CHAPTER TWO

87 3 0
                                    

PAGKATAPOS makapananghalian ay inihatid na si Gela ni Rohann sa silid na sadyang inilaan ng binata para sa kanya kapag pumupunta siya roon. Bigla ay nakaramdam siya ng pagod nang makita ang malambot na kama. Marahan siyang nahiga roon at ipinikit ang mga mata habang pinakikinggan ang mabining paghampas ng alon sa dalampasigan.

Bata pa lang ay may kakaibang pang-akit na sa kanya ang dagat. Musika para sa kanya ang bawat daluyong ng mga alon. Ang uri ay depende sa kalagayan ng dagat. Kapag tahimik ang dagat ay para iyong malamyos na lullaby tulad ng naririnig niya ngayon. Kapag masungit ang panahon, inihahalintulad niya iyon sa malalakas na tunog ng mga tambol.

Gela dreamt of having a home near the sea. Pangarap na nagkatotoo nang makabili ng bahay-bakasyunan ang kanyang mga magulang sa Isla Antonina mula sa naipong kita ng maliit nilang farm.

She was twelve years old nang isama siya ng mga magulang sa Isla Antonina para tingnan ang bahay na nabili ng kanyang ama. Ang Isla Antonina ay matatagpuan malapit sa bayan ng Mabini. Kulang isang oras mula sa mainland ang gugulin sakay ng bangkang de motor bago makarating sa isla.

Malapit sa Isla Antonina ay isa pang mas maliit na isla na pinagdurugtong ng isang sandbar. Kung mababa ang tubig,na karaniwan pagsapit ng alas-nuwebe hanggang alas-tres ng hapon, ay pwedeng dumaan sa sandbar para makatawid sa magkabilang isla.

Makapananghalian noon ay nagpaalam si Gelasa mga magulang na maglilibot sa paligid ng bahay. Parang panaginip na nagkatotoo na mayroon na silang bahay malapit sa dagat. Sobrang saya at excited na nagtatakbo siya sa dalampasigan at nakipaghabulan sa mga alon. Sabik na paroo't parito siya sa pampang habang namumulot ng maliliit na bato at shell na ilalagay niya sa aquarium sa bahay nila sa Nasugbu. Sa labis na pagkawili ay nakalayo siya sa bahay hanggang makarating sa isang sandbar. Sa kabilang dulo ay nakatanaw siya ng isa pang isla at dala ng kuryosidad ay tumawid siya sa sandbar.

Pagdating sa kabilang dulo ay kaagad nakaagaw sa pansin ni Gela ang makukulay na bato sa dalampasigan. Pinulot niya iyon hanggang sa nakalayo na siya mula sa sandbar. Mayamaya pa ay may paisa-isang patak ng ulan ang tumama sa kanya. Tumingala siya sa langit at nakitang kalat na ang dilim. Mabilis na nagtatakbo siya pabalik. Sinagihan siya ng takot nang makitang nakalubog na sa tubig ang sandbar na aabot sa kanyang tuhod. Naalala niya ang mga magulang. Siguradong hinahanap na siya ng mga ito samantalang siya ay nasa isang lugar na hindi niya kabisado. Sa takot na tuluyang hindi makaalis doon ay lakas loob na humakbang siya patungo sa sandbar. Susubukan niyang makatawid bago tuluyang lumakas ang ulan at lumaki ang alon.

Malapit na si Gela sa gitna ng sandbar nang isang malaking alon ang humampas at tumangay sa kanya sa mismong dagat. Nagkakawag siya at sinubukang lumangoy subalit malalaki na ang alon kaya nahirapan na siya. Sumigaw siya ng saklolo, nagbabaka-sakaling may tutulong sa kanya. Patuloy siya sa paglaban sa alon habang sumisigaw nang makarinig ng tinig na sumasabay sa buhos ng ulan.

"Nasaan ka?" anang tinig ng lalaki."Keep shouting," utos pa nito.

Natanaw ni Gela ang isang lalaki ilang dipa ang layo na nagpapalinga-linga. Nang magawi ang tingin nito sakanyang direksyon ay itinaas niya ang isang kamay subalit hindi yata siya nakita ng lalaki. Tumalikod ito at lumangoy papalayo sa kanya. Dumating ang isa pang malakas na alon at nalubog siya sa tubig. Pinilit niyang umahon at hinanap ang lalaki ngunit hindi niya ito makita. Natatakot na talaga siya. Palakas na nang palakas ang ulan at tumataas pang lalo ang alon. Nanghihina na rin siya kakalangoy. Nang makita ni Gela ang malaking alon na paparating ay tuluyan na siyang napuno ng takot at nawalan ng pag-asa. Bago sumalpok ang alon sa kanya ay nagawa niyang sumigaw ng saklolo sa huling pagkakataon. Pagkatapos noonpakiramdam niya ay bumulusok siya sa kadiliman.

Nang balikan si Gela ng malay ay nasa pampang na siya at inilalabas ang tubig-dagat na nainom.

"Are you allright?" nag-aalalang tanong ng lalaking nakayuko sa kanya. Hindi niya masabing sa kanya ito nakatingin dahil lampasan ang tingin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love In The Dark (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon