Aneeqa's P.O.V
"How many times na kailangan naming itatak dyan sa kokote mo na huwag lang lalabas ng bahay ng hindi importante ang lakad at hindi kasama ang body guards mo?!" Ang dakila kong ama
"Dad,first of all,importante po yun.Mall pag may bibilhing gamit at kasama ko naman po yung body guards ko ahh" Ako habang nakayuko lang,nakakasawa ng ganito
"Anong kasama ehh tinakasan mo! Buti nalang at nakuha ka ng kuya mo.Ano nalang sasabihin ng iba? Na pabaya akong magulang at walang pakialam sa anak nya?!"
"Di pa yun naman po kayo?!"
*Slaaap*
Napahawak nalang ako sa pisngi ko na namumula
"How dare you answer me like that.Pinalaki kita para maging isang perpekto at tingalain ng lahat.Wala kang respeto" Sasampalin pa sana ako pero pinigilan ni kuya"Dad,tama na yan.Baka may makakita pa at mabalita pa kayo" Thankssss kuya TT_TT
"Pagsabihan mo yang kapatid mong inutil.Lumalaking walang utak at puro hangin ang laman!" Umalis na si daddy.Linapitan naman ako ni kuya at niyakap habang umiiyak ako
"K-kuya,bat ba ganyan si dad, kulang pa ba na ginagawa ko naman ang lahat para maging masaya sya. I've graduated Valedictorian sa school,at ngayon SC presedent,almost perfect.Ang kulang nga lang ehh yung mukha ko.*Sob-sob"Ngumiti naman ako ng mapait kay kuya.Well,kung titingnan ako ang pangit ko talaga.Nakabrace,palaging nakabraid yung buhok,Naka-eyeglass at baduy kung pumorma na pagkakamalan mong tomboy sa kalye.At galit si dad dun.Ayoko namang baguhin ang sarili ko dahil ako to.Wala na kaming mommy,namatay sya sa panganganak.And kuya told me na magkamukhang-magkamukha raw kami.And that means galit si Dad sa akin dahil namatay si Mommy dahil sa akin at plus magkamukha pa kami.
"Little sis ko,tahan na ok?nandito lang si kuya.Sige ka mas papangit ka nyan" He chuckled. Sinapak ko naman sya pero mahina lang.Isa rin tong si kuya ehh.Parang robot.Mas robot pa sa akin.Sunod ng sunod kay dad kahit anong utos.Kaya nga nawalan ng love life ehh.4th year college na sya at ako naman ay 1nd year college na sa pasukan
(A/N: May story po si Andrey ,wala pa pong title,after this nalang po)
"Kuya naman ehh.Tanggap ko na yun.Heheh" At nagtawanan lang kami ni kuya kahit may uhog pa at tuyong luha
"Aneeqa,malapit na pasukan ohh" Pag-iiba mg topic niya
"Ehh ano naman kuya?" Pagtataka ko
"Magbago ka na nga,para ka paring bata.Ang tanda-tanda mo na,crying baby ka parin.College ka na kaya"
"Suntok kuya gusto mo?" Pinakira ko sa kanya kamao ko
"Woah! Easy little sis" Nag-act naman si kuya na parang suko na
"Naman kuya ehh,paano ba naman,ganito talaga ako.Simula nung ipinanganak ako sa lupang ito.Geek na talaga ako"
"Bakit ka nanalo ng SC President kung GEEK ka?" I-emphasize ba raw ang GEEK -_-
"Ako lang kasi matino nung high school tayo di ba kuya?Alam mo naman yung school natin ehh" Tumango lang si kuya
"Ahh oo nga pala.Ikaw palang walang first kiss.Haha"
"Ansama!" Nagpout ako
"Huwag kang magpout kung ayaw mong mahalikan kapatid,bye little sis tulog na tayo" Kiniss ako sa forehead at umalis
"T-teka kuya a-anong-?" Tatanungin ko pa sana sya pero umalis agad.Huwag magpout kung ayaw mahalikan?Ano bang ginawa ko?