Its been 2 years na hindi ko na siya nakikita. Sabagay, hindi na rin 'yun maiiwasan. Nagka-pamilya na kasi siya.
Kaya ako, masayang masaya ng malaman kong pauwi na siya kasama ang anak at asawa niya.
Masaya ako kasi, inimbitahan niya ako sa dating school namin. Para daw makabawi siya sa akin mula sa biglaan niyang pag-alis..
*****
" Haist!! " Napabuntung-hininga na lang ako sa nakita ko. Nakita ko kasi yung school namin na walang pagbabago. Namimiss ko tuloy 'yung mga oras na kasama ko siya--si Roy. Tawanan at iyakan dahil graduate na kami bilang college students.
Naiinis pati ako sa kanya.. Kasi bigla siyang umalis papuntang America para raw sa trabaho. Sayang naman daw kasi 'yung oppurtunity.
Hanggang sa, nabalitaan ko ng doon na pala siya nagka-asawa at anak. Siyempre, bilang bestfriend niya.. Masaya na akong ganoon ang nangyari sa kanya..
Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ko ng biglang may narinig akong kalabog sa may pintuan. Nandito kasi ako sa may room namin dati, hinihintay si Roy.
" Ay sorry.. Mukhang nagulat ata kita. " Biglang lumabas ang isang magandang babae sabay ngiti niya hanggang tenga. Grabe 'yung ngiti niya as in. Kinikilabutan ako, nakakatakot na kasi eh.. Kasi mukhang may binabalak siyang masama.
" Ahh.. Hindi naman masyado. Ok lang ako "
Lumakad siya papunta sa akin at inilabas ang isang kitchen knife. Nakaramdam ako ng kaba sa nakita ko.. Kaya unting unti ako lumalayo mula sa kanya.
" Ganun naman pala.. Pwes! Tatapusin ko na ang buhay mo Higad! "
" Ha!? H-Higad!? S-Sinong higad!? " sabay harang ko sa dinadaanan niya ng mga upuan. Natatakot ako kasi biglang nagbago yung mukha niya. Nawala yung ngiti at napalitan ng galit.
" Ikaw! Sino pa ba ang nandito!? Ang kati kati mo kasi! "
" A-ako makati!? Teka, s-sino ka ba!? " sabay atras ko pa mula sa kanya, ang lapit na niya kasi sa akin.
Nginisian niya lang ako sabay dura niya sa may paligid niya..
" Ako lang naman ang nag-iisang asawa ni Roy! Mang-aagaw! " sabay lapit niya pa sa akin..
Siyempre ako, atras lang ako ng atras mula sa kanya..
" W-wala akong ginagawang masama.. N-nandito lang ako para makipagkita kay Roy. 'Yun lang at wala ng iba! "
Bigla siyang tumawa ng malakas..
" Magaling ka palang magpatawa! Kaso nga lang.. " sabay simangot niya " Matatapos na ang buhay mo dito.. Hay*p ka! " sabay takbo niya sa akin habang nakahandang saksakin ako.
Nahawakan ko agad siya sa kamay at pinipilit kong 'wag ako masaksak..
" W-wala akong ginagawang masama.. B-bakit mo ako papatayin!? "
Grabe ang lakas ng babaeng 'to!
" Tumigil ka na! " sabay nilakasan niya pa yung pwersa sa kutsilyo.. Dumampi na 'to sa may dibdib ko kaya nagdugo 'to ng kaunti.
Sinipa ko siya ng malakas at nauntog siya sa isang bakal na upuan namin. Biglang nagdugo ang kanyang ulo dahil da pagkakasalpok nito sa upuan..
Dali dali akong pumunta sa kanya at hinawakan yung kutsilyo..
" Uy gising! Uy uy— "
" Anong ginawa mo!? " Biglang tumakbo si Roy sa amin at hinawakan 'yung asawa niya.
" W-wala akong gina— "
" Anong wala!? " sabay turo niya sa may hawak kong kutsilyong duguan.
" W-wala 'to! " sabay bitaw ko nung kutsilyo.
" Pinatay mo s’ya!! " sabay hawak niya sa balikat ko..
" H-hindi! Hindi ko sya pinatay! " sabay tanggal ko sa pagkakahawak niya at umalis..
*END*
Sorry kung ngayon ko lang inilagay 'yung prologue. Nagsaliksik kasi ako kung amo talaga ang tunay nitong kahulugan kaya hindi ko to agad inilabas.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
JugendliteraturNoong una, simple at masaya lamang ang buhay ni Kaye de Vera, isang simpleng babae na mayro’ng ‘di kaaya-ayang mukha.Tawanan at kulitan kasama ang Bff niya na si Brian. Hanggang sa dumating sa buhay niya si James Ybanez, ang campus hearthrob ng scho...