69

18 0 0
                                    

”Gatorade?” Ayi was busy scanning the choreography video on her iPad when Jiwoong approached her holding a Gatorade in his right hand.



Ayi smiled bago niya kunin ang Gatorade sa kamay ni Jiwoong, “Thank you.”



Jiwoong sat beside her, inilagay muna ni Ayi ang iPad sa sahig at iginitna ‘to para makita din ni Jiwoong ang choreography.



Ayi was struggling to open the bottle, napansin naman ‘yon ni Jiwoong kaya agad niyang in-offer na siya na ang magbubukas no’n.



Nang mabuksan na ‘yon, binigay din ni Jiwoong agad kay Ayi, “Salamat.” Ayi smiled again bago uminom mula sa Gatorade niya.



“Are you already tired?” Jiwoong asked.



Umiling si Ayi, “Never ako napapagod tuwing practice.”



Tinuro naman ni Jiwoong ‘yung parte ng studio kung saan nakaupo sila Jongwoo, “Ayon, pagod na sila.”



Bahagya namang natawa si Ayi dahil sa nakita niya, break time kasi nila ngayon at kasalukuyang nakasalampak si Junhyeon sa sahig. Sila Gunwook at Yujin naman nags-space out na dahil sa pagod. Habang sila Jongwoo at Hanbin parang wala lang at sanay na.



“I warned them.” Ayi chuckled.



”Nagrereklamo na nga sila sa gc eh.” Napailing-iling si Jiwoong.



“Ay nagrereklamo, pahirapan ko pa.” Pagbibiro ni Ayi, sabay silang natawa dalawa.



Ganon ka talaga magpa-practice noh?” Tanong sakanya ni Jiwoong.



“Oo, simula nung nasa Prism palang ako. Madalas kasi ako gumagawa ng choreo sa dance crew namin at metikulosa talaga ako pagdating sa details, ewan perfectionist kasi ako. Gusto ko malinis ‘yung routine.” Sabi ni Ayi, “Ayan sila Zihao, Keita, at Jongwoo alam ‘yan. Kahit si Hanbin alam niya kasi nakasama namin siya one time sa Prism.”



“Can I ask you something?” Jiwoong said.



“Sure, ano ‘yon?” Umayos muna si Ayi ng upo niya para mapakinggan niya ng maayos ang itatanong sakanya ni Jiwoong.



“If it is okay with you na pag-usapan natin, bakit ka umalis ng Prism?” Jiwoong asked.



“Ayos lang naman sakin pag-usapan ‘yung tungkol don.” Sagot ni Ayi, “Dapat talaga 3rd year na ako ngayon, ahead talaga ako kay Yujin ng isang taon kasi sa aming magkakaibigan ang ka-batch ko sila Hanbin, si Yujin lang ang pinaka-bata sa amin. After ng graduation namin ng SHS, I decided to stop muna. Pumayag naman parents ko sa desisyon ko kaya pinagpatuloy ko ang pagsasayaw sa Prism.”



“Bakit ka nag-stop?”



“Because of Prism and my passion for dancing.” Ayi said, “But right after ng competition namin sa Bulacan, my parents told me na I should quit sa Prism. Nung una umangal ako pero sabi nila hindi nila ako pinapatigil sa pagsasayaw ko dahil alam nilang gusto ko na ‘yon simula bata palang ako, pinapa-quit lang nila ako sa grupo. Ayoko kasi parang pamilya ko na ang Prism but then I realized, I have a long road ahead of me. Bukod sa pagsasayaw, marami pang opportunity ang nakalaan sakin. And that’s when I decided to leave Prism, umalis ako pagkatapos naming manalo sa Clark. Atleast it was a good memory of me before leaving the group. At pagkatapos non nag-desisyon ako na bumalik ulit sa pag-aaral, I enrolled here sa Sinagtala and from then it was my dream to be part of Hiraya at nagkatotoo naman kasi nandito na ako ngayon.”



“And you already achieved many things habang nandito ka sa Hiraya.”



“Really?”



“Oo naman, why? Are you doubting yourself?”



“Minsan, oo. Iniisip ko kung enough na ba lahat ng ginagawa ko ngayon, gusto ko kasing may mapatunayan sa sarili ko. Sa sarili ko lang at hindi sa ibang tao.” Sabi ni Ayi habang pinaglalaruan niya ang shoelace niya.



“You already proved yourself with your passion and determination. And everyone knows that you’re doing great.” Umangat ang tingin ni Ayi kay Jiwoong at agad na nagtama ang mata nilang dalawa.



“Paano mo naman nasabi na alam ng lahat na I’m doing great?” Tanong pa nito.



“You may not know and you may not be aware of it but you’re admired by everyone, Ayi. Even me. I admire you.”






La La Love You (Boys Planet Epistolary Series #1) | Kim JiwoongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon