Dennis' POV
Natutulog ako nang makarinig ako ng ingay! Isang malakas na pagbukas ng pinto na ipinagtaka ko. Dumilat ako. Nakita ko ang nakatayong babae sa harap ko. Si Jhen! Kinutuban agad ako.
"Magtapat ka nga sa'kin, Dennis!"
Bumangon ako at umupo. "Bakit?" Bigla niya akong tinulak sa ulo kaya napahiga uli ako.
"Gago ka! Nagresign ka na pala dahil may relasyon kayo ni Ate Carla!" Nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba. Pero sino kaya ang nagsabi sa kaniya? Malamang si Rony. "Totoo ba 'yun?" Galit na galit siya sakin. Ano ang gagawin ko? Ayokong mawala si Jhen.
Bumangon ako at niyakap ko siya. Nagpupumiglas siya. "Makinig ka muna!"
"Oo o hindi lang!" Kailangan kong ipaliwanag sa kaniya. Dapat kasi pinag aralan kong maigi eh. Nagpupumiglas parin siya. "Bitawan mo ako, Dennis!"
"Makinig ka muna."
"Sagutin mo ako."
Pinaupo ko siya pero sinampal niya ako. "Wala kaming relasyon!"
"Tatanggi ka pa. Hanggang ngayon may relasyon kayo. Nakausap ko si Kuya Kurt!" Napatigil ako. "Ano? Tatanggi ka pa?!"
"I'm sorry--"
Sinampal niya ako.
"Paano mo nagawa 'yun Dennis? Hindi ka lang nangbabae, sumira ka pa ng pamilya."
Napahilamos ako sa mukha ko. Pinagsasampal niya ako.
"Tumigil ka, Jhen!" Iniwat ko siya. Baka kasi naririnig na kami sa kabila. Nang tumigil siya ay aalis siyang bigla. Inawat ko siya. "Mag-usap tayo!"
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan!" Binalik ko siya sa kama.
"Sorry na! Hindi ko na uulitin yun!" Wala talaga akong masabi, nakakainis.
"Okay nga lang sana kung pumatol ka sa walang pamilya. Nakakahiya na pag tinuloy pa natin 'to, Dennis! Nasira na ang tiwala ko," Pinigilan ko siya dahil gusto niyang umalis. "Mahal na mahal kita Dennis pero bakit ko nagawa sa'kin 'to!" Umiiyak na siya. Malakas ang boses niya. Nakakahiya sa kapit bahay.
"Wag kang masyadong maingay, nakakahiya sa kapit bahay."
"Wala akong pakialam sa kapit bahay mo dahil mas nakakahiya 'yang ginawa mo. Hindi ko kinaya Dennis." Patay! Naloko na. Hindi ko siya maawat kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"Mag-usap tayo ng mahinahon." Pumipiglas siya. Bumitaw siya sa'kin at tumayo.
"Akala nila mabait ka."
Lumapit ako sa kaniya at yumakap. "Ayokong mawala ka sa'kin Jhen."
"Pero bakit mo ako--" Tinakpan ko uli ang bibig niya. Tapos tinanggal niya ang kamay ko. "Nahihiya ka?"
"Jhen, pag-usapan natin 'to ng malumanay."
"Hindi na, Dennis. Aminado ka na. Ano pa ang dapat na pag-usapan?"
"Natukso lang kami dahil nalasing ako."
"Anong dahilan 'yan? Nalasing ka? Lasing din ba siya? Saan' lugar? Gago ka. Akala ko hindi mo magagawa 'yun. Mga hayop kayo. Hiwalay na silang mag-asawa, ano ang pakiramdam?"
Napaupo ako at nanlumo. Oo nga pala. Kailan lang masaya sila.
"Hindi ko sinasadya, Jhen." Tumingin ako sa kaniya. "Natukso lang ako kay Carla. Pero pinagsisisihan ko na."
"Walang silbe kahit magsisi ka pa. Hiwalay na silang mag-asawa at hindi porke madaling hugasan 'yan dahil lalaki ka, matatanggap pa kita."
"Jhen please! Kalimutan na natin."
"Kalimutan? Una sa lahat, ako ang nakunsensya sa ginawa mo. Pangalawa, hindi na ako panatag pag hindi kita kasama at pangatlo, alam kong hindi mo lang isang beses na ginawa 'yan." Lagot, alam na niya yata ang tungkol kay Rony. "May posibilidad na nagawa mo na 'yan noon sa ibang babae."
"Hindi totoo 'yan, Jhen!"
"Wag ka nang tumanggi! Bwisit ka. Ang galing niyong magtago ah. Iisipin talaga ng babae na tapat kayong mga lalaki. Wala sa itsura mo ang gagawa ng kalokohan. May paselos selos ka pang nalalaman." Hindi ako makapagsalita. Pero hindi ako papayag na umalis siya dito nang hindi kami nagkakaayos.
"Jhen, I'm sorry please. Mahal na mahal kita."
"Paano ang pamilya na sinira mo... Sa tingin mo, papatawarin kita habang may isang taong nasaktan? Sa tingin mo tatanggapin ko ang kasalanan mo at pikit matang kalimutan ang nasirang pamilya? Hindi ako ang taong tatanggap ng kamalian. Kung totoong nagsisisi ka na, humanap ka ng iba!" Aalis na naman siya pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Jhen, 'wag kang aalis!"
"Paano kung sa'yo ko gawin 'yan? Kaya mo kayang tanggapin ng basta basta? Ora mismo? Na pag hingi ko ng sorry ay papatawarin mo na ako?"
"Iba ang sa'yo Jhen?"
"Oo alam ko dahil sa sampung pagkakamali ng lalaki ay isa lang ang katumbas ng sa babae. Kaya mo kayang tanggapin pa ako kung nagawa ko na? Paano kung sampung beses mo na pala itong ginagawa?"
"Hindi totoo 'yan, Jhen!"
"Isa lang?"
"Natukso lang ako at labas na tayo sa pamilya nila." Ano ba itong nasabi ko? Masyado akong desperado.
"Kung wala kang paki sa kanila kaya mo nagawa 'yun, pwes ako meron."
Sabi ko na nga ba. "Jhen please. 'Wag ka munang umalis."
"Break na tayo. Hindi kaya ng konsensya ko ang ginawa mo." Pumiglas pa siya hanggang sa mabitawan ko. Tumakbo siya palabas. Hinabol ko siya.
"Jhen?!" Nasa labas na kami. Miski ako ay wala nang pakialam sa mga tao.
"Pag sumunod ka sa'kin, malalaman pa nila nanay ang problema mo kaya lalo lang malilintikan."
Pumara siya ng trycicle at sumakay.
Pumasok uli ako sa kwarto. Ano ang gagawin ko? Hiwalay na ba kami. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Humiga ako. Akala ko magiging masaya na ako dahil malapit na kaming magpakasal. Hindi pa pala. Nakakainis. Sana pala nagresign na ako para hindi na humaba pa. Naalala ko tuloy 'yung unang may nangyari samin ni Carla. Sobrang kinabahan talaga ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sinundan pa.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]
RomanceIt contains scene and language not suitable for young readers.