Heartache 1.2

18 2 0
                                    

Time Setting: Grade 2

"Okay basahin nyo iyan nasa chart."

Hala agad agad naman di man lang muna nag pakilala si maam. Tsk bilang mga masunuring bata e binasa naman na namin iyong nasa chart. Is At Of Off In On Always Seldon mga ganyan lang naman iyong nasa chart.

"Okay good morning class. Im your maam Zenaida Ganuelas and will be your second mama for the whole grade 2 of yours."

Pagtapos naman magsalita ni maam e tumayo kaming lahat.

"Good morning maam."

Nagsign naman iyong kamay nya na umupo na raw kami kaya umupo na kami.

Marami ring nadagdag sa section namin at classmate na namin si Krisha.
*******
Katatapos lang ng recess break namin at halos hinihingal pa ang lahat.

"Lester compose a declarative sentence."

Si Lester e agad namang pumunta sa may black board

'The fruit is given by ucle.'

"Hahaha"

"Bakit?"

Nagtataka naman kaming nilingon ni Lester dahil nga sa tawanan namin. Ngunit wala sa amin ang sumagot kung bakit kami tawa ng tawa kaya ibinalik nya nalang ang tingin nya sa may black board. Kinamot nya naman iyong ulo nya pagkakitang mali iyong spelling nya.

"Hala sorry."

Paumanhin nya dahil mali ang spelling nya.

(A/N: Sa amin po talaga sa Ilocano may other sensitive meaning po kasi iyong ucle.)

"What is the noise all about?"

Kalmado ngunit makapangyarihang sabi ni maam kaya nanahimik na kami agad.

"Wala po maam namali lang ako ng spelling."

Sagot ni Lester kay maam na nasa harap na namin.

"Because he make a mistake you laugh at him. Do you think its a nice way? Children remember you shouldnt laught at mistake instead help the one who commit mistake to make the mistake right. Understand."

Tahimik naman kami na tumango sa pahayag ni maam.

"Class understand?"

"Yes maam."

Sabi nalang namin dahil baka pag tumango nga lang kami e magalit na si maam. May sinabi lang na page si maam at pinabasa amin iyon.

"Okay class lets continue it tomorrow. Go and have your lunch see you later."

Ang gulo ba ng continue it tomorrow at see you later? Ibig sabihin kasi noon continue tomorrow ang lesson for English subject at see you later after lunch naman para sa iba pang subject.
Agad naman nagsitayuan iyong mga kaklase ko dahil kainan na. Ako e lagi namang may baon kaya sa room lang ako. Parang wala naman ako sa mood maglaro kaya naman pagtapos ko kumain e nagigib nalang ako ng tubig na inumin at tubig pang cr nagdilig na din ako kawawa naman iyong mga halaman ang init kasi e. Nilinis ko na rin iyong classroom namin. Hays ewan ang sipag ko ata.

"Ahhck"

"Dahan dahan naneng. Ang sipag mo naman kasi bakit di ka nalang din makipaglaro sa mga classmate mo."

"Okay lang po ako maam."

Tukneneng naman kasi muntikan ko ng halikan iyong sahig namin.

"RIIIINNNNGGGG"

Bell na hmmp. Pumasok na iyong mga pawisan kong classmate. Medyo ewwy sila ah.

"Glyden recite multiplication table 9."

Nak ng iyong pawis ko nagsimula ng maglabasan di ko pa kabisado e iyong tsk.

"Oy Glyden table 9 daw."

"Help ka nalang namin."

Tumayo nalang din ako at halos pabulong ko na na nirecite iyong table 9 shems nakakahiya talaga promise kakaasar. Kung pano ba naman ako nakapagMTAP.

"Oh tapos na?"

"Opo."

Ngime kong sagot.

"Talaga ba?"

"Yes maam."

Buti nalang at inaayos pa ni maam mga gamit nya kaninang narerecite ako kung hindi patay na kasi baka paulitin nya pa ako. So ayon naglesson lang kami ng Math at Makabayan.

"Paano ba iyan wala na tayong klase kaso bawal ko pa kayo palabasin kasi maaga pa."

Tahimik naman kami lahat.

"Kantahan nalang"

Ewan ko kung sino nagsabi noon.

"Oh sige sino una?"

Tahimik na ulit kami dahil walang gustong mauna haha.

"Kami na maam nga."

Sabi namin nila Fatima, Michaella, Krisha, Diane, Daniela. Kinanta namin iyong Glowing Inside ni Nikki Gil kasi naririnig namin iyon sa mga graduating student noong grade one pa kami.

"Oh sinong next?"

"Kami naman"

Mga boys naman iyong next sa amin. Kinanta nila iyong Narda ng Kamikazee.

"Oh wala ng next?"

Parang wala ng may gusto ah hmmp well I have fun naman na.

"Si Art naman "

Tsk asa naman na gagawin nya. May pagkatahimik kasi sya e na iisipin mo na di nya papatulan ang mga ganitong bagay. Pero nagulat ako at tumayo sya at pumunta sa harap.

" Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

[Chorus:]
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik..."

Tae shetmax ewan pero alam ko napasulyap sya sa akin o sa pwesto ko basta. Favorite ko iyong kanta without reason ngayon favorite ko na sya kasi binigyan ako ni Art ng reason para magustuhan ito.

"Hindi ko alam ang gagaling nyo pala mga anak. Palakpakan nyo mga sarili nyo."

Nagpalakpakan naman ang lahat.

"Oh sige maglinis na ang iba, magdilig, magigib,magtanggal ng damo at iyong ibang boys e magbungkal ng lupa."

Pumunta na ang iba sa mga gawain na pinagawa ni maam. Naguunahan pa ang iba sa pagkuha ng timba.

"Magbubunot akong damo."

Malayang pahayag ko dahil ako naman ang naglinis kanina e.

"Kunin nyo na iyong basurahan at itapon na iyan para makauwi na kayo."

Kinuha naman nila iyong dust pan pero in the end ako parin ang nagtapon sa mismong parang landfill kung saan malapit na nagbubungkal ng lupa sila Art.

"Sabihin mo sa mga classmate mo doon e umuwi na sila."

"Okay po."

Gusto ko maayos ako pero cool lang baka kasi mahalata nila na gusto ko si Art.

"Uwi na daw kayo."

Pacool kong sabi at sila naman ay nagmadali na umalis.

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon