Chapter 10

1.6K 63 5
                                    

"Casper!" Ang ingay.

"Bakit?" Bored na ako. Uwing-uwi na rin.

"Tawag ka." Ni? "Prof. Colombo."

"Bakit daw?" Nandito kasi kami sa field kasi ewan ko bakit kami nandito. Sabi ay pumunta daw kami dito eh.

"Kaya ka nga tinawag kasi sayo sasabihin kung bakit. Ikaw nalang mag chika sa amin later." Mga walang hiya.

"Ayon siya oh." Turo ni Tonet sa kalayuan. Ang layo niya naman. "Lakad na, kanina ka pa tinatawag hindi ka nakikinig."

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga, tiniklop ko yung manila paper na gagamitin daw namin pero ginawa ko lang banig.

"Bakit to nagusot!" Ngumiti naman ako. "Casper!"

"Si Jestoni sa part na may gusot ha." At naglakad na nga papunta sa gawi ni Binibining Seri. Ganda naman this woman.

"It took you ages to come here, gosh." Napakamot naman ako sa kilay ko. Kanina ko pa talaga napapansin presensya niya pero kasi malapit naman kami sa building ng med kaya siguro ganon.

"Good afternoon, Miss. Bakit po?" May mga chismoso kasi sa may hindi kalayuan. Mabuti nalang mahina lang yung pagkakasabi niya kanina, madiin nga lang pero soft pa rin naman.

"Here." Kinuha ko naman yung brown envelope na binigay niya. Napanguso ako pagka kita ko sa nasa loob.

"Ayaw ko." Duh.

"Straightforward, I like that." Because she herself is one too. "But I am not accepting that kind of answer."

"Miss, ayaw ko. Iba nalang, please." Anong gagawin ko doon? Tutunganga?

"Okay." Nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti. "Find someone that will replace you."

"Miss." Tumaas lang ang kilay niya. Laglag balikat ang ferson.

"That's it, you or find someone." At iniwan na nga ako dito.

Kanina bored ako, ngayon bothered na. Nawala na rin yung antok ko kasi biglang tumalon ang mga neurons ko. Grabe.

"Crushy ko, mukha kang may sayad." Napanguso ako. "Waaah!"

"Aray ko. Fetty, baba." Maka lambitin naman to akala mo naman ang gaan niya.

"Ang cute mo, crush." Walang hiya, ginawa niya akong aso sa lagay namin ngayon. "Jowain mo naman ako oh."

Yung mga kaklase namin ay talagang napailing nalang pero ang iba ay natatawa. Sa lower years ko napapansin ko na mga tinginan nitong babaeng to sa akin eh pero hindi ako assuming pero ngayong fourth year na kami ay dito na talaga naging open sa pagkakaroon niya daw ng crush sa akin.

Pero in all fairness, sa lahat ng mga taon na lulubog at lilitaw ako ay hindi ko aakalain na kilala pala ako ni Seri...maybe she fell first? But she made me fell harder.

"Diba marami ka friends?" Nakangiting tanong ko kaya naningkit ang mata niya bago bumaba sa pagkakalambitin sa akin.

"Ayaw ko." Napanguso ako ulit. Wala pa nga eh. "Sige na nga. Ano ba yon?"

"Tulongan mo ako." At binigay yung envelope sa kanya. Friendly kasi si Fetty eh, matalino din naman kaya marami siyang friends from other sections and other departments as well. Secretary kaya to ng Student Council.

"Sasali ka sa quiz bee?!" Agad ko naman tinakpan ang bunganga niya, malinis naman kamay ko eh. "Bango ng kamay mo." Iw.

"Shhh, huwag ka maingay." Mahinang saad ko. "Hindi ko gusto, ikaw nalang."

Tainted VocationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon