Aneeqa's P.O.V
"My gosh girl! Bat mo tinalk back talk back and you're dead ang pudra mo?!" Nandito ako ngayon sa room ko at nakipagkwentuhan sa bestfriend kong babae at bakla.Yung nagsalita kanina si John Nicolas Deguzman.She/He's GAY
"Oo nga sis.Bat mo ginawa yun?" Yun naman si Lexa(Pronounced by leksa) Marie Freyo Magpinsan silang dalawa
"Ehhh nakakapikon na ehh.Palagi nalang ganun.Kaurat" Umirap ako kahit di nila nakikita
"Umirap ka alam namin yun" Sabi ni Lexa.
"What's bestfriends for di ba?" Tumawa naman ako
"You lang talaga ang GEEK na rorolling rolling in the deep blue see bakla,Howd you do that?!"
"Hoy Juan Nicolas,manahimik ka kung ayaw mong tuliin kita" Tong baklang toh!
"Waahhh.Mommy! Tutuliin ako-wait! Tuli na ako ahh! Di ba Lexa?" hayy nako
"Haha.Hindi pa yata?!" Sumabat na rin si Lexa
"By the way bessy ko.Anong balak mo sa monday,mage-evolve ka na ba into human?" Isa pa tong bruha na to >_
Sabado pala ngayon"Cheh!Tao ako,kaloka! At hindi no.Alam mo naman sa school natin.Walang pakialam sa mundo kaya no need na magpapansin"
"Hmmm.Shabugay,yoshh beyutipul yur ownlaloo highway" Bat ganito to magsalita? Kumakain na naman to ehh
"Nicolas,kumakain ka na naman? Magtira ka!" Si Lexa yun.Iisa lang kasi sila ng bahay.
"Nemen ating ehh.Nakakagushom keya jukems!"
"Teka nga lang mga besties,wala pa tayong gamit ohh.Mall tayo bukas ^_^" Una-una kong bibilhin ay-
"Ice cream lang una mong binibili doon ehh.Ginagawa mo nang excuse ang mga gamit.Tsss" Taray talaga nitong si Lexa
"Ehhh! Bibili din naman tayo ehh.Sige na please :3"
"Hayy nako.Sige na nga.Susunduin ka namin mga 9am dyan sa bahay nyo.At bakla magpaalam ka.Kami pa pagbuntunan nyan ehh"
"Opo mahal kong ina!Hahah.K ciao!"
"Hoy Nicolas!Tigil na nga sa pagkain.Makabili na naman tayo ng di oras nyan ehh!"
"Sister!!!HUWAAGG POOO" nakarinig naman ako ng tili.Binaba na nga nila ang call.
"Hayyy" Napabuntong hininga nalang ako.
*Fast forward*
Maaga akong nagising.Naligo at nagbihis.Napatingin ako sa salamin.Eyeglasses, pants at t-shirt.Brinaid ko na din ang buhok ko after nitong matuyo.
Hindi naman talaga ako pangit ehh.Sa katunayan nyan.Sinasabi nilang maganda ako kung mawala lang ang braces at eyeglass ko.Matangos ang ilong.Maputi.May katangkaran at sexy.Nagsasabi lang po ng totoo! Nakapagtataka nga raw ehh kung bakit ganito porma ko.Ang gwapo-gwapo raw ng kuya ko samantalang ako.Eto.Parang tomboy.Haha!*Beep!*
"Bakla may sunog! Lumabas ka na dyan at tayo'y magcocondense na" Sino pa ba ang eskandalosa sa storya na ito.At condense? Di'ba evaporate?
"Cocoo brain! Evaporate.Shonga!" Haha.Si Lexa talaga.
"Tanga.Condense para mas masarap!" Kalandian na naman
Bumaba na ako at nagpaalam kay kuya na nagkakape at nag-aasikaso sa bussiness namin.Kawawang kuya.Ang haggard nya at masyado pang bata para dyan.Lumapit ako sa kanya at nagkiss sa pisngi
"Bye kuya.Pupunta kami ng mall para po bumili ng gamit sa school.At promise hindi po ako tatakas" Alam ko na kasi na hindi yan papayag dahil dun sa nangyari kahapon.
Tiningnan naman nya ako at tinaas ko yung kanang kamay ko na parang nagpapanatang at umarteng inosente