Heartache 3: Failed Hope

4 0 0
                                    

Time Setting: High School

Author's Note
Babaguhin ko nalang iyong format ng pagkwekwento. Ill do it na parang message ko sa kanila na parang sila iyong kausap ko.

Jerome,
Alam mo nakakainis ka I get attached with you kasi with ewan ko kung anong reason siguro with your jokes. Hindi e paasa ka pero baka umasa lang talaga ako. Naalala mo ba noong nasa guidance tayo and were eating something napaka mo. When you acted na susubuan mo ako tapos dapat isusubo ko na iyong spoon kaso peste ka pinagtawanan mo ako kasi sineryoso ko iyong act na iyon pahiya ako sa mga boys noon nakakainis ka. Tapos naalala mo pa iyong nagpractice tayo kala Meng? ( Di ko na maalala kung ano ang pinapractice natin e). Di ba masikip sa kanila so noong may dumaan na sasakyan syempre kelangan natin tumabi. Thats the time na you need to be infront of me. So iyong pwesto natin e nakasandal ako sa pader tapos ikaw ay nasa harap ko as in konting konti nalang e chest to chest na tayo tapos kung di ka naman shunga e nilagay mo iyong braso mo sa may bandang leeg ko tae kikiligin na dapat ako e kaso tokwa nasasakal ako sa pwesto natin. After that e aba pinangalandakan mo nanaman sa classmates natin na gustong gusto ko iyong ginawa mo and if I remember it well pinagsisigawan mo pa na kinikilig ako. Pero that same night when I was walking home with Sha she tell me something that a classmate of us like you and is jealous because of our oh so called sweetness.

Kaso alam mo iyon when you ask kung ano ang mafififeel namin if maging kayo ni Sam di ba iyong reply ko noon sayo e "nagseselos ako" I really mean what I say kasi totoo ewan ko why did I feel it pero iyon talaga e. Tapos may isa ka pang text message dati e ang reply ko naman sayo e "gusto mo ba o ginusto mo lang dahil gusto ka nya". Alam ko na its still about Sam its not that Im against your relationship sadyang alam mo iyon shinusure ko lang talaga iyong feelings mo kasi di ba kawawa naman si Sam if you take her for granted kasi alam mong gusto ka nya kaya ginusto mo rin sya e that time kakabasted lang sayo haha poor you.

Remember the title I gave you "Best Bwiset of My Life." Your a heart ache but not in a romantic way. Yes maybe I like you siguro na hindi ah basta magulo. Pero heart ache ka kasi sobrang napapahiya talaga ako sa mga acts mo e kasi ang gagang ako nagpapaniwala naman sa mga pinaggagawa mo. Pero ano e ang nakatatak kasi sa utak ko pag pinapatulan ko ang mga acting mo e "sasakyan ko trip mo" pero ang gago mo pinapahiya mo ako.


























"Dont let yourself believe in the saying JOKES ARE HALF MEANT because if you did youll end up crying instead of laughing in jokes."

Pero alam mo kahit ganoon umasa ako na iyong joke sweet acts mo e half meant. Ang gaga ko kasi e para paniwalain ko ang sarili ko sa mga pantitrip mo. Kaya iyon ilang beses ako napahiya. Tas feeling ko ang unfair mo pag iba kasi nanghihingi sayo e ang bilis mo mag bigay pero pag ako kahit piso lang hinihingi ko ang sagot mo "wala na akong barya" o di kaya naman ay "ubos na pera ko." Nakakahiya kaya lalo na pag may nakarinig feeling ko e rejected ako peste.

Jerome your a heart ache but not in a romantic way ah wag ka naman assuming alam mo iyon. You always say na ang gwapo mo aba edi gow paniwalain mo sarili mo. Yabang mo pero you will always be my Best Bwisit in My Life. You made my high school life fun and you never miss to greet me on my birthday thanks for that. Ikaw alam mo kung paano ako kiligin ah kinantahan mo ako ng Forevermore. The first time I heard it from you is noong birthday ni Ellenoise noong 4th year tayo. I told you pa nga ang husky ng boses mo e ang shunga mo naman tumigil ka kala mo nilalait ko boses mo.

Thanks Jerome take care bwisit bleeh. Im over you. Gumwapo ka lang sa paningin ko noong nagtatatalon ka sa dance step ng dance revo for teachers day. Tapos pala iyong nilibre mo sa akin na Chocho iyong plastic nya nakatago kasi iyon lang iyong libreng natanggap ko sa iyo e. Ang kuripot mo kasi.

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon