CHAPTER ONE

158 0 0
                                    

UNRECIPROCATED first love just sucks.


Pabagsak na nahiga si Leila sa kama at tumitig sa kisame. Kagagaling lang niya at ng kanyang mga magulang sa anniversary party ng mag-asawang Myra at Lorenzo Ortega. Family friend nila ang mga ito kaya sila imbitado sa party. Magarbo ang selebrasyon at karamihan sa mga bisita ay miyembro ng alta-sosyedad.

Noong una ay enjoy siya sa party, hanggang sa inanunsiyo ang engagement nina Harper Ortega at Camia Rivera. Parang gumuho ang kanyang mundo pagkatapos niyon. Tumakbo siya palabas ng mansiyon at humagulhol sa kotse ng mga magulang.

Panganay na anak ng mag-asawang Ortega si Harper at close talaga silang dalawa. Apat na taon ang tanda ni Harper kay Leila. Crush na niya ang binata mula pa high school, pero itinago niya dahil si Camia na ang gusto nito mula pa noon. Isang taon din na niligawan ni Harper ang dalaga hanggang sa sagutin ito ni Camia noong eighteenth birthday nito. Mula noon, naging kaibigan na rin niya si Camia. Anak ang dalaga ng nagmamay-ari ng sikat na clothing brand na Rivera at ngayon ay isa na ring sikat na fashion designer. Siya ang paborito ni Camia na modelo at show stopper sa mga fashion show nito. At sa susunod na linggo, she will be walking the catwalk again para sa bagong collection ng dalaga.

Mula nang naging official couple sina Harper at Camia, pinilit ni Leila ang sariling maging masaya para sa mga ito kahit nasasaktan siya. Pero may bahagi pa rin ng pagkatao niya ang umasang sana ay magkahiwalay ang mga ito; baka sakaling mabaling sa kanya ang pagtingin ni Harper. Ayaw niya ng pakiramdam na iyon pero hindi niya mapigilan.

Pero matapos ang announcement sa party, batid niyang wala na talaga siyang pag-asa kay Harper. Engaged na ang mga ito at malapit nang ikasal. Dapat na talaga niyang kalimutan ang binata.

Buntong-hiningang pumikit si Leila at pinilit ang sariling matulog pero nauwi lang iyon sa pag-iyak. Madaling-araw na nang tuluyan siyang makatulog. Tanghali na nang magising siya kinabukasan. Mabuti na lang at Linggo; wala siyang trabaho.

Isa si Leila sa pinakasikat na modelo sa bansa. Part-time model lang siya noong nag-aaral pa lang, pero pagka-graduate sa college two years ago, pumasok siya sa mundo ng fashion bilang full-time model. Nakailang TV commercials na rin siya at suki ng kabi-kabilang mga fashion show. Hindi siya nahirapang makapasok sa industriya dahil former beauty queen ang kanyang mama at senator naman ang papa niya.

Biglaan ang pag-aasawa ng mga magulang ni Leila noon dahil nabuntis ang mama niya. Para hindi mapahiya sa publiko, pinanindigan ng kanyang ama ang kanyang ina. Masalimuot ang naging pagsasama ng mga ito noong una dahil hindi pinlano ang pag-aasawa-hindi na-enjoy ang pagiging single at marami pang nais gawin na hindi magawa dahil nakatali na.

Nang lumaon ay napokus sa political ambition nito ang papa niya, habang ang kanyang mama ay naging subsob sa trabaho. Kaya naman, hindi talaga napagtuunan si Leila ng pansin ng mga ito. Until few weeks before her eighteenth birthday, na-kidnap siya. Iyon ang nag-trigger para maayos ang kanilang pamilya. Na-realize ng mga ito ang mga pagkukulang at bumawi naman sa kanya.

Mabuti na lang talaga at naayos ang mga kailangang ayusin bago pa tuluyang masira ang kanyang pamilya. Kaya madalas na payuhan si Leila ng mga magulang na huwag magpadalos-dalos tungkol sa kasal. Dapat mag-enjoy muna siya at siguruhing handa bago magpakasal. The marriage will suffer if she wasn't ready.

Inot-inot si Leila na bumangon at bumaba sa kama. Naghubad siya at dumeretso sa banyo para maligo, saka bumaba para magkape. Nakasalubong niya si Doray sa gitna ng hagdan, isa sa mga katiwala nila. Madaldal ito at madaling kiligin kaya naaaliw siya rito.

"Ay, good morning, Señorita. Pupuntahan na sana kita sa kuwarto ninyo, eh. May bisita ho kasi kayo," nangingiting pagbibigay-alam nito.

Kumunot ang kanyang noo. "Sino?"

Falling For Leila (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon