Athena Eirene’s POV
As soon as Coach Kooyoung and Coach Youngjoon announced sa gc namin na wala kaming practice ngayong araw, dali-dali kong inayos ang gamit ko.
Ayoko rin namang magtagal dito sa studio dahil nandito si Jiwoong, tsaka ano pa bang gagawin ko dito diba? Magtititigan kami?
Tsaka umiiwas nga ako sakanya kaya aalis na ako.
Hindi na ako bumaling pa ng tingin sakanya pero nakikita ko sa peripheral vision ko na inaayos niya ang gamit niya. Naglakad na ako papunta sa pinto ng studio at nang bubuksan ko na iyon ay nagtaka ako.
Sinubukan ko pa ulit buksan ang pinto pero ayaw talagang bumukas, “Huh? Bakit ayaw magbukas?” Pinihit ko pa ulit ang doorknob pero ayaw talaga.
Bigla akong nag-panic nang ma-realize ko na na-lock kaming dalawa ni Jiwoong dito sa loob ng studio, pero imposible naman na ma-lock kami dito kasi maayos pa ‘tong pinto kanina. At imposible rin na saraduhan kami dahil hindi pa naman sarado ang school.
“May problema ba?” Biglang nagsalita si Jiwoong sa likuran ko kaya hinarap ko siya, nakasukbit na ang duffle bag niya sa kanyang balikat. Naglakad siya palapit sakin.
“Uh, na-lock tayo. Ayaw magbukas ng pinto.” Sagot ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya habang naglalakad palapit sakin, nang makarating na siya sa tabi ko ay agad akong gumilid. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero maging siya hindi niya mabuksan.
“Locked nga ‘yung pinto mula sa labas.” Jiwoong said as he ran his hand through his hair. Nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya habang kinukuha niya ang phone mula sa bag niya, “Shit, lowbat pa ako.”
Jiwoong looked at me kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko mula sa bulsa ng sweatpants ko, good thing hindi ako lowbat so I immediately called Yujin.
Ring lang nang ring mula sa kabilang linya at hindi niya sinasagot ang tawag. I tried contacting Keita and Hanbin pero busy, mukhang naka-off ang phone nila. Even Hao and Matthew. Nag-chat na rin ako sakanila pero lahat ng message ko puro delivered.
“Try to contact Jongwoo, baka sumagot ‘yon.” Jiwoong suggested, tumango ako at dali-dali kong tinawagan si Jongwoo pero pati siya ay hindi sumasagot.
“Call my sister.” Ginawa ko rin ang sinabi niya pero pati si Lai hindi sumasagot.
Seriously? Anong mayroon at bakit lahat sila hindi nasagot sa tawag?
“They aren’t answering?” Jiwoong asked, umiling ako, “Ako nalang magbubukas ng pinto.”
“Teka, paano—” Jiwoong bumped his shoulder against the door and forcing it to open. Pinigilan ko naman siya dahil nasasaktan niya ang sarili niya.
“Hey, don’t do that. There’s other way for us to get out of here, ‘wag mo lang pwersahin sarili mo.” Sabi ko sakanya, bigla naman kaming nagkatinginan dalawa at na-realize ko na nakahawak pala ako sa magkabilang balikat niya dahil sa pagpigil ko sakanya, agad akong napabitaw at lumayo sakanya.
Umupo ako sa mahabang sofa na nandito sa studio habang sinusubukan ko pa rin tawagan ang mga kaibigan ko kaso lahat sila puro cannot be reached. Ugh, bakit ba ang hirap nilang ma-contact ngayon? Kung kailan naman na-lock ako kasama si Jiwoong.
“Sa tingin ko hintayin nalang natin na may dumating na maintenance staff o ‘di kaya guard para pagbuksan tayo dito.” Sabi ni Jiwoong na nakaupo sa lapag malapit sa kabilang dulo ng sofa na inuupuan ko.
Tumango na lamang ako at pinatay ang phone ko. Wala rin namang silbi na tawagan ko ang mga kaibigan ko dahil hindi sila sumasagot.
Parehas kaming tahimik ni Jiwoong at tanging ang aircon lang dito sa loob ng studio ang maingay. Nasa harap lang namin dalawa ang salamin dito sa studio kaya tiningnan ko siya mula doon at nakita ko na nakatungo lang siya pero halata sa mga mata niya ang pagod, naawa naman ako bigla.
Wala pa man din practice ngayon at dapat nagpapahinga na siya, kaso bigla kaming na-lock dalawa dito sa studio.
Bigla ko namang naalala na may gatorade nga pala akong baon kaya kinuha ko ‘yon mula sa bag ko. Tumayo ako at naglakad palapit sakanya para ibigay ‘yon, “Gatorade?”
Iniangat niya ang ulo niya para tingnan ako pero umiwas din ako ng tingin, muli kong inabot sa harap niya ang hawak kong Gatorade, “Sayo na ‘yan.” Sabi ko habang hindi pa rin ako nakatingin sakanya.
Naramdaman ko naman na kinuha niya mula sa kamay ko ‘yung Gatorade, “Salamat.” Sabi niya, aalis na sana ako pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko.
“Jiwoong—”
“Pwede bang sayo na rin ako?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya napatingin ako sakanya at agad nagtama ang mata naming dalawa.
Tumayo siya habang hawak pa rin niya ang kamay ko, hindi niya inaalis ang tingin sakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko unti-unting nanghihina ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.
“Ano?” ‘Yon na lamang ang lumabas mula sa bibig ko.
“Ayi.” Bakit pati pagtawag niya sa pangalan ko nangangatog na agad tuhod ko?
“I like you.” Jiwoong suddenly confessed which made my heart race more.
“Eto ‘yung gusto kong sabihin sayo nung araw na tinanong mo ako kung bakit kita tinatrato ng gano’n. Kasi gusto kita, Ayi, ‘yun ang rason ko. At hindi ko intensyon na maguluhan ka dahil sa pinapakita ko sayo.” Dagdag pa niya, “I’m sorry for confusing you because of my actions but I wanted to assure you that my intention towards you are genuine. And my feelings for you are real. I like you, Ayi. You are special to me.”
I was speechless. Hindi ko in-expect ‘tong confession niya.
At mas lalong hindi ko ine-expect na ang isang Kim Jiwoong ay magkakagusto sakin. Totoo ba ‘to? Nananaginip ba ako?
“Hindi ko alam sasabihin ko.” Bakit umurong bigla dila ko? I should’ve said something too. I should confess too.
Jiwoong smiled at me, “Okay lang kung wala kang sabihin.” Sagot niya, “I’m not expecting for your answer because all I wanted is to atleast let you know why I’m being like that. Kasi gusto kita, Ayi. Gustong-gusto. And I will continue these feelings that I have for you.”
——
ayi 🔒
@shhayinakauwi na ako’t lahat pero iniisip ko pa rin ung confession ni jiwoong sakin
↪ TANGINA NAMAN NAGMMALFUNCTION AKO BIGLA KAPAG NAAALALA KO YON AJDKSNSKSN——
ayi 🔒
@shhayipero totoo ba talaga yon??? hindi ba talaga ako nananaginip kanina???
↪ nababaliw na ako aaaa jiwoong pinapabaliw mo na naman ako eh 😭😭😭——
jw 🔒
@jiwoongprivdamn i finally confessed
↪ finally, i’m not hiding my feelings from her anymore.
BINABASA MO ANG
La La Love You (Boys Planet Epistolary Series #1) | Kim Jiwoong
Hayran KurguShe only has her eyes for him. The moment she steps inside the studio, Athena Eirene never turns away her gaze from Kim Jiwoong, the popular dancer and face genius of the team. And for her, it's a dream come true to get accepted in the famous dance...