*Beep-beep*
*Eenng*
*Peep-peep*Tunog ng mga sasakyan na naririnig at nakikita ko dito sa tabi ng daan habang nakaupo at nakahalumbaba.Yes,sa tabi ng daan.Hindi ako pulubi,di rin orphan pero parang ganun na nga yun.Mas malala pa.
*Bzzzt-bzzzt*
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko at agad ko namang kinuha.
*Kuya Drey calling*
Tssss.Si kuya Andrey Eros Lee,ang napakabait at mapagmahal na kapatid ko."Hello ku-" di na nya ako pinatapos at nagsimula nang manermon
"ANO BANG PROBLEMA MONG BATA KA AT UMALIS KA NG BAHAY NG DI NAGPAPAALAM AT TUMAKAS KA PA SA MGA BODY GUARDS MO?! SAGOT!!"
"A-aray ko kuya!! Dahan-dahan naman,huwag kang sumigaw!!Ansakit sa eardrums ohh!!Natatanggal atuli ko sa'yo!!"Ang lakas kasi makasigaw ni kuya,dinaig pa babaeng naglilihi sa init ng ulo.Tama si kuya,tumakas ako sa malamansion naming bahay pero kulang naman ng saya.Meron din akong body guards para bantayan ako.In short MAYAMAN kami pero hindi sa pagmamahal.
"Ok fine.Nasaan ka at susunduin nalang kita.Magtutuos ta'yo mamaya" Patay!
"Nandito po sa *toot street*"
"Hintayin mo ako dyan!" At binabaan ako.Ansama talaga nun.Ang tagal kong magspeech hindi pa pala ako nakapagpakilala.
Ako si Aneeqa Selene Lee,my name means (beauty and Goddess of the moon). Tindi ng pangalan ko noh?hahah.Pero mabalik tayo.Oo mayaman ako,nagmamay-ari ng Lee Corporation at restaurants sa iba't ibang parte ng mundo pero hindi pa rin sapat para sa akin.Gusto kong magkaroon din ng atensyon ang mga magulang namin ni kuya sa amin.Puro lang kasi trabaho ang inaatupag.Parang lumaki din kami ni kuya ng walang mga magulang dahil minsan lamg namin sila nakikita.At nagtataka kayp kung bakit ako nasa kalsada kanina? Tumakas ako sa mga body guards ko.Nakakasakal na kasi na imbes mga parents ko ang kasama kong gumala at in fact,ayaw nila akong palabasin na walang bantay,baka raw may kumidnap pa.Sinabi ko na pupunta ako sa mall at iniligaw ko sila.Nakakahiya kayang may kasamang body guards.Parang bata!
*Beep-beep*
Nandito na pala si kuya.Sakay ng Ford nya.Sumakay na ako sa side nya at naghanda.
"Hep-hep! Opo na po kuya.Kasalanan ko na po na tumakas na naman ako,promise kuya di ko na uulitin.Nakakasakal lang kasi na ang raming nakatingin sa akin kasi may mga bantay.I'm 16 years old for Pete's sake at hindi 5 years old na uhigin kaya peace na tayo kuya.Naiintindihan mo naman ako diba?" Nagpout ako nyan para effective,yan lang kasi weakness ni kuya.Bwahahah!
Bumuntong hininga sya. "Hayy nako naman oo.Ang kulit mo little sis.Alam na alam mo talaga ha?Sige patatawarin kita pero huwag mo nang uulitin ha? Pinag-alala mo ang kuya mo ehh" Pi-nat nya ako sa ulo na parang aso
"Yeyyy! Thanks kuya.Promise hindi na talaga atsaka huwag mo ngang guluhin buhok ko kuya.Para naman akong aso nyan ehh" At nagdrive na sya papunta sa bahay namin