// 23. No Fear

5.2K 52 4
                                    

Carlas's POV

Hindi ko kinibo si Dennis pero ano pa ba ang magagawa ko? Ni hindi ako nagalit sa kaniya? Hanggang maka-uwi kami. I thought after he did awhile ago, he will do it again but he did not do. Kampante lang siyang nagmamaneho kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong matanggal ang awkwardness namin at bumalik kami sa umpisa dahil alam ko naman na lasing lang siya kaya niya nagawa ang lahat pero ngayon hindi siya lasing. Alam kong matinong lalake siya kaya natatakot ako.

Hindi ako nagrereply sa text ni Jhen. Tamad na tamad ako. Hindi ako lumalabas ng kwarto dahil nag fry lang ako ng hotdogs at patties kaya madali akong natapos. Paborito naman ng mga bata ang pang breakfast na pagkain. Nakatingin lang ako sa relo hanggang sumapit ang 10:30 am. Susundo na kami. Araw ng Lunes ngayon. Ganito pa ang nararamdaman ko. Parang gusto kong si Dennis na lang ang papuntahin ko sa school. Tinatamad akong bumangon. Hindi na ako pwedeng magpanggap kay Dennis at mag sungit dahil alam na niya na gusto ko din ang lahat. Lalo namang ayokong mag-isip siya na galit ako sa kaniya, baka magresign. Maigi na 'yung ganito pero paano ako magsisimulang pakisamahan siya?

Lumabas ako dala ang bag ko tapos napansin niya ako na dumating kaya 'yung binabasa niyang dyaryo ay tinupi niya at nilapag sa lamesa. Dumiretso agad siya sa kotse. Nang nakasakay na kami sa kotse at umaandar na, hindi ako nagsasalita.

"I'm sorry!" Eventually he muttered it but I wonder why he said that? Why he said sorry even obviously hindi naman ako tutol sa ginawa niya kanina. I think alam niya na gusto ko man ang ginawa niya, may nagtatalo sa isip ko at alam niya 'yun.

"Nevermind me. I'm just--"

"Nagawa na natin at kasalanan ko. Sorry kung hindi ko naawat pa ang sarili ko."

"I'm not in a good mood right now." tumingin ako sa kaniya.

Bakit hindi ko nagustuhan ang pag sosorry niya? Kailangan ko pa bang ipaalam na kaya ako nagkakaganito dahil nagustuhan ko ang lahat?! Gusto kong gawin niya uli ang ginawa niya kanina sa parking lot? I know hindi ko gustong pagtaksilan si Kurt pero iba ang gusto ng katawan ko. Hindi kaya ng isip kong awatin ang katawan ko. Pag hindi nagtake advantage sa'kin si Dennis, tapos na ang lahat pero dapat 'yun ang gusto kong mangyari dahil 'yun ang dapat. Pero.... Pero bakit pinagdadasal ko parin na magtake advantage siya sa'kin? Katawan ko lang ba talaga ang may gusto?

"Hindi ko naman talaga..." tinapik niya ang kambyo at umiling. "Hindi ko talaga.... Gusto ko pala." ang gulo, hindi ko maintindihan.

Nakacrosshands ako at nakatingin sa kaniya. Ayokong sabihin sa kaniya ang dapat niyang gawin dahil ang gusto kong gawin niya ay 'yung hindi dapat gawin.

"Kung ano man 'yan, ayokong mahalata ng tao 'yan. Ayokong mag-isip sila ng tungkol sa'tin kaya alisin mo 'yang guiltiness mo. Kumilos ka ng normal mamaya sa harap ni Erich. Malaking gulo ang pinasok natin."

Ang ganda ng payo ko. Parang tinuruan ko pa siyang magsinungaling sa tao pero hindi ako nag-advice sa kaniya itigil na niya ang lahat dahil may girlfriend siyang masasaktan at ako naman ay may asawa. Mas lugi ako dahil pwede pa siyang patawarin ni Jhen pero si Kurt, malamang hihiwalayan niya ako. Noon naisip ko pag nakakarinig ako ng balita na nangaliwa ang babae. Lagi kong sinasabi. "Hindi ba nila naisip ang mangyayari kung malaman ng asawa nila? Ang tanga nila ah. Dapat tiniis na lang nila kaysa masira pa ang pamilya nila. Lugi siya dahil babae siya. 'Yung lalake masaya na pero siya iniwan na ng asawa."

Alam ko na ang kinalalabasan nito pero bakit ang hirap lumayo sa tukso?

"Tito Dennis!" sigaw ni Karyl pag dating namin sa school habang nagtuturo pa ang teacher. May 10 minutes pa kasi at hindi pa tapos ang klase.

Malapit si Karyl kay Dennis dahil hindi mapakisamahan ni Kurt si Karyl sa hilig nito. Palibhasa medyo bagets mag isip si Dennis. Alam na alam niya kung papaano pasasayahin si Karyl. Minsan kasi sinasamahan niyang maglaro sa internet si Karyl ng mga pangbabaeng laro like, 'yung mga babaeng binibihisan na kamukha ni Barbie. Walang tyaga si Kurt sa ganun dahil busy. Isa 'to sa gusto ni Kurt kaya si Dennis ang pinili niya. Paano kung magresign si Dennis? Paano kung bigla niya akong yayain mamayang gabi sa bahay niya? I'm sure papayag talaga ako. Miski sa sarili ko, ayokong magpaka plastik. Bakit pumapasok sa isip ko na sana hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya? Kung gagawa man kami ng kalokohan, I'll make sure na hindi kami magpapahuli.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon