KABANATA 69

100 4 0
                                    

NAKATITIG lang si Edgar sa puting wall sa hospital. Kasama niya ang mga kapatid niya, maging ang mga nobya at asawa ng mga kapatid niya.

Hindi niya alam ang mararamdaman niya sa sitwasyon na ito, lalo na't malapit na malapit na magkaibigan silang dalawa ni Peter.

"Edgar..." rinig niyang tawag sa kaniya ng kuya Earth niya. Marahan siyang bumaling ng tingin dito saka inayos ang pagkakaupo sa hospital bench. Napayuko siya saka napatingin sa sahig,

"I know...pagalitan niyo lang ako hangga't gusto niyo...I do not have time to argue with you, guys..." natigil siya saka humugot ng malalim na hininga, "I...I can't still think straight after what had happened." pagtutukoy niya sa pagkamatay ni Peter.

"Hindi naman ako nandito para pagalitan ka." mabilis na tugon ng kaniyang kapatid. Narinig niyang bumuntong hininga ito saka tumabi ng upo sa kaniya,

"what I want to tell you is that...now's the time to tell Samantha about everything,"

"I can't," mabilis ding tugon niya. "I'm not done with my mission yet, I can't tell her who I am and let her suffer after I die."

"bakit? hahayaan mo din bang mamatay ka sa mission mo?" deretsong tanong nito, umismid siya saka mulimg tumingin sa kwarto kung saan pinasok ang katawan ni Peter, sa Morgue.

"without Peter, I think this mission will be too hard for me, hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako ng buhay sa inyo o hindi na. At kung sakali mang hindi na ako makauwi ng buhay, at least Samantha don't remember everything about me and she will not suffer, that's the least that I can do." mahabang paliwanag niya sa kuya niyang mapakla lang natawa, napabaling siya sa kapatid na magkakruss ang braso na nakasandal sa wall ng hospital,

"and you think she will not suffer and blame herself for not remembering about everything when you die and she remembers everything?" tanong ng kuya niya, natigil siya saka hindi nakasagot. "Don't let your stupidity overpower that smart and wise side of yours, Edgar. You should tell her, your guving her stress and confusion and that's not good for her and the baby's health."

"I've decided already, kuya. The only motivation that's keeping me fighting for the sake of my freedom and your safety is her, not knowing about everything, because I promised myself to tell her everything when I'm done."

"You have a point, though." pag sang-ayong nito saka tumayo.

"Stand up, we have to take Peter home." ani pa nito sa kaniya,

"Alam na ba ni Bruno?" tanong niya kay Earth, bumuga ng marahas na hangin ang kaniyang kapatid saka lumingon sa may hallway. Napalingon din siya doon saka niya nakita si Bruno na kararating lang,

"He just arrived."

And there he was, the brother of his beloved friend who just passed away...Bruno.

"B-Bruno..." nauutal na tawag niya dito.

"where is he?" kalmadong tanong ni Bruno sa kanilang dalawa, mabilis naman silang napalingon sa may morgue at hindi na nagsalita,

Nilagpasan sila ni Bruno at dere-deretsong pumasok sa morgue. Habang sila naman ng kuya niya ay bumalik sa pagkakaupo sa bench.

Mula sa kinauupoan nila ay rinig nila ang hagulgol ni Bruno. Malakas ang pag-iyak nito kung kaya't kahit gaano nila kalayo ay narinig pa rin nila ang pag-iyak ni Bruno.

Hindi nakatiis si Edgar at tumayo, lumapit siya sa morgue at marahan na isinara ang pinto.

Tila ay naubosan na ata siya ng mga luha, masakit ang puso niya at gusto niyang maiyak dahil sa sobrang paghihinagpis ngunit tila isang desyerto ang kaniyang mga mata, wala ng luhang lumalabas rito.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon