Avy's P.O.V
Pag pasok ko sa university nakita ko agad yung nakapaskil sa bulletin board patay yung picture namin ni nerd este ni babybear na naghahalikan sinong nakakita non?
may narinig akong nag sisigawan dun sa gym. Pagpasok na pag pasok ko sa gym nakita ko agad yung pag sampal nung lalaking pangahas dun sa babybear ko. Walang may karapatan gumawa nun sa babybear ko. Nakita ko naman si kulot na nakikipag sapakan dun sa tatlong lalaki kaya lumapit agad ako dun sa lalaking nanampal sa baby bear ko at hinampas siya ng dala kong gitara at tinadyakan yung babaeng katabi niya, kaya nahulog to mismo sa pool agad naman natumba yung lalaking hinampas ko ng gitara pero hindi ko padin tinitigilan yung lalaking yun nag sisigaw na din yung babaeng nahulog sa pool.
"tama na~"nag sisisigaw yung babaeng ang aga aga nag lalangoy sa pool
biglang may humawak sa bewang ko at inawat ako sa ginagawa ko
"hooker tama na baka mapatay mo yan." awat sakin ni kulot na nakahawak sa bewang ko hindi ko naman siya pinansin at siniko ko siya sa mukha at akmang hahampasin ko ulit ng gitara yung lalaking yun ng biglang may yumakap sakin.
"polarbear tama na." bulong sakin ni babybear habang umiiyak
"binitawan ko naman yung gitara at niyakap siya ok kalang ba ha." tanong ko sa kanya at hinarap yung mukha niya sa harap ko nakita kong may dugo yung kaliwang gilid ng labi niya sa sobrang lakas siguro ng sampal ng lalaking yun sa babybear ko sinamaan ko naman ng tingin yung lalaki. Mag sasalita pa sana ako biglang nagulat ako sa lakas ng sigaw ng isang babae sa pinto ng gym.
"anong nangyayari dito ha!!!" sigaw ni lianne
agad naman akong nag tago sa likod ni babybear.
"ALL OF YOU GO TO MY OFFICE NOW!!!" ma awtoridad na sabi ni lianne
SA OFFICE
Nasa office lahat kami kaming tatlo ni babybear at kulot ang nakaupo sa sofa at yung blondie na girl na trixie daw ang name tas yung lalaki na kasama nung trixie at yung tatlong lalaki nasalikod namin
"hey wala ba kayong balak na pa upuin kami?"sabi nung trixie
"ayoko nga bakit ka namin papaupuin dudumihan mo pa tong sofa oh tsaka yuck mahiya ka nga basang basa ka." mataray kong sabi dito
mag sasalita pa sana siya ng biglang mag salita si lianne
"SHUT UP BOTH OF YOU GUYS!!"sigaw ni lianne
at heto nakatago nanaman ako sa likod ni babybear bat ba kasi ang hilig hilig mang gulat netong si lianne.
humarap naman sakin si lianne.
"ano to Avy? bat my ganyang litrato na kumakalat dito sa campus." tanong sakin ni lianne