The 20-years-old Gabo and Trese...
"Okay, class dismissed. Huwag niyong kalimutan ang deadline ng plates niyo! Kung ayaw niyo magka-minus points." Then our professor leaves the room.
Pagka-alis na pagka-alis niya ay umingay ang buong klase.
"May meeting bukas ng umaga ang buong second year! Umaattend kayo. Pati ang officers' ng overall na nandito sa klase ko pumunta naman." Paalala ni class rep na mukhang stress nanaman dahil sa amin.
"Nagmamadali ka?" Kaye asked me.
"Obvious ba?" Sagot ko habang nagmamadaling magligpit ng gamit ko.
It is our last class today, and to be honest, hindi na ako umasa na mamawalan kami ng plate kahit isang araw lang.
Who would have thought na mairaraos ko ang first year ko na hindi ako naging anemic? Kailangan pala kapag nag-archi ka papakagat ka kay Dracula or di kaya pag-bet mo naman pogi edi go ka kay Edward ng Twilight basta ang goal maging bampira ka!
Para keri mo ang gising magdamag!
"Hoy, Trese, saan ang punta mo?" Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Cash. "Class rep natakas yung vice president ng overall officers ng second-"
Bago pa siya tuluyang makasigaw ay pinakain nanamin siya ni Kaye ng papel at pina-upo sa upuan.
"Ang sarap mo talaga itapon madalas eh." Nayayamot na turo ko sa kanya.
"Bakit pati ikaw katulong?" Masama ang loob na tanong ni Cash kay Kaye.
"Kakarindi ka ba naman par." Sarkastikong sagot ni Kaye sa kaibigan.
Hindi ko na muna sila pinansin at nagmamadali ng nag-ayos ng gamit.
"Shocks alam kong graded na yang plate mo... pero handle it with care! Sayang ang ganda." Paalala ni Kaye, at doon ko lang napansin na basta ko, nga lang nilabit ang plate ko.
"Nagusot na siya!" Natatarantang sabi ko.
"Dito mo kasi ilagay." Binato sa akin ni Kaye, ang tube ko na dala ko nga pala.
"Salamat." Tinulungan na niya, kasi akong mag-rolyo ng mga papel ko. "Aalis na talaga ako ha." Paalam ko sa kanya.
"Tss akala ko pa naman kakain tayo ngayon sa labas."
"Babawi na lang ako bukas ha. Kailangan ko na talaga umuwi." Paghingi ko sa kanya ng pasensya. "Tiyagain mo na muna si Cash, harmless yan. Yan lang ang asong nag-aaral sa buong mundo."
Sumimangot naman si Cash at masama ang iginawad na tingin sa aming dalawa ni Kaye.
"Hindi mag-isa ka lang ngayon. Nagpapasama sa akin si Alaska today." Cash said then he stands up and leaves before we can even ask questions.
Huh? Ako lang ba o lately lagi silang magkasama.
"Alis na ako ha!" Paalam ko ulit.
"Oo na, oo na. Alam ko namang tatawag ka lang kay Gabo eh." She said it while teasing, nag-kibit balikat lang ako sa kanya. Totoo naman kasing tatawag ako kay Gabo ngayon.
--
"Pre tapos na ang shift ko." Dali dali kong hinubad ang apron na sinuot ko at inayos ang natitira kong kalat sa harap ng coffee maker. "Ikaw na bahala dito." Tapik ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
How to be in the Same Page With You
RomanceBooks have different pages and carries different kinds of stories, and the question here is, what kind of story do we have? What page are we on? Tell me how to be in the same page with you? TRESE x GABO