All Saint's Day, 2 weeks maybe bago ako maka-ud uli. Sorry sa mga naghihintay. Malapit nang matapos.
Dennis' POV
Nagtext sakin si Carla na kausapin si sir Kurt. Ayaw naman niyang magresign ako pero 'yun na lang ang tanging paraan para maitigil na ang lahat. Sa sobrang ganda ni Carla parang bigla akong napraning. Dapat pala pinigilan ko na lang ang sarili ko. Marami pa lang mangyayari at nagbulagbulagan ako.
"I'm sorry, Carla." sabi ko habang pauwi kami matapos naming ihatid ang mga bata. Ito ang oras para makapag-usap kami ng seryoso.
"Kasalanan ko din naman."
"Ewan. Ako ang dapat sisihin sa lahat." tumingin siya sa'kin.
"No, ako ang dapat sisihin. Normal na sa lalake ang magkagusto sa babae. Normal na sa inyo kahit may girlfriend pa kayo. Alam ko 'yan dahil may mga kaibigan din naman akong lalake. Walang mawawala sa inyo. Kayo 'yung tipong hindi tatanggi sa isang babae dahil bakla na lang ang gagawa nun. Pero dahil sa'kin, nahalata mong pwede mo akong makuha."
"Pero dapat inisip ko muna na may asawa ka bago ako nagtake advantage."
"Ginawa mo 'yun dahil lasing ka. Ako ang matino. Maybe kung ayaw ko, matagal na kitang tinanggal sa trabaho."
"Wag mo nang sisihin ang sarili mo."
"Hindi naman sa ganun. Masyado lang akong nagpadala sa tukso."
"Mamaya, kakausapin ko na si sir. Ang totoo, may trabaho naman akong mapapasukan."
Hindi na siya nagsalita hanggang makauwi kami. Wala na akong ginawa dahil kailangan ko na talagang magresign para hindi na lumaki pa ang gulo. Alam na ni Rony ang lahat at kung gagatungan pa, malamang baka umabot pa ito kung saan-saan. Kailangan niyang manahimik. Napag-usapan na namin ni Jhen ang pagreresign ko. Anytime naman na pwede akong magresign kung gusto ko. Payag naman siya.
Kausap ko siya ngayon matapos kong magresign. Dinalaw niya ako sa inuupahan ko.
"Ano na ang balita?" tanong niya.
"Okay na."
"Nagresign ka na?"
"Oo."
"Maigi na nga 'yun para wala nang gumugulo sa isip ko."
"Ano naman ang dapat na gumulo sa isip mo?"
"Wala naman," nilapag niya ang mga pagkain na binili niya para sa'kin. Namiss ko 'tong ganito. 'Yung kasama ko siya at kumakain kami. Hindi na namin nagawa mula nang magkaroon kami ng relasyon ni Carla. "Kumain ka muna. Baka kasi dahil diyan sa trabaho mo kaya lagi kang nanlalambot. Bihira na tayo maglabing labing." yumakap siya sa'kin at hinalikan ako.
"Gusto ko nang magsama tayo."
"Kahit ako. Oras na maipasok kita ng trabaho, kukuha tayo ng apartment para sa atin." ngumiti lang ako. Masaya pero may halong pangungunsensya.
Ganito pala ang pakiramdam ng gumawa ng kalokohan. Hindi parin masaya sa kabila ng lahat. Hindi lang kasi si Jhen ang naisip ko, naisip ko din si sir. Ang bait niya sa'kin pero nagtraydor ako sa kaniya. Ayaw niyang magresign ako sa sobrang gustong gusto niya ako pero pinalitan ko pa ng kasamaan. Sana mawala din itong nararamdaman ko.
Kinabukasan, kasama ko si Rony sa isang kwarto. Hindi ito alam ni Jhen. Kaysa magkagulo, pumayag na akong makipagkita kay sa kaniya. Baka totohanin niya ang banta.
"Alam mo? Hindi ako makapaniwala kay Carla na magagawa niya ang lahat ng 'yan." sabi ni Rony matapos magsindi ng sigarilyo. Pareho kaming nakahubad sa iisang kama.
"Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit ko siya pinatulan."
"Nope, hindi na ako nagtaka sa'yo. Sa kaniya lang. Masama siyang babae."
Nilingon ko siya.
"Sa tingin ko natukso lang siya."
"It is not what I mean, ako lagi akong broken heart. I never experience na maging masaya. I'm bad and bitch. Pala mura but never kong ginawa ang manloko."
"Isa lang ang hiling ko ah. Sana wag mo nang ipagkalat pa ang nangyari. Please."
"As I said, I'm bad and bitch." tinaasan niya ako ng kilay. "Maybe, madaling masolusyunan ang problema mo. Bakit ka pa nangangamba?"
"Ang akin lang, ayoko nang malaman pa ng iba dahil ayokong malaman pa ni sir ang lahat."
"Kasalanan mo 'yan. Minsan mas maigi pang mababa ang tingin sa'yo ng tao kaysa gagawa ka ng krimen." tumayo siya at sumilip sa bintana. "Hindi ako galit before kay Carla dahil kaibigan ko siya, pero nag-iba ang lahat dahil masama siya."
"Pero hindi naman ikaw ang naagrabyado dito ah. Magkaibigan kayo kaya sana huwag mo na siyang ilagay sa alanganin."
"Bakit ba may mga taong manlokoko?"
"Nabiktima ka ba?"
"Yes I was. So, I'm mad at her."
"Matatapos din 'to," nagbihis ako. "Aalis na ako. Sana ito na ang huli at huwag mo nang paguluhin pa. May mga bagay na kailangang pinapalampas na lang." hindi na siya kumibo.
Sana pumasok sa isip niya ang sinabi ko. Nangangamba parin ako kahit papaano.
Hapon pa lang. Wala pa akong trabaho kaya maghapon akong nasa bahay lang nang tumawag si sir. Ano kaya ang sasabihin niya? Mula nang gumawa ako ng kasalanan sa kaniya, lagi akong kinakabahan pag nakakausap ko siya.
"Hello." sinabi ko agad.
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Pwede ka bang makausap ng personal?"
"Bakit sir?" kinakabahan talaga ako.
"Wala lang, may itatanong lang ako. Gusto kong maging tapat ka sa'kin this time. Sana huwag mo akong lokohin. May gusto lang akong linawin."
"Tu-tungkol saan?"
"Kung wala ka namang tinatago sa'kin, siguro naman papayag ka?"
"Sige sir. Saan po ba?"
"Pupuntahan na lang kita diyan. Pwede ba?"
"Ikaw po bahala."
Binaba niya ang phone. Ano ang gagawin ko? Sinapo ko ang mukha ko. Mukhang may alam na yata si sir. Haharapin ko ba o tataguan ko. Oras na hindi ko siya harapin, halatang may tinatago ako sa kaniya. Hindi ko alam ang pakiramdam ng natraydor pero ang pagkakaalam ko, may mga lalaking pumapatay ng tao dahil diyan.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]
RomanceIt contains scene and language not suitable for young readers.