Heartache 1.3

11 3 1
                                    

Time Setting: Grade 3

Hmmp may feeling ako na ayaw pumasok kasi iyong teacher namin e mama ng classmate ko e kaso sabi sa akin may gusto raw kasi sa akin iyong classmate ko. Feeling ko lang ipupush ako ng teacher ko para sa anak nya. Ang panget ko ba magisip?

Dinidiscuss ni maam iyong parts of eyes e di ko nga matandaan ang specification ng pupil sa cornea ah basta di ko alam kung ano iyong retina at kung anuman. Kaya natatakot ako pagnagtest na baka mazero ko nakakahiya.
"Oh aralin nyo iyan ah kasi may test tayo sa Friday."

"Yes maam."

Lagi namang yes maam kahit na hindi naintindihan e.

"Oh grab your lunch. See you later."

Nagmadali na iyong mga magsisiuwian ng bahay nila para kumain.

"Glyden halika nga muna."

Tawag ako ni maam edi lumapit na ko sa kanya.

"Recite multiplication table 3"

Ito na naman iyong multiplication table e.

"3x6=24"

"3x7=21"

"Ops ops mas malaki na ang times 6 sa 7?"

Saglit naman akong napaisip sa sinabi ni maam.

"Ahy 3x6=18 po pala"

"Okay"

Tae naman kasi e iyong iba kong mga kaklase tapos na maglunch ako kinakabahan pa dahil sa recitation na ito.

"3x9=27"

"3x10=30"

"Kabisaduhin mo multiplication table mo ah."

"Okay po maam"

"Sige kumain kana."

Kain na raw e di kain na.

"Glyden tapos ka na kumain naneng?"

"Opo maam bakit po?"

Ako na naman kasi nakita nya tiyak uutusan nya ko.

"Tawagin mo nga si William sa labas. Papakainin ko kasi sya e. Salamat"

"Okay po."

E alangang tumangi pa ko nakapagpasalamat na si maam. Kaya naman pumunta na ko sa may labas ng room para tawagin sya. Si William pala e bunsong kapatid ni Wilcyn Jhay na syang classmate ko.

"William"

Tawag ko pero hindi nya ata ako naririnig kasi di nya ko pinansin kaya mas lumapit ako ra kanya.

"William"

Pero loko talaga tinignan nya lang ako. Kaya naman mas lumapit pa ako at binuhat sya.

"Kakain ka raw muna sabi ng mama mo."

Hays buti nalang at di sya umapela sa pagbuhat ko sa kanya kasi pag nagkataon mailalaglag ko sya kasi mabigat e.

"Glyden pwede na."

Lol if I know tinutukoy nila e pwede na ako maganak.

"Che, bleeh"

Paglingon ko e nandoon pala si Art kengkoy kahiya hmmp, kaya naman nag lakad nalang ako pabalik sa room.

Katatapos ng lunch break at pawisan na naman ang mga classmate naku buti hindi ako sensitive sa mga amoy kundi kanina pa ko nagreklamo sa amoy pawis nila. Sinasagutan namin iyong Math na nakasulat sa black board. Iyong pinaghihiwalay iyong tens sa hundreds sa thousands ganoon.

"Psst"

Bakit feeling ko ako iyong sinisitsitan ako kasi pinakamalapit sa may pinto e.

"Psst sst oy Glyden"

Hmmp ako nga iyong tawag kaya nilingon ko naman at si ate Mryna pala higher sa amin ng isa. Senenyasan ko naman sya na wait lang kasi baka pagalitan ako ni maam e.

"Oy ano iyon."

Tae nakita pa ni maam sa likod din kasi iyong table nya e.

"Ah maam may pinapabigay lang kay Glyden"

Hala tinaas nya pa talaga iyong pilas ng notebook tss.

"Akin na"

Omygee kinuha ni maam at binasa pa tokwa naman oh pangiti ngiti pa si maam siguro dahil sa kacornihan o sa pangit ng sulat.

"Naku Glyden wala kang mapapala jan."

Wala talaga di ko nga pinapansin iyan e.

"Lumipat ka jan sa harap"

"Doon ka sa may inalisan nya."

Nirerearrange ni maam iyong sitting arrangement at ang nalipat sa likod ko e si Art.

"Paparappapa"

"Love ko to."

Pagpapatuloy ko sa kantang narinig ko mula sa likod ko.

"Hahahahaha"

"Bakit???"

Agad kong tanong dahil sa sabay na pagtawa ng katabi ko at ng katabi ni Art sa may likuran.

"E kasi e hahaha e kasi hahaha"

Tae wala ko naintindihan sa sinabi ni Fatima dahil puro lang sya tawa.

"E kasi tinuluyan mo iyong kanta ni Art."

O_o

O_o

O_o

O_o

O_o

Tokwang malagkit akala ko si Fatima iyong kumanta kaya tinuluyan ko boses babae kasi e. Oist Glyden kalma.

"E akala ko si Fatima e"

Pacool kung sabi saka nilingon iyong mga nasa likod ko. To my surprise nakikitawa rin si Art.

"Laro nalang tayo."

Sabi ni Fatima tsk loka ito e.

"E ano namang laro?"

"Ganto oh."

Pinakita naman nya iyong sa nakasulat sa papel nya which is huhulaan iyong nakasulat parang fill in the blanks movie iyong category. Tas ang bilis magsagot ni Art at Fatima mga movie addict.

"Fatima halika muna neng dalhin mo nga muna ito kay maam Mryna."

"Glyden ihi muna ako ah"

Hala che kaming dalawa nalang. Iyong huhulaan kong word e S _ _ R _ A _ S.

"Ano na Glyden?"

"Ang hirap e wait nalang natin sila."

Ang hirap naman talaga e saka naiilang ako sa kanya.

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon