Chapter 8
Alex's Point of View
*****
Brian's POV
" Girl.. Salamat. " Nakangiti kong pahayag sa kanya.
Hindi naman sa ngayon, pero lagi... Lagi niyang pinapatunayan na tunay ko talaga siyang bestfriend.
Way back then, napakaiyakin talaga niyang babaeng 'yan. Kaya nga natutuwa ako na kaya na niyang mag-taas noong tumayo sa kanyang mga desisyon. Natuto na siya.
Nginitian niya lang ako bilang sagot. Napansin kong tinitignan ako ni Alex na tila may hinihintay. Hindi ko naman alam kung bakit kaya wala naman ako masabi or what.
Maya-maya umalis siyang nakisamangot.
" Anong nangyari dun? " tanong ko.
Wala talaga akong ka-alam alam sa nangyayari kaya tumingin ako kay Girl.
Sinamaan n'ya ako ng tingin. Ba't
" Nakalimutan mo lang naman siya.. Habulin mo at magpasalamat ka! "
" Ha? " Nasabi ko na lang biglaan sabay habol ko kay Alex.
Habang hinahabol ko si Alex, nagbubulungan na naman 'yung mga bubuyog habang nakikita ko. 'Di bale na! Alam naman namin kung ano talaga ang totoo.
" A-alex... " mahingal hingal kong pagpigil sabay hawak ko sa kanya " Wait... " sabay habol ko ng hininga ko. Ang hirap talagang tumakbo!
" Sor--- "
Hindi ko na natuloy 'yung paghingi ko ng tawad kasi biglaan niya tinakpan ang bibig ko.
Nakita kong nginitian niya ako at nawala na 'yung lungkot at luha sa kanyang mga mata.
Mga ilang sandali ang nakalipas, hindi niya pa rin tinatanggal 'yung pagkakahawak sa akin at tinitignan niya pa rin ako sa mata.
Tinaasan ko lang siya ng kilay para malaman niyang dapat na niya tanggalin 'tong pagkakahawak sa akin. Ng makita niya 'yun, agad siyang namula at nang-init. At agad agad niya ring tinanggal 'yung kamay niya sa bibig ko.
Pero, ang nakakapagtaka lamang... Natural na sa mga babae ang pagiging malinis. Pero iba siya, imbis na punasan niya agad ng panyo 'yung kamay niyang dumampi sa aking labi... Ay wala siyang ginawa dito.
" Alex, I'm sorry kung hindi ko agad na-appreciate 'yung ginawa mo. T-thank you very much Alex. I really mean it. "
Lalo pang namula ang mga pisngi n'ya kaya nag-aalala na ako.
" A-alex ayos ka lang? " tanong ko sabay hawak ko sa kanyang balikat. At awtomatiko naman s'ya tumalikod.
Ewan ko, pero parang hindi naman s'ya nakikinig sa akin.
Alex's POV
Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko ngayon. Basta, hindi ko siya maipaliwanag. Naghalo-halo na kasi ang saya at kaba sa loob ko. Parang kinikiliti ako kung saan.
Tumalikod ako kasi ayaw kong makita niya na tuwang tuwa ako. Pati syempre, ayaw na ayaw kong makikita niya 'tong ngiti kong hanggang langit.
" O-ok lang ako.. 'Wag ka na mag-alala " Sa totoo lang, hindi ako okay Brian. At syempre, dahil sa'yo 'yun. Hindi ako makahinga... Tanggalin mo 'yang kamay mo sa balikat ko---No! 'Wag muna... Ipi-feel ko pa..
" A-alex... " Brian please lang... 'Wag mong paulit ulitin 'yung pagtawag sa pangalan ko! Kinikilig ako sa tuwing naririnig ko mula sa malamig mong boses ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
Teen FictionNoong una, simple at masaya lamang ang buhay ni Kaye de Vera, isang simpleng babae na mayro’ng ‘di kaaya-ayang mukha.Tawanan at kulitan kasama ang Bff niya na si Brian. Hanggang sa dumating sa buhay niya si James Ybanez, ang campus hearthrob ng scho...