6

15 1 0
                                    

Chapter 6

Pag kapasok ko ng convenient store, nakakita ako ng isang pamilyar na bulto. Ang laki ng braso sarapyy! Hahaha! Patay ako kay luke kung andito yon. Humarap sakin yung lalaki, laking gulat ko si tyrone pala yon. Hay nako! Umirap na lang ako sa hangin at nakita naman niya iyon at nginisian lang ako. Aba!

Pumunta ako sa lagayan ng mga soup, yung nilalayan lang ng tubig tapos itlog okay na. Pag talikod ko nakita ko si tyrone. Ano ba problema neto? Hayaan mo na nga baka nagkataon lang naman. Sunod ko pinuntahan yung mga lagayan ng itlog, kumuha ko ng dalawang piraso at papunta na sa counter kaya lang nakita kong nakasunod pa rin si tyrone. Nakakainis ng aasar ba to?!!!

"Nananadya ka ba?! Kanina ka pa ah!" Ramdam ko ng nang lilisik na yung mga mata ko.

"May tagos kase sa susunod tingnan muna ang sarili bago lumabas." Napahiya naman ako doon. Kumindat na lang siya sabay bato ng jaket niya sakin.

Tinali ko sa bewang ko yung jaket sabay sabi "S-s-salamat." Napatungo na lang ako sabay dumeretso na sa counter para mag bayad.

Bago ko maka labas ng convenient store sumigaw pa siya ng "You owe me one!" Napatingin ako sakanya sakto namang nag flying kiss pa siya sabay kindat. Imbis na mainis ako napangiti na lang ako tsaka pumasok sa elevator papunta sa pad ni luke.

Nang makarating ako sa floor ni luke ay nakita ko lang siyang nakahiga sa kama. Napangiti ako dahil talaga namang napaka masunurin niya na. Dati kase wala yang pinakikinggan kaya kami palagi nag aaway nan. Mag iisang taon na kami non pero parang ang gusto niya pa rin ay walang nag tuturo ng mga dapat gawin niya. Madalas namin iyon pag awayan pero buti naman at naagapan.

Bago ko ipag luto si luke ay nag ayos muna ako diba nga may tagos ako. Di ko na nga naramdaman na mayroon na pala ako. Nakakahiya talaga! Humiram na lang muna ako ng boxers ni luke. Sanay nanaman siya na ginagamit ko nga damit niya eh.

Pumunta na ako sa kusina para mag ayos na ng pagkain namin ni luke. Kasaluyan akong nag luluto ng biglang yumakap sakin sa likod si luke. I love back hugs alam na alam niya iyon.

"Hon, ang bango naman." Sabi niya sakin.

"Aba siyempre! Luto ko ata yan hahaha" pag mamalaki ko pa.

"Di naman yan hon eh" napatingin ako sakanya, abat! Buhok ko pala ang inaamoy! Napanguso na lang ako.

"Ang cute mo talaga hon!" Sabay halik niya sa pisngi ko.

Inihain ko na sa mesa ang pagkain. Sabay kaming kumain at sinubuan ko pa siya huh! Ganyan naman talaga yang ayaw magkikilos pag masama ang pakiramdam.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa sala at tsaka nanood ng tv. Magkayakap kami habang nanonood. Ang ganda na ng pwesto namin ng biglang may tumawag sakanya.

*Lovin can hurts, loving can hurts sometimes.🎶

So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans pulling me closer till our eyes meet.🎶*

Narinig kong tumunog na yung phone niya. Kinuha naman niya ito sa may lamesa sa harap ng sofa.

"Hello? Brad napatawag ka?" Pakikipag usap niya dito

"Huh? Bakit naman ganyan bigalaan?" Halatang naiinis na ito.

"Ilang linggo yan? Di ba pwedeng hindi umattend?" Namomoblemang sabi niya.

"Ang tagal naman?! Ano ba yan, sige kakausapin ko na lang si ms itatanong ko." Sabi niya sabay sulyap sakin.

Binaba na niya ang phone. "Babe, ano yon?" Tanong ko na dito.

"Babe hindi pa naman sure. Kakausapin ko pa si mam kung pwedeng hindi sumama." Ano ba yon? Ayaw pa sabihin eh.

"Ano nga iyon?!" Pangungulit ko na dito.

"May training daw kami sa parang isang isolated place. No gadgets, for one month. Para raw may experience na kami sa pagiging engineer kahit konti. Iyon na daw ang exam namin." Napatulala na lang ako never pa kami nagkahiwalay ng matagal.

Our own happily ever afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon