Can I freeze this moment? Being wrapped in Jago's comforting and warm hug feels so good. I don't want to let go because it gives me a sense of security and assurance. It's like he is telling me that everything's okay.
As I was about to tell him how I missed him, Jago let go. Sa sobrang gulat ay hindi ako agad nakapag-react. Hindi ko rin namalayan na pinunasan na pala nya ang mga luha ko. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko sa bawat pagdampi ng mga daliri ni Jago sa pisngi ko.
"Sorry." Mahina kong sabi bago dahan-dahan na humarap.
Napapikit na lang ako sa nangyari. Napa-isip ako sa posibleng mangyari kung nagtagal pa ng kahit isang segundo lang ang pagyayakapan namin. I might've confessed him if ever. I might've told him how I still love him despite the pain his family has inflicted me.
"You were good." Rinig kong sabi nya kaya nilingon ko sya. Again, I saw another proud smile which caused my eyes to sting with tears again.
"I knew you can do it." Dagdag pa nya kaya mabilis akong umiwas ng tingin dahil naiiyak na naman ako. "I know this might cross the line but I just want you to know that your family are also proud of you for surpassing this obstacle."
Agad na bumalik sa kanya ang tingin ko. Parang binuksan na gripo ang pag-agos ng mga luha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-hikbi pero wala. I still cried like how I cried to him on my 18th birthday. I cried out all the pain inside my heart.
"Are they?" Tanong ko na parang isang batang naliligaw. Tumango sya kasabay ng pagpunas ng mga luha ko.
"Hindi ko man sila nakilala, alam kong mabuti silang tao. I know that they are proud of you, for staying alive and for living." He cupped my face and looked at me in the eyes.
Lalo lang akong naiyak. Ngumiti si Jago, 'yung ngiting binibigay nya na nakakapagbigay sa akin ng sobra-sobrang pag-asa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya. Niyakap ko sya na para bang napakatagal na panahon bago kami nagkita muli.
"Do you want to meet them?" Umiiyak kong tanong bago dahan-dagan na humiwalay sa kanya.
Bahagya syang nagulat pero agad ding nakabawi. Pinunasan ko ang mga luha ko pero kumakabog pa rin ang dibdib ko. Somehow, I'm not afraid anymore to cry in front of Jago. I don't even feel that he pities me whenever he looks at me. He makes me feel at ease.
"I'll introduce you to them. They deserve to meet the person who made me realize how good it is to live."
Dahan-dahan na sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ni Jago. Hindi sya sumagot bagkus ay niyakap lang nya ako ng mahigpit. Napapikit na lang ako dahil dito.
I may regret this decision of mine later but I feel like I deserve this ounce of happiness for once.
Tinulungan ako ni Jago na iakyat si Jenny sa unit ko. Gusto ko syang yayain na sa magstay na lang din kasama namin pero tinablan ako ng hiya. After what happened in the car, I'm still in daze.
Mabuti na lang at nagpasundo sya sa mga PSG nya kaya kahit paano ay napanatag ako na makaka-uwi sya nang ligtas. Pero ako ang hindi nakaligtas na mahulog sa malalim na pag-iisip.
Hindi ko maiwasan na isipin kung ano kaya ang mga posibleng mangyari kung sakaling bibigay ako. Tututulan ba kami ng pamilya nya? Kaya ko bang harapin ang pamilya nya kung sakali? Mapapantayan ko ba ang pagmamahal na binibigay nya sa akin?
Inis na lang akong napa-ungol dahil kahit saang anggulo ko tignan ang sitwasyon namin ay maiipit lang si Jago. It will be unfair to him and I don't want that. Jago needs to be loved as much as he loves. He deserves that.
BINABASA MO ANG
SLOTH | SDS Present ✔️ (TO BE EDITED)
Aktuelle LiteraturSloth is the lack of any feeling about self or other, a mind-state that gives rise to boredom, rancor, apathy, and a passive inert or sluggish mentation. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroug...