5

17 1 0
                                    

Chapter 5

Pagkagising ko mabilis akong nagayos. Isang puting tshirt lang at maong na shorts ang suot ko. Hindi naman kase ako lalabas sa condo lang ni luke ang punta ko. Nag ayos pa ako ng konting oras hindi na ako kumain kase sasabayan ko na si luke kumain sa condo niya.

Sumakay ako ng taxi sa labas ng subdivision namin. Wala naman kase masyadong nadaan pag sa loob ka pa nag intay. Minsan nga gusto ko matuto mag drive para hindi hassle pag may ganitong surprise ako kay luke eh.

Pagdating ko sa condo ni luke pinakinggan ko muna tahimik pa siguro hindi pa yon nagigising. Binuksan ko ang pinto niya alam ko namn kase ang password ng pinto kaya madali na kong maka pasok. Sinilip ko siya saglet sa kwarto nakita kong mahimbing pa siyang natutulog. Nag simula na ko mag luto ng bacon, hotdog at itlog. Naglinis na rin ako ng condo ni luke kaso ang tagal niyang gumising.

Pumasok na ko sa loob ng kwarto at nakita kong tulog na tulog pa rin siya. Nilapitan ko siya at nagulat ako ng bigla niya kong higitin pahiga sabay yakapin. Aba! Gising na pala to! Hindi man lang bumamgon. Napansin kong mainit siya kaya pala eh may sakit ang hirap pa naman nitong alagaan pag may sakit nako naman. Tsk! Naginom pa kase eh hay nako.

"Babe, dito ka lang ang sakit ng ulo ko." Ganyan talaga yan malambing pag nag kakasakit.

"Inom kase ng inom eh! Ayan tuloy." Ang kulit pa naman nito siguradong hindi ako makakauwi nito lalo na at may sakit to.

"Sorry na babe :( alagaan mo ko hanggang bukas ha?! Okay lang naman kila tita diba?! Pag papaalam kita sige na please?" Paano ko ba to matitiis nag pout at puppy eyes pa. Hahahha!!

"Sige na sige na, mag papaalam ako kila mommy di ka naman natitiis nung mga yon. Pero ngayon kumain ka muna pinagluto kita." Akmang tatayo na ako ng bigla niya ko hilahin para halikan sa labi at tsaka ko pinatayo.

"Thankyou talaga! Massie!" Sabay kindat niya sakin. Grabe to! Nilalagnat na nga masigla pa rin.

Pinaghanda ko siya ng pagkain at dinala to sa kwarto kumuha na rin ako ng gamot para inumin niya. Pagkapasok ko nakita kong kakalabas niya lang galing banyo nako ang likot baka lalo to lagnatin eh buti nga sinat pa lang.

"Hay na ko lucas! Pumirmi ka nga baka mas lalo kang lagnatin!" Tumawa lang siya sakin.

"Mase naman! Hahaha! May sakit lang ako hindi baldado hahahha!!" Aba! Sumagot pa talaga ha?! Di ko siya diyan alagaan eh. Inirapan ko na lang siya sabay lumabas.

Bigla niya kong hinigit pabalik sabay niyakap galing sa likod. "Ikaw naman baby napaka matampuhin :)" sabay pisil niya sa ilong ko.

Pinakain ko na siya sabay pinatulog. Nanonood lang ako katabi ko siya sa may kama. Bigla akong inantok kaya umayos na ko ng higa pinatay ko yung tv pagkatapos ay natulog na ako.

Nagising ako hapon na hindi pa nga pala kami nag tatanghalian. Hinipo koang noo nitong tulog na tulog kong katabi. Nakapulupot pa ang mga braso sakin kaya naman pala ang bigat eh!

Medyo humupa na ang lagnat niya mabuti naman. Unti unti siyang gumalaw at mumulat ngumiti siya sakin. Grabe! Ang hot niya talaga pag bagong gising! Tas husky voice hmm lalag panty!

"Babe, anong oras na?"damn husky voice!

"Babe? Hoy!" Kumakaway pa siya sa harapan ko tekaa nakakahiya!!

Umiwas ako ng tingin "2:00 pm na babe dito ka muna mamimili lang ako sa baba ha? Wag ka na muna mag gagalaw pagluluto kita."

"Sige babe. Bilisan mo ha?" Tumango na lang ako sabay hinalikan ko siya sa pisngi.

Pag ka tapos kong mag ayos bumaba na ako may convenient store naman sa baba ng condo ni luke eh.

Our own happily ever afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon