CHAPTER TWO

61 1 2
                                    

NAGING abala si Leila sa mga sumunod na araw para sa rehearsals ng nalalapit na fashion show ni Camia. Wala siya sa mood na magtrabaho, pero pinilit niyang pasiglahin ang sarili. Ayaw naman niyang ma-disappoint si Camia. Kahit medyo insecure sa babae dahil ito ang mahal ng lalaking mahal niya, hindi niya ikakailang maganda at mabait talaga si Camia. Kaya hindi nakapagtatakang na-in love dito si Harper.

Pagkatapos ng rehearsal isang gabi, nagtungo siya sa isang bagong bukas na bar para mag-relax mag-isa. Dinig niya, enjoy daw doon.

Hindi niya kasama si Virgilio, ang kanyang driver at bodyguard, dahil isinugod sa ospital ang anak nito matapos mabundol ng sasakyan. Usually, kasama niya ito saanman siya magpunta.

Ihahatid muna sana siya kanina ni Virgilio pauwi bago ito pumunta sa ospital pero kinumbinsi niyang huwag na. Instead, she ended up dropping him to the hospital matapos na ipangako na deretso siya uuwi pagkatapos. Dahil labis itong nag-aalala sa anak, hinayaan siya nitong umuwi mag-isa.

Ex-military si Virgilio at bihasa sa martial arts. Bodyguard na niya ito mula pa noong labing-walong taong gulang siya. Nakidnap kasi siya nang panahong iyon at tatlong araw din na binihag ng mga kidnapper. Muntik na siyang mamatay dahil may asthma at walang gamot o inhaler habang hawak siya ng mga ito. Humingi ang mga kidnapper ng limang milyon na ransom. Lihim naman na nakipag-ugnayan sa NBI ang kanyang mga magulang kaya matagumpay siyang na-rescue.

Na-trauma siya sa nangyari. Naging protective simula noon ang kanyang mga magulang lalo na at nag-iisa siyang anak. Kaya naman kinuha ng papa niya si Virgilio para masiguro ang kanyang kaligtasan.

Usually, kasama rin ni Leila ang best friend na si Ara kapag nagba-bar siya. Pero dahil gusto niyang mapag-isa ngayong gabi ay hindi na niya ito niyaya. Tinawagan din siya ni Bernard kanina at niyayang lumabas, pero tumanggi siya dahil wala sa mood na makipag-date. Besides, pinag-iisipan na niya kung paano sasabihin na basted ang lalaki nang hindi ito gaanong nasasaktan.

Pumuwesto siya sa isang mesa at nag-order ng alak. Hindi siya artista, pero may mga tao rin namang nakakakilala sa kanya dahil sa kanyang billboards at commercials. Kaya kinailangan niyang magsuot ng cap para itago ang kanyang mukha. Pinatungan din niya ng maluwang na hoodie jacket ang kanyang pang-itaas. She was thankful dahil mukhang wala namang nakakilala sa kanya pagpasok niya sa bar.

Hindi namalayan ni Leila na nakadalawang bote rin siya ng alak. Natanto lang niya iyon nang biglang tila siya mahihilo. Usually, isang mug lang ng beer ang kaya niyang inumin kaya siguro nabigla ang kanyang katawan.

"What a coincidence. Nandito ka rin pala," untag sa kanya ng isang baritono at suwabeng tinig. Umupo ang nagmamay-ari ng tinig sa katapat na silya at kinuha ang kopitang hawak niya.

Kunot-noong tiningnan niya ang mukha ng kaharap. Awtomatikong umasim ang kanyang ekspresyon nang makilala si Rick Ortega.

Sa dinami-dami ba naman ng taong puwedeng makita ngayong gabi, si Rick pa?!

As usual, sobrang intimidating ang presensiya ni Rick. Naka-jeans ito at blue cotton shirt na pinatungan ng black leather jacket. Simple pero effortless ang kasimpatikuhan at sex appeal ng mokong. Awtomatikong napatingin sa mesa nila ang mga babae sa bar.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Well, kaibigan ko ang may-ari ng bar na ito. I dropped by para kumustahin at suportahan ang business niya. And then I saw you. Nakilala kita despite your poor attempt to disguise yourself."

Nairita siya. Mukhang na-amuse pa ang mokong sa hitsura niya. "Ang talas naman ng mata mo at nakilala mo pa ako."

"I'm a soldier, Leila. Sinanay akong maging mahusay na spy. Kahit anong disguise pa siguro ang isuot mo, makikilala't makikilala kita. Anyway, alam ba ni Tito Rodrigo na nandito ka at nagpapakalasing?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling For Leila (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon