Chapter 31

328 11 0
                                    

I hoped that I would wake up in hell but the familiar smell of chemicals told me that I am still alive. Everytime I open my eyes after I thought I would die, I get my hopes up that finally, death has seized me but it fails like always.

I looked around and froze when I saw Jago sitting beside the bed, watching me with a blank expression. My heart skipped a beat and I hoped no machine is attached to me or else, he'll notice how my heart beats for him.

Before I could ask what happened, he stood and left the room without a sound. Mabuti na rin siguro iyon. Hindi nga pala nya ako pinapansin. At baka nagmagandang loob lang sya para bantayan ako. Gayunpaman, nagwawala pa rin ang puso ko.

Bumuntong-hininga ako bago tinignan ang katawan ko. Nakasuot ako ng kulay dilaw na patient gown kaya naman tumingkad ang mga iilan kong pasa sa braso. Bahagya ring masakit ang katawan at ulo ko pero tolerable naman ito. Tumingin ako sa orasan at nakitang pasado alas dos na kaya tumingin ako sa labas. Madaling araw na. Binantayan ba ako ni Jago magmula kanina?

Kinilabutan ako sa naisip pero hindi ko maiwasan na kiligin. Mabilis naman akong umiling para mabura ang nararamdaman. Agad naman akong tumuwid ng upo ng pumasok si Jago at ang doktor. May kasunod rin silang dalawang pulis kaya napalunok ako.

Hindi ako lumingon sa kanya sa takot na mapansin nya ang nararamdaman ko. Lalo naman akong kinabahan ng icheck ng doktor ang vital signs ko.

"Normal naman ang lahat except sa pulse rate. Dulot lang ito ng stress at anxiety dahil sa nangyari pero bukod doon wala na kayong dapat ipag-alala. Gaya ng sabi ko kanina, she just experienced mild injuries so she will be fine in a few days. Just make sure she drinks the medications I prescribed." Ngumiti sa akin ang doktor bago sya nagpaalam.

"Magandang gabi, Miss." Napatingin ako sa nagsalitang pulis. Mahina ko naman syang binati pabalik.

"May iilan lang kaming katanungan tungkol sa nangyari kanina." Tumango naman ako.

"Maaari mo bang ilahad sa amin kung paano ka ginawang hostage ng suspek?"

Pasimple akong lumunok. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan gayong wala naman akong masamang ginawa. Masamang binabalak, oo pero hindi naman iyon kay Jago. But his stare is making me feel guilty as of being held hostage was my fault. Maybe it was because if I didn't plan on escaping, that man couldn't have used me as a hostage.

Nevertheless, I told the police what happened. That I was planning to go home because I feel sick when the man ambushed me and forced me to give Jago the bag. And when I didn't agree, he pulled me to the stage and the rest is history.

I don't know if I sound convincing because Jago and the police were too serious. Pilit kong kinalma ang puso ko nang hindi nila mapansin na kinakabahan ako.

"Kilala mo ba ng personal si Tomas Pinili?" Umiling ako.

"I think that's enough. She needs to rest." Putol ni Jago sa pag-uusap. Napatingin naman ako sa kanya at pakiramdam ko ay gusto nyang patayin ang pulis sa sobrang seryoso ng pagkakatitig nya sa kanya.

Walang nagawa ang pulis kundi magpaalam at umalis. Nanatili naman akong nakatingin sa labas dahil natatakot akong salubungin ang mga mata ni Jago. Somehow, I am scared of him right now.

Tanging tunog lang ng aircon at ang relo ang maririnig sa buong kwarto. I remember the moment earlier before the bomb went off. I closed my eyes to erase the memory. I don't want another bad memory to haunt me down.

"Drink this." Tinignan ko si Jago at nasa gilid na sya ng kama habang may hawak ng baso ng tubig.

"Anong nangyari?" I asked instead.

SLOTH | SDS Present ✔️ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon