3

30 3 0
                                    

Chapter 3

Pag gising ko kaninang umaga ginawa ko ang usual routine ko. Bumaba ako ng hagdan at doon ko nakita sila mommy at daddy na kumakain. Nako naabutan ko sila patay nanaman ako aasarin nanaman nila ako panigurado. "Mase, kamusta na kayo ni luke ha" ngumingisi pang tanong ni mama "okay lang ma kaw talaga push na push ka saming dalawa" natawa naman si mama "aba syempre anak siya ang gusto ko para sayo pakasal na kayo ha" humalakhak naman siya pag katapos niya sabihin iyon "ma ang bata pa namin ikaw talaga" sagot ko dito "bigyan niyo ko ng maraming apo ha" nahiya naman ako bigla "Ma! Naman!" Pinag patuloy ko na lang ang pagkain.

Pag katapos ko kumain pumunta na ko sa school. Nakita ko sa may gate ang best friend ko si Trish Quizon. Simula high school pa kami mag kaibigan dito rin siya napasok accounting ang course niya. "Mase! I miss you mwa!" Sabay yakap niya sakin "I miss you more trish! Kamusta naman ang adventure mo ilang buwan ka ring di nag paramdam ah" lagi kase iyan nawawala kung saan saan pumupunta minsan sa online na lang siya nag tetake ng exams eh.

"Okay lang mase kung saan saan na ko nakarating. Ikaw kase nag boyfriend ka pa di ka tuloy maka sama pero okay lang hot naman si papa lucas" natawa naman ako sa sinabi niya

"Atleast may nag aalaga sakin no" totoo naman kase eh andyan lagi si lucas para sakin

"Sige na, labas tayo after class ha hindi pwede humindi dahil minsan lang ako andito" hala sabay ata kami ni luke hayaan mo na nga minsan lang naman magpapaalam na lang ako sakanya.

Papunta na ako sa classroom at may nakabunggo akong lalake engineering rin ata siya parang classmate ko siya sa ibang subjects ko tyrone ata pangalan nito."Sorry miss di ko sinasadya" tinulungan niya ko pulutin ang ilang gamit kong nahulog "Okay lang kuya salamat" pagkatapos niya ibigay sakin ang mga gamit ko

Pagkapasok ko sa classroom nagsimula na ang mga klase nakita ko naman si tyrone sa unahan ko. Tingnan mo nga naman nag pa surprise quiz pa si sir buti na lang medyo nakapag aral pa ko kagabi. "Pssst, miss!" Narinig kong may natawag di ko na lang pinansin at baka hindi naman ako ang tinatawag. "Pssst! miss! Uy!" Sabay may tumama sa ulo ko nanlilisik na yung mata ko sinundan ko yung pinanggalingan ng papel.

Nakita ko si tyrone nakangisi sakin sabay sabing "Sorry,pahiram naman ng ballpen ayaw mo kase tumingin eh" aba kasalanan ko pa malay ko bang ako yon hmp!

Inabutan ko siya ng ballpen sabay inirapan antipatiko kumindat pa saken nakakaasar siya ah buti na lang at maagang natapos ang klase nakakaasar yung lalakeng yon.

Nakita ko si luke nakasandal sa may pader iniintay ako. Lumapit ako sa kanya pag katapos hinalikan sa labi syempre lalambingin ko to aalis ako mamaya ng hindi siya kasama eh. "Baby aalis kami ni trish ha?" Nag beautiful eyes pa ko sabay pout "Sige okay lang naman haha ikaw talaga may lakad din kami nina eros eh haha" aba hindi nag paalam to sakin ah yaan mo na nga ganon rin naman ako.

Naglalakad kami sa caf ni eros para kumain tapos na kase klase ko eh siya 1hr pa bago mag simula klase niya. Hati kami sa bayad sa food binabudget kase namin yung allowance naming dalawa pinag sasama namin para di kami nauubusan ng pera kase baka biglang mag ka emergency.

Alam niyo bang sa caf kami unang nag kakilala ni luke na tapunan niya kase ako ng juice tas pinahiram niya ko ng shirt wag ko na nga daw ibalik kase baka may germs na maarte yan eh playboy pa nainis ako kaya mas lalo ko siyang sinundan hanggang sa naging assistant ako ng basketball team eh player siya doon na kami madalas nag kakasama hanggang sa ayon nangyari na.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid ko si luke sa room niya iintayin ko pa kase si trish mga 30min pa klase non. Pagkatapat namin sa room niya tumingin siya sakin " Magiingat kayo ha wag manlalaki patay ka sakin" ngumisi siya sakin sabay hinalikan ako sa noo "Ikaw rin uwi ng maaga bubugbugin ko sina eros pag may kahit anong galos ka haha" napa ngiti naman siya at nagpaalam tapos pumasok na sa room.

Nagsimula na ko mag lakad sa may field doon muna ko tatambay habang nagiintay kay trish mahangin don eh.

Our own happily ever afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon