pov: Jenn

7 0 0
                                    

Jenn


Naglalakad-lakad kami sa mall and si Shen may nakasalubong pang tropa niya, si Chris.

Kasama ni Chris mga friends niya. Si Skye na babaero at halos every two weeks may bagong chix. Ex siya ni Reese pero hanggang ngayon we still ship them with each other kasi sa lahat ng mga naging ex ni Skye, si Reese ang pinaka-nagtagal. Si Liam na kinaiinisan ni Yora kasi rival niya ito when it comes to being at the top of the class. Si Robb na pinsan ko, medyo may pagka-private ‘yon sa buhay niya pero sa lahat ng pinsan niya, ako yung pinaka-nakakaalam sa mga pangyayari sa buhay niya, he’s the closest saakin. Isa pa sa kanilang magbabarkada na may maraming babaeng naghahabol ay si Khai, matalino rin siya and he seems so formal all the time.

At syempre, hindi mawawala ang mayabang nilang friend na si Yuri, varsity player siya, madalas din siyang sumasali sa mga school band performances. Lahat sila ay anak ng mga taong matataas ang pwesto sa politika kaya they’re well known sa buong campus.

Tropa SeriesWhere stories live. Discover now