalis kami sa lugar na 'to. Dito ko lang pala siya nailagay. Kinuha ko 'yung bracelet at sinipat ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/334298563-288-k759148.jpg)
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 | R-18+ | SPG | Chase Akira Montello BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also...